Ano ang Pabula?
Ang pabula (fable sa English) ay isang uri ng kathang-isip
na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang
gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at
kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat
nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din
itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.
Ang Pabula ng Daga at
ng Leon
Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang
natutulog na
leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa
itaas ay
nagpapadausdos siya paibaba.
Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon.
Dinakma ng leon
ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at
kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.
"Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang
gambalain ka sa
pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko
lang na
maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi
ng daga.
Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na
pagmamakaawa.
"Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong
gambalain
ang pagtulog ko," sabi ng leon.
"Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako
sa kabutihan mo, "
sagot ng daga.
Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa
kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin
sa puno.
Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang
leon na nahuli
sa loob ng lambat na ginawang bitag ng nangagaso sa
kagubatan.
Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid
na nakatali sa
lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat
kasama
ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan
ang leon na
nakawala sa lambat.
"Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking
pasasalamat na sabi ng leon sa
kaibigang daga.
Aral:
Ang paghingi ng paumanhin sa kapwa ay sinusuklian ng
pang-unawa.
Ang pag-unawa sa kapwa ay humahantong sa mabuting
pagkakaibigan.
Huwag maliitin ang kakayahan ng iyong kapwa. Hamak man ang
isang tao
ay maaari siyang makatulong ng malaki o makagawa ng bagay na
lubhang
makabuluhan.
No comments:
Post a Comment