Pabula
Ang pabula (fable sa English) ay isang uri ng kathang-isip
na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang
gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at
kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat
nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din
itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.
Ang Aso at ang Kanyang Anino
Isang aso ang nakahukay ng buto sa lupa. Tuwang-tuwa siya at dali-daling hinawakan ang
buto sa pamamagitan ng kanyang bibig.
Dinala niya ang buto upang iuwi sa kanyang tirahan, ngunit
nang siya ay malapit na, napadaan siya sa isang ilog. Pinagmasdan niya ang ilog at doo'y nakita
niya ang sariling anino. Sa pag-aakalang
ibang aso iyon na may hawak-hawak ring buto sa bibig, tinahulan niya iyon nang
tinahulan upang maangkin din ang butong pag-aari nito.
Dahil dito, humulagpos mula sa kanyang bibig ang butong
hawak-hawak at nahulog sa ilog. Tinangay
ng agos ang buto at hindi na uli nakuha pa ng sakim na aso.
Saan makikita sa mindanao ang pabulang ANG ASO AT ANG KANYANG ANINO?
ReplyDelete