Uri ng Balita
1. Paunang paglalahad
- Itinuturing na hilaw pa ang ganitong uri ng balita, subalit inilathala na rin
bunga ng pangangailangang maipaabot agad sa madla.
2. Tuwirang
paglalahad - Sa ganitong uri ng paglalahad, tinatalakay ang
pinakamahalagang impormasyon tungo sa maliliit na detalye.
3. Balitang bunga ng
pakikipanayam - Karamihan sa balitang nabasa, naririnig at napapanood ay
bunga ng pakikipanayam. Sa ganitong uri, ang pinakamahalaga lamang ang dapat
isulat.
4. Kinipil na Balita
- Ang ganitong uri ng balita ay dulot ng kakulangan sa espasyo sa pahayagan
kung kaya ang buod ng maliliit na balita ay pinagsasama-sama.
5. Madaliang Balita o
Flash - Ikinukulong sa kahon upang makatawag agad ng pansin.
6. Depth news o
balitang may lalim - Kinakailangan ang masusing pananaliksik, upang higit
na matalakay ang mga ulat na nakapaloob dito.
7. Balitang
Pangsensya - Tungkol sa mga makabagong imbensyon o pagtuklas sa mga bagay
na makakatulong sa pagpapadali ng mga gawain.
Iba pang uri ng
balita
1. Balitang Panlokal
- Mga balita tungkol sa isang lokal na yunit ng pamahalaan tulad ng barangay.
2. Balitang Pambansa
- Mga balitang mahalaga at nagaganap sa buong bansa
3. Balitang
Pandaigdig - Mga balitang nagaganap na mahalaga sa buong daigdig.
halimbawa: Digmaan sa iraq
4. Balitang
Pampulitikal - Tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa pulitika.
5. Balitang
Pampalakasan - Tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa mga palaro at
kompetisyong pangkalakasan
6. Balitang
Pang-edukasyon - Tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa edukasyon.
7. Balitang
Pantahanan - Tungkol sa mga mahalagang pangyayaring may kinalaman sa
pamamahala ng tahanan.
8. Balitang
Pangkabuhayan - Tungkol sa mga mahalagang pangyayaring may kinalaman sa
negosyo at takbo ng kabuhayan ng bansa.
9. Balitang
Panlibangan - May kinalaman sa larangan ng telibisyon, radyo, pelikula,
tanghalan at iba pa.
10. Balitang buhat sa
talumpati – ito’y buhat sa pinaghandaang okasyon tulad ng palatuntunan,
seminar, panayam o pulong.
No comments:
Post a Comment