Thursday, June 27, 2013

Mga Uri ng Pandiwa Ayon sa Kaukulan

Ang Pandiwa (The Verb)

Ang pandiwa ay bahagi ng pangungusap na nagpapahayag ng kilos, gawa o kalagayan,



Mga Uri ng Pandiwa Ayon sa Kaukulan

1. Payak - ipinalalagay na ito ang simuno (subject).

Halimbawa:
Lubos na mahirap ang nangungurakot sa kaban ng bayan.

2. Katawanin - Ito ay mga pandiwang nagpapahayag na ganap ang kilos na ginagawa ng simuno. Hindi na ito nangangailangang ng tuwirang layong.

Halimbawa:
Ang mag-anak ay kumakain ng sabay-sabay. Nagkukuwentuhan pa sila pagkatapos.

Ang salitang kumakain ay ang salitang nagsasaad ng kilos (pandiwa). Ang gumaganap ng kilos ay ang mag-anak na siyang simuno ng pangungusap.

3. Palipat - Ito ay mga pandiwang nangangailanangan pa ng tuwirang layon (direct object). upang mabuo ang kaisipang nais nitong ipahayag. Ang layong ito ay pinangungunahan ng mga katagang ng, mga, kay at kina.

Halimbawa:
Nagpadala ng mga pagkain sa mga katipunero si Tandang Sora.
Nagbigay ng magandang halimbawa sa mga kabataan si Dr. Jose Rizal.
Nagsampay ng damit si Maria.



Tandaan: Ang tuwirang layon ay siyang tagatanggap ng kilos na isinasaad ng pandiwa. Ito ay maaaring pangngalan o panghalip na nagbibigay ng kumpletong kahulugan sa kilos na ginagawa ng simuno o ng tagaganap ng kilos. Karaniwan ito ay sumasagot sa tanong na ano o kanino.

No comments:

Post a Comment