Mga Tauhan
Simoun - ang
mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano'y tagapayo ng Kapitan
Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti
sa kanyang mga kaaway.
Isagani - ang
makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.
Basilio - ang
mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli.
Kabesang Tales -
ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng
mga prayle.
Tandang Selo -
ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo.
Senyor Pasta -
Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.
Ben Zayb - ang
mamamahayag sa pahayagan.
Placido Penitente
- ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan.
Padre Camorra -
ang mukhang artilyerong pari.
Padre Fernandez -
ang paring Dominikong may malayang paninindigan.
Padre Salvi - ang
paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego.
Padre Florentino
- ang amain ni Isagani
Don Custodio -
ang kilala sa tawag na Buena Tinta
Padre Irene - ang
kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
Juanito Pelaez -
ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang
may dugong Kastila
Macaraig - ang
mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng
Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
Sandoval - ang
kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
Donya Victorina -
ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni
Paulita.
Paulita Gomez -
kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.
Quiroga - isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng
konsulado sa Pilipinas.
Juli - anak ni
Kabesang Tales at katipan ni Basilio.
Hermana Bali -
naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra.
Hermana Penchang
- ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli.
Ginoong Leeds -
ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya.
Imuthis - ang
mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds
Pepay - ang
mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don Custodio.
Camaroncocido - isang
espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na
anyo.
Tiyo Kiko -
matalik na kaibigan ni Camaroncocido.
Gertrude -
mang-aawit sa palabas.
Paciano Gomez -
kapatid ni Paulita.
Don Tiburcio -
asawa ni Donya Victorina.
No comments:
Post a Comment