Buod ng
Kabanata 4 - Erehe at Pilibustero
Nagpalakad-lakad si Ibarra sa plasa
ng Binondo at napagmasdan nitong sa kabila ng matagal na panahon na
pangingibang bansa, wala man lang pinagbago ang kanyang bayan. Kung ano ang
siya niyang iniwan, ay ito rin ang kanyang natunghayan sa kanyang pagbabalik.
Mababakas na ala man lang pinag-unlad ang bayang iyon. Habang naglalakad ay
nag-iisip din si Ibarra sa sinapit ng ama. Sinundan siya ni Tinyente upang
kwentuhan ng tungkol sa kanyang ama. Si Don Rafael ay isa sa pinaka-mayaman sa
bayan ng San Diego, matulungin at maraming nagmamahal. Sa kabila ng kanyang
kabaitan ay marami ring naiinggit dito, kabilang na ang mga pari sa simbahan-
sa pangunguna ni Padre Damaso. Dahil sa ganitong sitwasyon, minabuti ng Don na
hindi mangumpisal, bagay na lalong ikinagalit ng mga pari. May isang Kastila
doon na walang kaalam-alam, palaboy, at pinag-kakatuwaan ng lahat. Hinirang ito
ng Don bilang kulektor. Isang araw, hindi nakapag-pigil ang kolektor sa mga
batang nagtatawa sa kanya kaya't inakma niyang saktan ang mga bata. Kumaripas
ng takbo ang mga bata at ng hindi niya maabutan, binalibag niya ng baton at
tinamaan ang isa. Tumumba ang bata at walang awang pinagsisipa ito ng
artilyero. Nakita ito ni Don Rafael at inawat niya ang artilyero. Ayon sa mga
sabi-sabi, sinaktan ni Don Rafael ang Kastila hanggang sa kakapalag nito ay
tumama ang ulo sa malaking bato. Tinulungan ni Don Rafael ang bata, ang Kastila
naman ay sumuka ng dugo at natuluyang mamatay. Nagkaroon ng imbestigasyon ang
mga guardia sibil, ikinulong si Don Rafael at dito na naglabasan ang mga lihim
niyang kaaway. Kabilang sa mga paratang sa kanya ang pagiging erehe at
pilibustero, pangangamkam ng lupain at iba pang ilegal na paraan sa
pagpapayaman, ang pagbabasa ng El Correo de Ultramar at iba pang ipinagbabawal
na babasahin, pagtatago ng mga sulat at larawan mula sa isang binitay na pari,
pakikipagkaibigan at pagkupkop sa mga tulisan at pagsusuot ng Barong Tagalog.
Ang dating mga kaibigan ng Don ay nangawala at tumalikod sa kanya. Tanging si
Tinyente Guevarra lamang ang naging kakampi ni Don Rafael, sa kabila ng
paniniwala ng taong bayan na ang Tinyente ay nasisiraan ng bait. Si Tinyente
rin ang humanap sa Kastilang abugado ayon na rin sa pakiusap ni Don Rafael.
Mahusay ang abugadong ito ngunit nagsulputan sa kung saan saan ang kanyang mga kalaban
hanggang ang kaso ay tumagal at naging masalimuot. At ang masaklap ay hindi pa
man tapos ang paglilitis, siya ay nakakulong na at nagdadanas ng hirap sa loob
ng rehas. Ang mga pangyayaring ito, kasabay ng hirap na nararanasan ay labis na
nakaapekto sa Don kung kayat ito ay nagkasakit. Tuluyan na itong namatay sa
loob ng bilangguan at ni wala man lang nakiramay na kapamilya o kaibigan.
MGA TAUHAN SA KABANATA 4
Don Rafael Ibarra
- likas na matulungin sa mahirap at mga naaapi. Dahil sa pagtulong nito sa
isang batang binubugbog ng Kastila, sinamantala ito ng kanyang mga kaaway upang
maparatangan ang
Don Padre Damaso
- kura paroko sa bayan ng San Diego at mapagbalatkayong kaibigan ni Don Rafael.
Walang awa niyang sinira ang reputasyon ng kanyang kaibigan
Tinyente Guevarra
- Ang naging susi kung paano nalaman ni Ibarra ang mga paghihirap ng kanyang
ama habang siya ay nag-aaral ng medisina. Ito rin ang nag-iisang tumulong sa
kanyang ama sa kabila ng pagtalikod ng lahat.
No comments:
Post a Comment