Friday, June 14, 2013

Noli Me Tangere: Buod ng Kabanata 5- Isang Tala sa Gabing Madilim


Buod ng
Kabanata 5- Isang Tala sa Gabing Madilim
Pumunta ng Maynila si Ibarra ng araw na iyon at nanuluyan sa Fonda deLala. Sa kanyang silid ay nagmuni-muni ang binata tungkol sa sinapit ng ama. Kalaunan ay napadako ang tingin nito sa durunguwan, at sa kabila ng ilog ay tanaw na tanaw niya ang nagliliwanag na bahay ni Kapitan Tyago. Tila bagat naririnig pa niya ang kasayahan sa loob ng bahay, ang kalansingan ng mga pinggan at kubyertos at tugtog ng mga orkestra. Sa gabing iyon sa bahay ni Kapitan Tyago ay nagaganap uli ang isang kasiyahan. Dumating ang nag-iisang anak nito na si Maria Clara, kung kaya't sinalubong siya ng kanyang mga kaibigan, kababata, mga Kastila at paring malalapit sa ama, mga Pilipino, Intsik, at militar. Ang lahat ay nakatuon ang paningin sa kagandahan ni Maria Clara, na nakasuot ng isang marangyang kasuotan at napapalamutian ng alahas na diyamante at ginto. Si Donya Victorina naman ay matiyagang inaayos ang buhok ng dalaga. Si Padre Salvi na mahilig sa mga magagandang dilag ay masayang masaya at kadaupang palad niya ang mga dalaga roon. Lihim din ang kanyang paghanga sa kagandahan ni Maria Clara. Madaling nakatulog si Ibarra ng gabing iyon, kabaligtaran naman ni Padre Salvi na hindi dinalaw ng antok sapagkat hindi mawala sa kanyang isipan si Maria Clara.


MGA TAUHAN SA KABANATA 5
Crisostomo Ibarra - naghihinagpis si Ibarra sa sariling silid habang nagsasaya sa kabilang bayan ang may kagagawan sa pagkamatay ng kanyang ama

Maria Clara - tinaguriang pinakamaganda sa bayan ng Binundok at lahat ng tao ay humahanga sa kanya


Padre Sibyla - siyang siya sa pagmamasid sa mga kadalagahang naroroon, lalong lalo na sa kagandahan ni Maria Clara

2 comments: