Indarapatra at
Sulayman (Epikong Mindanao)
Si Indarapatra ay ang matapang na hari ng Mantapuli.
Nabalitaan niya ang malimit na pananalakay ng mga dambuhalang ibon at
mababangis na hayop sa ibang panig ng Mindanao. Labis niyang ikinalungkot ang
mga nangyayaring ito sa mga naninirahan sa labas ng kaharian ng Mantapuli.
Ipinatawag ni Indarapatra ang kanyang kapatid na si
Sulayman, isang matapang na kawal. Inutusan ni Indarapatra si Sulayman upang
puksain ang mga ibon at hayop na namiminsala sa mga tao. Agad na sumunod si
Sulayman. Bago umalis si Sulayman, nagtanim si Indarapatra ng halawan sa may
durungawan. Aniya kay Sulayman, "Sa pamamagitan ng halamang ito ay
malalaman ko ang nangyayari sa iyo. Kapag namatay ang halamang ito, nanganaghulugang
ikaw ay namatay."
Sumakay si Sulayman sa hangin. Narating niya ang Kabilalan.
Wala siyang nakitang tao. Walang anu-ano ay nayanig ang lupa, kaya pala ay
dumating ang halimaw na si Kurita. Matagal at madugo ang paglalaban ni Sulayman
at ni Kurita. Sa wakas, napatay rin ni Sulayman si Kurita, sa tulong ng kanyang
kris.
Nagtungo naman si Sulayman sa Matutum. Kanyang hinanap ang
halimaw na kumakain ng tao, na kilala sa tawag na Tarabusaw. Hinagupit nang
hinagupit ni Tarabusaw si Sulayman sa pamamagitan ng punongkahoy. Nang
nanlalata na si Tarabusaw ay saka ito sinaksak ni Sulayman ng kanyang espada.
Pumunta si Sulayman sa Bundok ng Bita. Wala rin siyang
makitang tao. Ang iba ay nakain na ng mga halimaw at ang natirang iba ay nasa
taguan. Luminga-linga pa si Sulayman nang biglang magdilim pagkat dumating ang
dambuhalang ibong Pah. Si Sulayman ang nais dagitin ng ibon. Mabilis at ubos
lakas ng tinaga ito ni Sulayman. Bumagsak at namatay ang Pah. Sa kasamaang
palad nabagsakan ng pakapak ng ibon si Sulayman na siya niyang ikinamatay.
Samantala, ang halaman ni Sulayman sa Mantapuli ay laging
pinagmamasdan ni Indarapatra. Napansin niyang nanlata ang halaman at alam
niyang namatay si Sulayman.
Hinanap ni Indarapatra ang kanyang kapatid. Nagpunta siya sa
Kabalalan at nakita niya ang kalansay ni Tarabusaw. Alam niyang napatay ito ng
kapatid niya. Ipinagpatuloy ni Indarapatra ang paghahanap niya kay Sulayman.
Narating niya ang bundok ng Bita. Nakita niya ang patay na ibong Pah. Inangat
ni Indarapatra ang pakpak ng ibon at nakita ang bangkay ni Sulayman. Nanangis
si Indarapatra at nagdasal upang pabaliking muli ang buhay ni Sulayman. Sa di
kalayua'y may nakita siyang banga ng tubig. Winisikan niya ng tubig ang bangkay
at muling nabuhay si sulayman. Parang nagising lamang ito mula sa mahimbing na
pagtulog. Nagyakap ang magkapatid dahil sa malaking katuwaan.
Pinauwi na ni Indarapatra si Sulayman. Nagtuloy pa si
Indarapatra sa Bundok Gurayu. Dito'y wala ring natagpuang tao. Nakita niya ang
kinatatakutang ibong may pitong ulo. Sa tulong ng kanyang engkantadong sibat na
si juris pakal ay madali niyang napatay ang ibon.
Hinanap niya ang mga tao. May nakit siyang isang magandang
dalaga na kumukuha ng tubig sa sapa. Mabilis naman itong nakapagtago. Isang
matandang babae ang lumabas sa taguan at nakipag-usap kay Indarapatra.
Ipinagsama ng matandang babae si Indarapatra sa yungib na pinagtataguan ng
lahat ng tao sa pook na iyon. Ibinalita ni Indarapatra ang mga pakikilaban
nilang dalawa ni Sulayman sa mga halimaw at dambuhalang ibon. sinabi rin niyang
maaari na silang lumabas sa kanilang pinagtataguan. Sa laki ng pasasalamat ng
buong tribu, ipinakasal kay Indarapatra ang anak ng hari, ang magandang babaeng
nakita ni Indarapatra sa batisan.
wew!
ReplyDeletewewewewwew pogi ni GOLEZ :)
ReplyDelete