Ullalim (Epiko ng
Kalinga)
Ang kwento ay nagsimula sa nakatakdang kasal nina Ya-u at
Dulaw nang makapulot ng nganga o ua (na tawag ng taga-Kalinga). Ang
magkasintahan ay naanyayahan sa isang pistahan sa Madogyaya. Nang sila ay nasa
Madogyaya, naakit ang pansin ni Dulliyaw si Dulaw hanggang si Dulaw ay
magkagusto sa kanya. Sa pagplano na ligawan ni Dulaw si Dulliyaw ay naisip
nitong painumin ng alak si Ya-u hanggang sa malasing. Habang si Ya-u ay
natutulog sa ibang bahay ay saka niligawan ni Dulaw si Dulliyaw. Pinakain nito
ang babae ng nganga at sinabi niya sa babae na sa pamamagitan ng pagtanggap
niya ng nganga ang ibig sabihin ay tinanggap na niya ang pag-ibig na kanyang
iniaalay. Bago siya umalis ay sinabi niya sa babae na siya ay babalik
kinabukasan. Naiwan na nag-iisip ang dalaga.
Kinabukasan sa kalagitnaan ng gabi ay dumating si Dulaw sa
bahay nina Dulliyaw. Habang sila’y kumakain ng nganga, sinabi nito sa babae na
siya ay nagpunta roon upang isama nang umuwi ang dalaga sa kanilang bahay.
Nagulat si Dulliyaw sa winika ng lalaki. Iyon lamang at nagkagulo na ang mga
tao sa nayon. Sa pagtakas nila ay nakasalubong sila ng isang lalaki na may
dala-dalang palakol at balak silang patayin. Bago sila maabutan ng lalaki ay
nakaakyat na si Dulaw sa isang puno upang tumakas. Samantala wala namang
mangahas na siya ay lusubin kaya naipasiya ni Ya-u na tawagin ang mga sundalong
EspaƱol ng Sakbawan.
At noon nga si Guwela na kumander ng Garison ay umakyat sa
kaitaasan ng Kalinga na kasama ang mga sundalo. Iniutos niya na dakpin si Dulaw
na nakaupo pa rin sa puno. Napag-alaman niya na marami ang tutol sa ginawa niya
kaya wala na siyang lakas na lumaban nang siya ay lagyan ng posas. Sa utos pa
rin ni Guwela siya ay dinakip at nakulong sa Sakbawan.
Makalipas ang tatlong taon na pagkakabilanggo, naging payat
na siya. Humingi si Dulliyaw ng nganga kay Dulaw. Kinuha ni Dulaw ang huling
nganga sa bahay at ito’y pinagpirapiraso. Bago niya ito maibigay kay Dulliyaw
bigla na lamang itong nawala.
Samantala, sa pook na Magobya naliligo si Duranaw. Sa
paliligo niya sa ilog ay nakapulot siya ng nganga. Kinain niya ito nang walang
alinlangan.
Matapos nguyain ang nganga ay bigla na lamang itong
nagbuntis hanggang sa siya ay magsilang ng isang malusog na lalaki at
pinangalanan niya itong Banna. Tatlong taon ang lumipas. Si Banna ay mahilig
makipaglaro sa mga Agta, subalit siya’y madalas na tinutukso ng kanyang mga
kalaro. Sinasabi na kung siya raw ang tunay na Banna ang ibig sabihin ay siya
ang anak ni Dulaw na nakulong sa Sakbawan. Sinumbong niya ito sa kanyang ina
ngunit pinabulaanan ito ng kanyang ina.
Sa isang iglap, si Banna ay naging malakas at naghangad ng
paghihiganti. Isang mahiwagang pangyayari ang nagdala kay Banna pati ng kanyang
mga kasama sa Sakbawan. At doon ay kanyang pinatay si Dulliyaw. Sinabi ng isang
kasama ni Banna kay Dulaw na si Banna ay kanyang anak, iyon lang at sila ay
dali-daling sumakay sa isang bangka at sa isang iglap ay nakarating sila sa
pook ng Magobya. Mula noon ay nauso na ang kasalan sa kanilang pook.
ang gulo. bakit po ba pinatay ni banna si dulliyaw?
ReplyDeleteeto ang pinaka weird na kwento na nabasa ko. anyare kay ya-u? "Mula noon ay nauso na ang kasalan sa kanilang pook" - sa Madogyaya o sa Maggobya? Bali shut up na lang si Banna na si Dulaw ang kanyang tunay na ama at hinayaan niyang ikasal si Duranaw at si Dulaw? Pero pinatay niya si dulliyaw.... akndljkanwd.afa;sd
ReplyDelete