Pabula
Ang pabula (fable sa English) ay isang uri ng kathang-isip
na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang
gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at
kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat
nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din
itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.
Ang Agila at ang Maya
Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong
yabang niyang iniladlad at ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak. Habang
patuloy siya sa kanyang paglipad ay nakasalubong niya ang isang maliit na ibong
Maya at hinamon niya ito.
"Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating
dalawa ang mabilis lumipad?" buong kayabangan ni Agila, kaya naipasya
niyang tanggapin ang hamon nito para maturuan niya ng leksyon.
"Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong
magsimula tayo?"
Natuwa ang Agila, himdi niya akalain na tatanggapin nito ang
hamon niya.
"Aba, nasa sa iyon 'yan. Kung kailan mo gusto,"
buong kayabangang sagot ni Agila.
Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim
ang kalangitan, natitiyak niyang ang kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan.
"Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera
ngayon na. Pero, para lalong maging masaya ang paligsahan natin ay kailangang
bawat isa sa atin ay magdadala ng kahit ano ng bagay. Halimbawa ang dadalhin ko
ay asukal ikaw nman ay bulak."
Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa
talaga siya, bakit nga naman hindi eh, mas hamak na magaan ang bulak na
dadalhin niya kumpara sa mabigat na asukal na dadalhin naman nito.
"O ano, Agila, payag ka ba?" untag ni Maya.
"Aba oo, payag na payag ako."
"Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na 'yon at doon
tayo hihinto sa ituktok ng mataas na bundok na iyon," wika pa ni Maya.
Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang
panalo niya, subalit hindi siya nagpahalata.
At sisimulan nga nila ang paligsahan.
Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang
pagbuhos ng malakas na ulan. Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila kaya
bumigat ito ng husto. Nahirapan si Agila , kaya bumagal ang lipad niya.
Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya
ay nabasa din ulan kaya natunaw ito. Napabilis ang lipad ni Maya.
Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si Maya sa ituktok
ng mataas na bundok at tinalo niya ang mayabang na Agila.
Aral:
Maging mapagpakumbaba sa lahat ng ating mga ginagawa. Huwag
maging mayabang at huwag ding maliitin ang kakayahan ng ating kapwa.
No comments:
Post a Comment