Pangungusap ayon sa
gamit
1. Mga pangungusap na eksistensyal - nagpapahayag ng
pagkamayroon ng isa o higit pang tao, atbp. Pinangungunahan ito ng may o
mayroon.
Halimbawa:
Mayroon daw ganito roon.
2. Mga pangungusap na pahanga – nagpapahayag ng damdaming
paghanga.
Halimbawa:
Kayganda ng babaing iyun!
3. Mga sambitlang – tumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing
pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa:
Aray!
4. Mga pangungusap na pamanahon – nagsasaad ng oras o uri ng
panahon.
Halimbawa:
Maaga pa.
5. Mga pormularyong panlipunan – mga pagbati,
pagbibigay-galang, atbp. na nakagawian na sa lipunang Pilipino.
Halimbawa:
Magandang umaga po.
No comments:
Post a Comment