Ano ang Nobela?
Ang nobela o kathambuhay ay isang mahabang
kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong
60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo
nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre.
Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o
maraming tiyak na istilo.
Ito rin ay
isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na
pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap
ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali
sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring
magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang
tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas
na siyang pinakabuod ng nobela -binubuo ng mga kabanata -maraming tauhan at
pangyayari -kinasasangkutan ng 2 o higit pang tauhan
Uri ng nobela
1. Nobelang Romansa - ukol sa pag-iibigan
2. Kasaysayan - binibigyang-diin ang
kasaysayan o pangyayaring nakalipas na
3. Nobelang Banghay - isang akdang nasa
pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang ikawiwili ng mga mambabasa
4. Nobelang Masining - paglalarawan sa
tauhan at pagkakasunud-sunod ng pangyayari ang ikinawiwili ng mga mambabasa
5. Layunin - mga layunin at mga simulan,
lubhang mahalaga sa buhay ng tao
6. Nobelang Tauhan - binibigyang-diin sa
nobelang ito ang katauhan ng pangunahing tauhan, mga hangarin, kalagayan,
sitwasyon, at pangangailangan
7. Nobelang Pagbabago - ukol sa mga
pangyayari na nakakapagpabago ng ating buhay o sistema
Elemento ng nobela
1. tagpuan -
lugar at panahon ng mga pinangyarihan
2. tauhan -
nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
3. banghay -
pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
4. pananaw -
panauhang ginagamit ng may-akda
a. una - kapag kasali ang may-akda sa
kwento
b. pangalawa - ang may-akda ay
nakikipag-usap
c. pangatlo - batay sa nakikita o
obserbasyon ng may-akda
5. tema -
paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
6. damdamin -
nagbibigay kulay sa mga pangyayari
7. pamamaraan
- istilo ng manunulat
8. pananalita
- diyalogong ginagamit sa nobela
9. simbolismo
- nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari
Layunin ng nobela
1. gumising
sa diwa at damdamin
2.
nananawagan sa talino ng guni-guni
3. mapukaw
ang damdamin ng mambabasa
4. magbigay
ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
5.
nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan
Katangian ng nobela
1. maliwanag
at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan
2. pumupuna
ng lahat ng larangan ng buhay
3. dapat
maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
4. pumupukaw
ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
5. binubuo ng
20 000-40 000 na salitaTemplate:Fact
6. kailangang
isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
7. maraming
ligaw na tagpo at kaganapan
8. ang
balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari
Mga Halimbawa ng Nobela
Ang Huling
Timawa
Ang
Magpapawid
Ang Mestisa
Ang Monghita
Ang
Probinsiyana
Ang Singsing
nang Dalagang Marmol
Ang Tala sa
Panghulo
Bagong Kristo
Banaag at
Sikat
Bata,
Bata...Pa'no Ka Ginawa?
Bayang
Nagpatiwakal
Binhi at
Bunga
Bulaklak ng
Bagong Panahon
Daluyong
Dekada 70
El
filibusterismo
GapĂ´
Halimuyak
Halina sa
Ating Bukas
Ipaghiganti
mo ako!
Kanal dela
Reina
Kangkong 1896
Kasaysayan ng
Magkaibigang Nena at Neneng
Lagrimas
Lakandula
Landas ng
Pag-ibig
Lihim ng
Isang Pulo
Luha ng Babae
Luha ng
Buwaya
Lumubog ang
Bitwin
Mag-anak na
Cruz
Maganda pa
ang Daigdig
Makamisa
Makata at
Paraluman
Maria
Mercedes
Maring
(Dangal at Lakas): Ulirang buhay Tagalog
Mga Ibong
Mandaragit
Mutyang
Itinapon
Nanay Ko!
Nayong
Manggagawa
Nena at
Neneng
Noli Me
Tangere
Pinaglahuan
Punyal na
Ginto
Sa Lundo ng
Pangarap
Sa Mga Kuko
ng Liwanag
Sanggumay
Sanlibong
Pisong Kagandahan
Si Tandang
Bacio Macunat
Sugat ng
Alaala
Tanikala ng
Pagtitiis
Tatlong Maria
Timawa
Titser
Tulay na
Buhangin
Urbana at
FelisaSource: http://teksbok.blogspot.com
No comments:
Post a Comment