Pabula
Ang pabula (fable sa English) ay isang uri ng kathang-isip
na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang
gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at
kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat
nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din
itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.
Si Aso at si Ipis
Mataas ang mga punong nakapaligid sa bahay. Malawak din ang
hardin sa likuran.Napaligiran ng mga palay at mga pananim ang bahat ni Mang
Kardo. Sa harap naman, malapit sa
pintuan ay ang tulugan ng aso. Maliit lang ang bahay ngunit parang paraiso ang
kapaligiran nito. Nag-iisa kasi ang bahay ni Mang Kardo sa bundok na iyon at
ang kanyang kapithbahay ay sa kabilang bundok pa nakitira.
Araw ng lunes at abalang nagluluto si Mang Kardo sa loob ng
bahay. Kaarawan kasi ng kanyang apo at isang surpresa ang kanyang inihanda.
Nagluto siya ng pinakamasarap na kanin na kanyang ibinayo lamang kaninang
umaga. ng Naghanda rin siya ng pinikpikan na sinamahan ng etag upang maslalo
pang maging masarap ang kanilang ulam. At upang mas lalong maging masaya ang
apo ay nagluto rin siya ng dalawang patong na cake para sa kanynag apo. Binilin
niya ang kanyang aso na bantayan ang kanilang bahay dahil susunduin niya ang
kanyang apo sa kabilang bundok. Sinabi niyang matatagalan pa ito kaya ang aso
muna ang bahala sa kanilang bahay.
“Sige, mag-iingat ka sa pagbaba ng bundok, makakaasa ka na
babantayan ko ang bahay pati narin ang mga niluto mong mga pagkain.” yan ang
sabi ng aso. Naisip niya, siguradong bibigyan naman siya ng kanyang amo sa
inihanda nitong pagkain kaya minabuti niyang bantayan ng mabuti ang bahay.
Tinawag ng Aso ang kaibigang Ipis at sinabing tulungan siya
sa pagbabanatay ng bahay. Pinaakyat niya ito sa bubungan ng bahay para makita
niya ang mga taong may masasamang balak at upang masabihan siya agad. Umakyat
nga ang ipis ngunit nakita nito ang cake sa lamesa, bigla siyang nagutom. Hindi
napigilan ni Ipis ang kanyang sarili kaya tinawag niya na rin ang kanyang mga
anak at mga kapamilya na alam niyang gutom din. Kinain nila ang higit sa
kalahati ng cake at humigop ng sabaw ng pinikpikan na may etag.
Nang umuwi si Mang Kardo kasama ang apo nito ay nagulat sila
ng makita nila ang cake at ang ilang putahe na nagkakalat-kalat. Galit na galit
si Mang Kardo. Tinawag niya ang aso at ikinulong ito sa pag-aakalang ito ang
gumawa ng kalokohang iyon. Alam ng aso na ang kaibigang ipis ang gumawa ng
bagay na ito, pero hindi niya ito sinabi sa kanyang amo.
Nakita ng ipis ang paghihirap ng Aso at naawa siya sa
kanyang kaibigan. Nag-isip siya ng paraan para iligtas ang kaibigan ngunit wala
siyang magawa kaya isang plano ang nabuo sa kanyang isip.
“Kawawa ang kaibigan ko. Kailangang ako ang magbayad sa
kasalanang ginawa ko”. Naisaisip ni ipis.
Isang umagang naghahanda ng almusal si Mang Kardo ay umakyat
ang ipis sa lamesa at sinadyang ipakita sa matanda ang paglantak sa almusal
nito. Nakita ng aso ang ginagawa ng ipis at tinahulan niya ito. “Huwag ipis,
kung makita ka ng amo ko ay ikulong ka katulad ko.” tahol pa nito, “hayaan mong
malaman niya na ako ang gumagawa nito para makalaya ka.”sagot ni ipis.
Nakita nga ni Mang kardo ang ipis at sa isang hampas nito ng
aklong hawak ay namatay ang ipis. Naisip niya na ito rin ang kumain sa handa ng
kanyang apo, dahil dito ay pinakawalan niya at muling minahal ang aso.
Masaya ang aso na Malaya na siya, ngunit na hahabag naman
siya sa kaibigang ipis.
“Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa.” dalangin ng Aso.
No comments:
Post a Comment