Friday, June 14, 2013

Noli Me Tangere: Buod ng Kabanata 6- Si Kapitan Tyago


Buod ng
Kabanata 6- Si Kapitan Tyago
Si Kapitan Tyago na ngayon ay mahigit kumulang 35 taong gulang, ay nag-iisang anak ng isang negosyante ng asukal sa bayan ng Malabon. Hindi siya pinag-aral ng kanyang ama bagkus ay naging katulong at naturuan naman siya ng isang paring dominiko. Itinuloy niya ang pangangalakal ng mamatay ang kanyang ama, nakilala si Pial Alba mula sa bayan ng Sta. Cruz at sila ay nagpakasal. Kapwa mahusay magpalakad ng negosyo kaya't sila ay natanyag bilang pinakamayaman kayat sila ay nabibilang sa matataas na antas ng lipunan. Si Kapitan Tyago ay mailalarawan bilang isang magandang lalaki, may morenong pangangatawan, pandak, at bilugan ang mukha. Ang kanyang hitsura ay sinira ng pananabako at pag-nganga nito. Naninilibihan siya bilang gobernadorcillo, at kasama sa kanyang paglilingkod ay ang hamakin ang mga Pilipino at hayaan ang mga Kastila sa ganitong gawain. Itinuturing din ng Kapitan na siya ay isa nang Kastila, at ang mga Pilipino ay Indio. Sa paniniwala ng Kapitan, ang mga Kastila ay mararangal at karapat-dapat pag-ukulan ng paggalang at pagpapahalaga. Kaibigan siya ng lahat ng mga may kapangyarihan, lalong lalo na ang mga pari. Kung kaya't hindi mawawala ang kanyang pangalan sa misa at padasal para bilhin ang langit. Nabibili niya ang kabanalan at mga santo na kanyang maibigan. Ang kanyang silid ay punong-puno ng mga dinadasalang katulad nina Sta, Lucia, San Pascual Bailon, San Antonio De Padua, San Francisco De Asis, San Antonio Abad, San Miguel, Sto. Domingo, Hesukristo at ang larawan ng Banal na Mag-anak (Hesus, Maria at Hosep). Sa pagnenegosyo ni Kapitan Tyago ay nakabili siya ng maraming ari-arian, kabilang na dito ang pagbili ng lupain sa San Diego. Ito ang naging daan upang makilala nila ang kura doon na si Padre Damaso at ang pinakamayaman sa bayang iyon na si Don Rafael Ibarra. Sa kabila ng magandang buhay na tinatamasa ng mag-asawa, sa loob ng anim na taon ay hindi pa sila nagkaka-anak sa kabila ng walang humpay nilang pamamanata. Pinayuhan sila ni Padre Damaso na mamanata sila sa Obando at magsayaw si Pia Alba sa kapistahan ng San Pascual Bailon at Sta. Clara sa Nuestra Senora De Salambao. Makalipas ang kaunting panahon ay nagdalantao nga si Pia Alba, (sa panghahalay na rin ni Padre Damaso bagamat ang katotohanang ito ay nailantad sa kalaunan). Ngunit ang babae ay naging masasakitin at tuluyang namatay pagkatapos ito ay manganak. Pinangalanang Maria Clara ang bata at kinalinga ni Tiya Isabel. Binusog din siya ng pagmamahal nina Kapitan Tyago at mga prayle. Lumaking magkababata sina Ibarra at Maria Clara, pati na rin ng kanilang mga kaibigan. Ipinasok ng kanyang ama mula sa udyok ng mga pari si Maria Clara sa kumbento ng Sta Catalina ng ito ay maging katorse anyos. Pumunta naman si Ibarra sa Europa upang mag-aral ng pagka-medisina. Si Kapitan Tyago at Don Rafael ay nagkasundong ipakasal ang dalawa sa takdang panahon, bagay na indi naman tinutulan ng dalawa sapagkat sila ay nag-iibigan.


Mga Tauhan sa Kabanata VI
Don Santiago De los Santos - mangmang ngunit marunong sa negosyo kayat napaunlad nito ang naiwang kabuhayan ng magulang. Kadikit din niya ang mga pari at nabibili niya ang kalangitan
Pia Alba - naging maybahay ni Kapitan Tiago at nakinig sa payo ni Padre Damaso na mag-alay sa mga santo upang magdalantao. Lingid sa kaalaman ng kanyang asawa, siya ay nilapastangan ng pari at dahil doon siya ay nabuntis. Siya ay namatay sa panganganak.


No comments:

Post a Comment