Ano ang Dula?
Madalas na ang mga unang pumapasok sa ating isipan kapag
naririnig ang salitang Dula ay ang entablado at mga aktor na umaarte rito. Ito
ay nahahati sa ilang yugto at ang bawat yugto’y maraming tagpo.
Ang dula ay mayroon ding sangkap. Ito ay ang simula, gitna
at wakas. Ang mga sangkap nitong tagpuan, tauhan at sulyap sa suliranin ay
mamamalas na sa simula. Ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang
kasukdulan ay matatagpuan sa gitna. Ang kakalasan at ang kalutasan naman ay
matatagpuan sa wakas.
Ngunit ang Dula ay hindi lamang sa entablado makikita. Ito
ay hango sa diwa ng mimesis o ang panggagagad o panggagaya sa mga nagaganap sa
totoong buhay. Ang isang bata na ginagaya ang paraan ng pagkilos at pagsasalita
ng isang matanda ay matatawag nang pagsasadula.
Bago pa ang konsepto ng entablado sa Pilipinas, ginagawa na
ng mga katutubo ang panggagagad sa pamamagitan ng mga ritwal, sayaw, at awit na
may diwa ng iba’t-ibang mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang tao o tribo.
Sa pamamagitan ng mga Dula, naipapaniwala sa isang lipi ang kultura at
naipapasa ang tradisyon sa susunod na saling lahi.
Mga Uri ng Dula
Komedya
•Katawa-tawa, magaan sa loob dalhin ang tema, at ang mga
tauhan ay laging nagtatagumpay sa wakas.
Trahedya
•Kung ang tema nito’y mabigat o nakasasama ng loob kaya
nakakaiyak, nakalulunos ang mga tauhan, karaniwang sila ay nasasadlak sa
kamalasan, kabiguan, kawalan, at maging sa kamatayan, kaya nagwawakas na
malungkot.
Melodrama o Soap
Opera
•Kung ito’y sadyang namimiga ng luha sa manonood na parang
wala ng masayang bahagi sa buhay ng tahanan kundi pawang problema na lamang ang
nangyayari sa araw-araw. Ito’y karaniwang mapanonood sa mga de seryeng palabas.
Tragikomedya
•Kung magkahalo ang katatawanan at kasawian gaya ng mga dula
ni Shakespeare na laging may mga tauhang katawa-tawa tulad ng payaso para
magsilbing tagapagpatawa, subalit sa huli’y nagiging malungkot na dahil
nasasawi o namamatay ang bida o ang mga bida.
Mga sangkap sa dula
Ang dula ay mayroon ding tatlong sangkap
1. Simula - mamamalas
dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin.
2. Gitna -
matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan.
3. Wakas -
matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan
No comments:
Post a Comment