Ano ang Pabula?
Ang pabula (fable sa English) ay isang uri ng kathang-isip
na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang
gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at
kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat
nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din
itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.
Ang Magkapitbahay na
Kambing at Kalabaw
Magkapitbahay ang kalabaw at ang kambing. Isang umaga ay
nagpunta sa kapitbahay ang kambing.
"Ako ay nagugutom. Tayo na sa kabila ng ilog. Maraming
bunga ng mais. Kumain ka ng kumain ng sariwang damo, Kakain naman ako ng kakain
ng mga murang mais ang sabi ng kambing sa kalabaw.
"Oo ,tayo na," ang sabi ng kalabaw.
"Pero hindi ako marunong lumangoy. Dalhin mo ako sa
likod mo. "Ang wika ng kambing.
Sumakay nga ang kambing sa kalabaw. Ito naman ay lumangoy sa
ilog hanggang sa kabilang ibayo. Kumain sila ng kumain doon. Mabilis kumain ang
kambing. Ang kalabaw naman ay hihinay-hinay kumai.
Madaling nabusog ang kambing. Ang kalabaw naman ay hindi pa
nabubusog. Nainip na ang kambing. Kaya nagyaya nang umuwi.
"Kapitbahay, gusto ko nang umuwi. Busog na akO,"
ang sabi ng kambing.
"Mabuti ka pa busog na," ang sagot ng kalabaw.
"Maghintay kana muna."
Nayamot na ang kambing. Inisip kung paano niya mapatitigil
sa pagkain ang kalabaw, Mayroon siyang naisib. Naglulundag ang kambing. Gumawa
ito ng malaking ingay.
Dahil sa ingay na iyon ay narinig sila ng mga tao.
Nagdatingan ang mga tao. Nakita nilang kumakain ang kalabaw. Hinambalos nila
nang hinambalos ang kalabaw.
"Ano, kapitbahay, gusto mo na bang umuwi? ang tanong ng
kambing sa kalabaw.
"Oo, tayo na nga. Sige, lundag nasa likod ko," ang
sabi ng kalabaw, at lumakad nang papunta sa ilog.
Nang sila ay nasa gitna na ng ilog, huminto ang kalabaw.
Tinanong niya kung bakit nag-ingay ang kambing.
"Ewan ko nga ba. Tuwing ako ay mabubusog, ay gawi ko na
ang kumanta at magsayaw," ang sagot ng kambing.
Lumakad na rin sa tubig ang kalabaw. Walang anu-ano ay
narating nila ang malalim na bahagi ng ilog. Muling hum into ang kalabaw.
"O. bakit kahuminto? ang tanong ng kambing.
"Alam mo kapag ako ay nasa tubig, ay siyempre gusto
kong gumulong-gulong sa tubig," ang sabi ng kalabaw.
"Aba, huwag! Paano ako, mahuhulog ako sa tubig. Hindi
naman ako marunong lumangoy," ang sigaw ng kambing.
"E alam mo kapitbahay, naging bisyo ko na ang
gumulong-gulong sa tubig," at sinabayan nga ng gulong sa tubig.
Bumagsak sa tubig ang kawawang kambing. Hindi ito marunong
lumangoy. Nalunod ang kambing.
No comments:
Post a Comment