Wednesday, June 26, 2013

Pang-ukol

Pang-ukol

Ang pang-ukol o preposition sa wikang Ingles ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa pangngalan, panghalip, pandiwa at pang-abay sa ibang salita sa pangungusap.

Pang-ukol ang ginagamit upang matukoy kung sang lunan o kung anong bagay ang mula o tungo, ang kinaroroonan, ang pinangyarihan o kina-uukulan ng isang kilos, gawa, balak ari o layon. Ang mga ito ay lagging may layon na maaaring isang pangngalan o isang panghalip.


Mga halimbawa ng pang-ukol
sa/sa mga
ng/ng mga
ni/nina
kay/kina
sa/kay
labag sa
nang may
tungkol sa/kay
alinsunod sa/kay
hinggil sa/kay
nang wala
para sa/kay
laban sa/kay
ayon sa/kay
tungo sa
mula sa


Dalawang pangkat ng Pang-ukol

1. Ginagamit na pangngalang pambalana : ukol sa, laban sa, hinggil sa, ayon sa, tungkol sa, para sa.

Mga Halimbawa:
a.  Ukol sa ekonomiya ang pinag-uusapan nila.
b.  Laban sa dengue ang bagong programa ng DOH.
d. Ang mga pagkaing ito ay para sa mga biktima ng bagyo.

2. Ginagamit sa ngalan ng tanging tao - ang gawa, ari, layon, at kilos ay para lamang ngalan ng tao, tulad ng ukol kay, laban kay, para kay, tungkol kay, ayon kay, hinggil kay.

Mga Halimbawa:
a. Ang gantimpalang pera ay ukol kay Maria.
b. Para kay Juan ang pagkaing ito.
c. Hinggil kay Enrico ang kanilang problema.
d. Ang kanyang nilutong adobo ay para sa lahat.
e. Ayon kay Rizal, ang pananaliksik ay nagdaragdag sa ating kaalaman.

source: http://teksbok.blogspot.com

No comments:

Post a Comment