Friday, June 28, 2013

Mga Halimbawa ng Anekdota

Mga Halimbawa ng Anekdota

1. Anekdota sa buhay ni Jose Rizal
Isang umaga, kaming mag-anak ay nag-aagahan. Si Pepe noon ay may gulang na dalawang taon lamang. Sinabi niya sa aming ina na nais niyang matutong bumasa ng abakada. Datapuwa't ang tugon ni Ina'y hindi pa sapat ang taglay niyang gulang upang matupad ang gayong hangarin. Si Pepe'y nagpumilit kaya't sandal munang ipinakilala sa kaniya ni Ina ang bawa'titik. Hindi siya tumigil sa pagkilala sa mga titik at manaka-naka ay angangailangan siyang magtanong. Pagkatapos ng mga dalawang oras, ang lahat ng titik ng abakada ay natutuhan niyang basahin. Kaming magkakapatid, pati ng aming mga magulang, ay labis na namangha sa gayong katalinuhan ni Pepe.


2. Anekdota sa buhay ni Manuel L. Quezon
Samantalang ang Pangulong Quezon ay nasa isang pagamutan sapagka't may-sakit, ay dinalaw siya ni Padre Serapio Tamayo, O.P., isang matalik na kaibigan ng Pangulo noon ay Rektor ng Pamantasan ng Santo Tomas. Bago pa lamang pumapasok ang pari sa silid ng Pangulo ay hinadlangan na siya ng nars. Nang magpilit ang pari ay sinabi ng nars na maghintay nang ilang saglit pagka't ipagbibigay-alam muna niya sa maysakit ang kanyang pagdating.

Wikang ingles ang ginamit ng nars sa pagpapabatid sa Pangulo na may panauhin. Ganito ang sinabi, "Mr. President, the prest is here."
Dahil sa maling pagbigkas ng nars sa salitang "priest", inakala ng Pangulo na ang kanyang panauhin ay isang mamamahayag. Ang pasigaw n autos ng Pangulo ay, "Sabihin mo sa 'press' na pumunta sa impyerno."
Subali't bago niya natapos ang pangungusap na ito ay nakapasok na ang pari sa silid ng Pangulo at narinig ang pahayag na yaon.
3. Ang Tsinelas ni Jose Rizal
Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong luntian kapag walang sigwa. Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila umiindak kapag nahihipan ng hangin.

Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-parong puti na naghahabulan.

Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy na nakukuha sa aming gubat. Kung minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa matitibay at mahabang kawayan upang ang bangka ay hindi gumiwang kapag ito ay nakatigil sa tubig.

Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni’t sa aming lalawigan, ang ay ginagamit namin sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo ng dagat. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o ng karetela.

Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat.

Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas.

Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.

“Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?” tanong sa akin ng kasamahan ko sa bangka.

“Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang paglakad.


Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad ko.

25 comments:

  1. pwede bang magamit ang isa sa mga anekdota mo sa ginagawa kong textbook?

    ReplyDelete
  2. salamat nakagawa ko na project ko

    ReplyDelete
  3. Salamat perfect ko ang exam sayo nalang ako lagi maghanap

    ReplyDelete
  4. Salamat perfect ko ang exam sayo nalang ako lagi maghanap

    ReplyDelete
  5. Patulong. Magbigay po kayo ng pangungusap sa pares ng tsinelas

    ReplyDelete
  6. Pwedi magbigay kayo ng bagong halimbawa ng anekdota

    ReplyDelete
  7. permission to use your sample ng anekdota. thanks...

    ReplyDelete
  8. This really helps a lot natapus ko rin assignment ko 🤧😊. Maraming Salamat.🤥not gonna lie ang haba .😂

    ReplyDelete
  9. Ang ganda into salamat para sa grade 5☺️☺️☺️

    ReplyDelete
  10. Pede po magpaturo maggawa ng sariling anekdota

    ReplyDelete
  11. Ask lng poh san po wedeng gumawa nang sariling anektoda?!?!

    ReplyDelete