Friday, June 28, 2013

Pantukoy at uri ng Pantukoy

Pantukoy
Ang pantukoy ay katagang ginagamit sa pagtukoy sa tao, bagay, lunan o pangyayari. Ito'y nahahati sa dalawang uri.

Mga halimbawa:
Ang bata ay umiiyak dahil wala siyang kaibigan.
Ang grupo ni Lapu-Lapu ay nakitunggali laban sa mga EspaƱol.
Si Lisa ay gumagawa ng Valentines card para sa kanyang ina.
Hinahanap ka nina David at Julia.
Kay Maria ko ibibigay ang mga rosas na ito.
Sa mga lilipat, mag-ingat po sa dadaanang tulay


Uri ng Pantukoy

Pantukoy na Pambalana - tumutukoy sa mga pangngalang pambalana
ang, ang mga, mga

ang (isahan)
Halimbawa:
Ang pinuno ay palaging naglilingkod sa kanyang mga nasasakupan.

ang mga (maramihan)
Halimbawa:
Nagtulung-tulong ang mga mag-aaral sa paggawa ng collage.

mga (maramihan)
Halimbawa:
Ang pinuno ay tinulungan ng kanyang mga tagasunod.

Pantukoy na Pantangi - tumutukoy sa pangngalang pantangi (tiyak na tao)
si, sina, ni, nina, kay, kina

si (isahan)
Halimbawa:
Si Gng. Arroyo ay nagsisikap upang mapabuti ang kalagayan nating mga Pilipino.

sina (maramihan)
Halimbawa:
Nanguna sa paglilinis ng baranggay sina G. at Gng. dela Cruz.

ni (isahan)
Halimbawa:
Napagalitan ni Coach Dimagiba ang mga manlalaro dahil hindi sila dumating sa oras.

nina (maramihan)
Halimbawa:
Hindi ikinatuwa ng guro ang pag-aaway nina Anton at Luis.

kay (isahan)
Halimbawa:
Ibinahagi ni Sofia ang kanyang keyk kay Sam.

kina (maramihan)
Halimbawa:

Nakipagkasundo na si Lukas kina Juan at Pedro.

1 comment: