Thursday, June 27, 2013

Ang Pang-angkop (Ligatures)

Ang Pang-angkop (Ligatures)

Pang-angkop -  ay mga katagang idinudugtong sa pagitan ng dalawang salita upang maging kaaya-aya ang pagbigkas ng mga ito at magkaroon ng ugnayang panggramatika. Ito ay  maaaring matagpuan sa pagitan ng pang-uri at pangngalan. Ang pang-angkop ay ang mga katagang na, ng at g.

Tatlong pang-angkop sa pag-uugnay ng mga salita

1. Pang-angkop  na -NA – Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita na kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa mga katinig (consonant)  maliban sa titik n. Isinusulat ito nang kahiwalay sa mga salitang pinag-uugnay.
Halimbawa:
1. malalim – bangin  =  malalim na bangin
2. mataas – tao = mataas na tao
3. feel – feel = feel na feel
4. yamot – yamot  = yamot na yamot
5. tulay – bato = tulay na bato


2. Pang-angkop  na -NG – Ito ay isinusulat karugtong ng mga salitang nagtatapos sa mga patinig (vowel). [a, e, i, o u].
Halimbawa:
1. malaya – isipan = malayang isipan
2. malaki – bahay = malaking bahay
3. buo – buo = buong-buo
4. madamo – hardin = madamong hardin
5. sombrero – pandan = sumbrerong pandan


3. Pang-angkop na -G – ginagamit kung ang salitang durogtungan ay nagtatapos sa katinig na n
Halimbawa:
1. aliwan – pambata = aliwang pambata
2. balon – malalim = balong malalim
3. pamayanan – nagkakaisa = pamayanang nagkakaisa
4. pamilihan – bayan = pamilihang bayan

5. institusyon – pangmental = institusyong pangmental

21 comments:

  1. ikaw na gumawa ng assignments ko Mr. Homework xD para na din akong nagreview simpleng bahagi ng pananalita diko pa alam ngaun alam ko na xD

    ReplyDelete
  2. Thanks a lot very informative...

    ReplyDelete
  3. May assignment po kami sa pang-angkop.Salamat po pala pero lahat ng mga kaklase ko ay hindi gumamit ng internet o minsan lang ginamit ang internet.

    ReplyDelete
  4. parang kulang to walang pangungusap

    ReplyDelete
    Replies
    1. This comment has been removed by the author.

      Delete
  5. Mr. Homework Isa ito sa mga The Best Websites!!!!!!!!!��������������������������������������������❤❤❤❤❤��������

    ReplyDelete
  6. Thank you very much!😘😘

    ReplyDelete
  7. salamat nakatulong talaga ng malaki

    ReplyDelete
  8. Very informative blog, thank you sir God bless you.

    ReplyDelete
  9. Thank you mr homework
    DUBIDAPBDAPDUBIDIBIDAPDAP

    ReplyDelete