Ano ang Pabula?
Ang pabula (fable sa English) ay isang uri ng kathang-isip
na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang
gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at
kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat
nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din
itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.
Bakit Laging Nag-Aaway ang Aso, Pusa At Daga
Noong unang panahon, ang mga hayop ay nakapagsasalita at
nagkakaintindihan. Sila ay magkakaibigan. Ang daigdig ay napakapayapa at
animo'y isang paraiso. Ang mga aso, pusa at daga ay mabubuting magkakaibigan.
Sama-sama silang kumakain. Lagi silang nagbibigayan at nagtutulungan sa
kani·kanilang mga suliranin. Subali't ang lahat ng ito ay nasira dahil lamang
sa isang pangyayari.
Isang araw, umuwi ang aso na may dala-dalang buto para
pagsaluhan nila ng kaniyang mga kaibigang pusa at daga. Wala doon sina pusa at
daga dahil naghahanap pa rin ang mga ito ng pagkain. Nakarinig ng ingay ang aso
sa pintuan ng bahay. Inilapag ng aso ang buto at tumakbo sa labas upang tingnan
kung ligtas ang kaniyang amo.
Sa oras naman na iyon ay dumating ang daga. Malungkot siya
dahil wala siyang nakuhang pagkain. Nakita niya ang buto. Kinuha niya ito at
dinala sa bubungan ng bahay.
"Mamayang gabi ay may pagsasaluhan kami ng aking mga
kaibigang aso at pusa." bulong ng daga sa sarili.
Pagbalik ng aso sa bahay ay nagulat ito ng makitang walana
ang iniwang buto. Naghanap nang naghanap ang aso subalit hindi rin niya makita
ang buto. Dumating ang pusa na wala ring dalang pagkain. Tinulungan niya ang
asc sa paghahanap ng buto. Nakarating sila sa itaas ng bahay hanggang sa
kinaroroonan ng daga. Nagulat ang aso at pusa. Akala nila ay sadyang kinuha ng
daga ang buto para masolo niya ito.
Mabilis na lumapit ang pusa sa daga at pinagalitan ito.
Nagpaliwanag ang daga nguni't hindi rin siya pinakinggan ng pusa. Nag-away
silang dalawa kaya't ang buto ay nalaglag. Nasalo ito ng aso at dali-daling
tumakbo hanggang sa likods ng bahay.
"Hah..hah.. hihintayin ko na lang sila ditl. Siguro
mamaya ay magkakasundo na rin sila at masaya naming pagsasaluhan itong
buto." bulong ng asong humihingal. Dahil sa pagod at matagal-tagal ding
paghihintay sa pagdating ng dalawang kaibigan, kinain na ng aso ang ikatlong
bahagi ng buto. Itinira niya ang parte ng daga at ng pusa.
Mainit pa ang ulo ng pusa dahil sagalit nang ito ay dumating
sa kinaroroonan ng aso. Inabutan niya ang aso na kumakai ng mag-isa. Bigla
niyang inangilan ang aso. Nagkasagutan silang dalawa hanggang sa sila ay magkasakitan
ng katawan. Narinig ng may-ari ng bahay ang ingay na dulot ng pag-aaway ng aso
at pusa. Inawat silang dalawa at pinaghiwalay. Naghiwalay ang aso at pusa na
kapwa may tanim na galit sa isa't isa. Iyon na ang simula ng kanilang pagiging
magkaaway.
Magmula noon, sa tuwing makikita ng asc ang pusa ay
kinakahulan niya ito. Ang pusa naman ay di padadaig, lagi siyang sumasagot at
lumalaban sa aso. At sa tuwi namang makikita ng pusa ang daga ay hinahabol niya
ito. Dahil naman sa takot ang daga ay pumapasok sa isang maliit na lungga at
lumalabas lamang doon kapag wala na ang pusa.
No comments:
Post a Comment