Thursday, June 27, 2013

Pang-uri

Pang-uri

Ang pang-uri ay isang bahagi ng pananalita na binabago ang isang pangngalan, karaniwang sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular ito. Ang pang-uri ay nagbibigay ng turing sa isang pangngalan o panghalip.

Apat ng Kayarian ng Pang-uri

1. Payak - Ito'y binubuo ng salitang-ugat lamang.
Halimbawa:
hinog, sabog, ganda, palit,sabay,nood,larawan

2. Maylapi - Ito'y mga salitang-ugat na kinakabitan ng mga panlaping Ka-, ma-, main,-hin, -in, mala-, kasing-, kasim-, kasin-, sing-, sim-, -sin, at kay-.
Halimbawa:
kabataan, katauhan, tag-ulan, tag-init

3. Inuulit - Ito'y binubuo sa pamamagitan ng pag-ulit ng buong salita o bahagi ng salita.
Halimbawa:
pulang-pula, maputi-puti, dala-dalawa, halo-halo, ihaw-ihaw, pita-pita, sinu-sino,

4. Tambalan - Ito'y binubuo ng dalawang salitang pinagtatambal.
Halimbawa:
ningas-kugon, ngiting-aso, kapit-tuko, silid-aklatan, bahay kalinga, dapit-hapon




Dalawang uri ng Pang-uri

1. Pang-uring naglalarawan - Nagpapakilala ng uri o kabagayan ng isang pangalan o panghalip.

2. Pang-uring pamilang - Nagpapakita ng bilang ng pangngalan o panghalip.

Uri ng pamilang na pang-uri

1. Pamilang na patakaran o kardinal - ginagamit sa pagbilang o sa pagsasaad ng dami.

A. Kardinal na pamahagi - ginagamit kung may kabuuang binabahagi o pinaghahati-hati.
Halimbawa:
ikaisang bahagi, ikasampung bahagi, kalahati (1/2), kanim (1/6)

B. Kardinal na palansak o papangkat-pangkat - nagsasaad ng bukod sa pagsasama-
sama ng anumang bilang, tulad ng tao, bagay, pook atbp.
Halimbawa:
isa-isa, apatan, lilima, lalabing-isa, dadala-dalawampu

C. Kardinal na pahalaga - nagsasaad ng halaga ng mga bagay.
Halimbawa:
mamiso, tig-apat na piso

2. Pamilang na panunuran o ordinal - ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakasunud-sunod ng tao,
Halimbawa:
Pangatlo si Maica sa magkakapatid.

3. Di-Tiyak
Halimbawa:
maramihan, iilan, kakaunti

Ang mga pang-uring pamilang ay ang mga sumusunod:

1. Patakaran - ito ay ang karaniwang paraan ng pagbilang.
Halimbawa:
Sampung mag-aaral ang tumanggap ng paghanga.
Sanlibong punongkahoy ang itinanim ng mga magsasaka.

2. Panunuran nagsasaad ng ayos o pagkakasunud-sunod ng mga tao o bagay.
Halimbawa:
Siya ay ikalawang humingi ng tulong.
Ako ay ikalima sa hanay.

3. Patakda - ito ay nagsasaad ng tiyak o hustong bilang.
Halimbawa:
Sasampung piso ang natira sa pera niya.
Si Teresa ay nag-iisang anak.

4. Pahalaga - ito ay tumuturing sa halaga ng isang bagay.
Halimbawa:
Tiglilimampiso ang bili ko sa mga aklat na ito.
Mamera ngayon ang halaga ng mga bayabas.

5. Pamahagi - nagsasaad ng pagbabahagi ng isang kabuuan.
Halimbawa:
Kalahatiang ibinigay ko sa kanyang buwanang sahud.
Kunin mo ang ikatlo ng pizza.

6. Palansak - nagsasaad ng maramihan o minsanang bagay.
Halimbawa:
Daang-libong piso ang pinuhunan ko sa kalakal.
Ang sasakyang ito ay may upuang pandalawahan.


Kaantasan ng Pang-uri

1. Lantay - Naglalarawan ang pang-uring lantay ng isang pangngalan o panghalip na walang pinaghahambingan.
Halimbawa:
Kabigha-bighani ang pook na ito.

2. Pahambing - Nagtutulad ang pahambing sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
Ganggamunggong pawis ang namuo sa king noo.

     a. Pahambing na magkatulad - Ipinakikilala ito ng mga panlaping ka-, ga-, sing-
     /kasing- /magkasing- /magsing-. Ipinakikilala ang magkapantay na katangian ng
     dalawang bagay na pinaghahambingan.
     Halimbawa:
     Magkakasingganda ang mga bulaklak sa hardin.

     b. Pahambing na di-magkatulad - Ito ay kung hindi magkapantay ang katangian ng
     pinaghahambingan.

         • Pahambing na palamang - May katangiang nakahihigit sa pinaghahambingan.
           Ginagamitan ito ng mga salitang higit at lalo at tinutulungan ng kaysa o kaysa kay.
           Halimbawa:
           Lalong kahali-halina ang mga bulaklak dito kaysa sa nakita ko sa Parke.

         • Pahambing na pasahol - May katangiang kulang o kapos sa pinaghahambingan.
           Tinutulungan ito ng mga salitang gaano, tulad ni, o tulad ng.
           Halimbawa:
           Di-gaanong magaganda ang mga moske sa Taguig kaysa sa mga makikita sa
           Zamboanga.

3. Pasukdol - Ang pasukdol ay katangiang namumukod o nagngingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan.
Halimbawa:
Ang ganda-ganda ng Palawan.
Walang kaparis sa ganda si Glenda.


No comments:

Post a Comment