Wednesday, June 26, 2013

Bahagi ng Pananalita


Tayo ay mayroong sampung bahagi ng pananalita sa Filipino- ang pangngalan, panghalip, pandiwa, pangatnig, pang-ukol, pang-angkop, pang-uri, pang-abay, pantukoy at pangawil o pangawing.

1. Pangngalan - (noun) mga pangalan ng tao, hayop, pook, bagay, pangyayari. Ginamit ito sa pagtawag sa pangalan ng mga hayop, tao, atbp.
Halimbawa: Mother Theresa, Pasko, hayop, sasakyan

2. Panghalip - (pronoun) paghalili sa pangngalan.
Halimbawa: sila, tayo, ako, ikaw, natin, siya, atin, amin, kanya.

3. Pandiwa - (verb) bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o gawa.
Halimbawa: kain, lakad, sulat

4. Pangatnig - (conjunction) ginagamit para ipakita ang relasyon ng mga salita sa pangungusap.
Halimbawa: dahil, maging, man, gawa ng, upang, nang, para, samantala atbp.

5. Pang-ukol - (preposition) ginagamit kung para kanino o para saan ang kilos.
Halimbawa: para, ukol, ayon

6. Pang-angkop - (ligature) bahagi ng pananalita na ginagamit para maging maganda pakinggan ang pagkakasabi ng pangungusap.
Halimbawa: na, ng, g. magarang kotse.

7. Pang-uri (adjective) - naglalarawan ng katangian ng pangngalan o panghalip.
Halimbawa: matangkad, mabango, mababaw

8. Pang-abay - (adverb) naglalarawan sa pang-uri, pandiwa at kapwa nito pang-abay
Halimbawa: taimtim, agad, tila, higit, kaysa

9. Pantukoy - (article o determiner ) tinutukoy ang relasyon ng paksa at panag-uri sa pangungusap
Halimbawa: si, ang, ang mga, mga


10. Pangawing - (linker) nagpapakilala ng ayos ng mga bahagi ng pangungusap.

4 comments:

  1. pagawa naman ng isang pangungusap na meroong lahat ng bahagi ng pananalita kesi proyekto po nmin eh patulong naman po monday na namin ipasa

    ReplyDelete
  2. Magbigay nga po ng 10 pangungusap na may Pangngalan,pang-uri at Pandora sa bawat pangungusap.

    ReplyDelete
  3. buti na lang nakita kita.
    mas madali kang e copy/paste sa notes ko! :-D

    ReplyDelete
  4. Pwede mgbigay ng dalawang pangungusap na mayroon lahat ng mga bahagi ng pananalita.thank you.

    ReplyDelete