Friday, June 28, 2013

Pangungusap Ayon sa Tungkulin

Pangungusap Ayon sa Tungkulin

Ang pangungusap ay may apat na uri ayon tungkulin, ito ay pasalaysay, patanong, pautos at padamdam.

1. Ang paturol na pangungusap ay tinatawag ding pasalaysay. Ito’y nagsasalaysay ng isang katotohanan o pangyayari. Ito ay binabantasan ng tuldok.

Halimbawa:
Si Jose Rizal ay kinikilalang bayani ng ating lahi.
Magkikita-kita ang aming pamilya sa pagdating ni Rene.

2. Ang pangungusap na patanong ay nagpapahayag ng pagtatanong o pag-uusisa. Ito’y gumagamit ng tandang pananong (?).

Halimbawa:
Tutuloy ba kayo kina Tess at Lito pagdating sa New York?
Sasama na ba ang mga bata sa pamamasyal?

Anyo ng Patanong

        Patanong na masasagot ng OO o Hindi

        Halimbawa:
        Naglinis ka na ba ng bahay?

        Pangungusap na Patanggi ang Tanong

        Halimbawa:
        Hindi ka ba papasok?

       Gumagamit ng Panghalip na Pananong
       Ang mga panghalip ay kinabibilangan ng mga salitang: ano, alin, sino, saan at iba pa.

       Halimbawa:
       Ano ang iyong ginagawa kanina?

        Nasa Kabalikang Anyo ng Tanong

        Halimbawa:
        Tayo ba ay aalis na?

        Tanong na may Karugtong o Pabuntot

        Halimbawa:
        Dumaan ka na dito, hindi ba?

3. Ang pautos ay nagpapahayag ng obligasyong dapat tuparin, samantalang ang pakiusap ay nagpapahayag ng pag-utos sa magalang na pamamaraan. Nagtatapos ito sa tuldok.
Mga Halimbawa

Halimbawa:
Sagutin mo agad ang liham ni Joy.
Pakibigay mo naman ito sa iyong guro.

Anyo ng Pautos
Pautos na Pananggi – Pinangungunahan ng salitang "huwag".

Halimbawa:
Huwag kang lalabas ng bahay.

Pautos na Panag-ayon – Ito ang paksa ng pangungusap ay nasa ikalawang panauhan at may pandiwang nasa anyong pawatas.

Halimbawa:
Ipagluto mo si Anna ng adobo.

4. Padamdam - Ito ay nagsasabi ng matinding damdamin gaya ng tuwa, lungkot, pagkagulat, paghanga, panghihinayang at iba pa. Karaniwang nagtatapos ito sa tandang panamdam(!). Hala! Aba! Ha! Hoy! Gising! Naku!

Halimbawa:
Naku! Binasag mo pala, ang mamahaling plorera.
Kay ganda ng bansang Pilipinas!




No comments:

Post a Comment