Wednesday, June 26, 2013

Panghalip

Panghalip

Ang panghalip (o pronoun) ay bahagi ng pananalita na inihahali o ipinapalit sa pangngalan (noun) upang mabawasan ang paulit-ulit na pagbanggit sa pangngalan na hindi magandang pakinggan.

Halimbawa:
1. Si Maria (pangngalan)  ay pumunta sa palengke. Si Maria (pangngalan) ay bumili ng bangus. Bumili rin si Maria ng mga gulay.
Si Maria ay pumunta sa palengke. (Maaaring hindi na muna ihalili ang panghalip
sa pangngalan sa unang pangungusap dahil hindi mauunawaan ang susunod na
mga pangungusap.) Siya ay bumili ng bangus. Bumili rin siya ng mga gulay.

2. Ibigay mo ang mga aklat kay Rosa
    Ibigay mo ang mga ito sa kanya.

3.Kay Mila ang mga rosas na nasa mesa.
   Sa kanya ang mga iyan.

4. Sina Jose at Pedro ay naliligo sa ilog.
    Sila ay naliligo sa ilog.

5. Ang pag-ehersisyo ay mabuti sa katawan ni Juan.

   Ito ay mabuti sa katawan niya.





No comments:

Post a Comment