Ano ang Anekdota?
Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay
sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o
tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay.
Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.
Ang karaniwang paksa ng anekdota ay mga taong kilala sa
iba’t ibang larangan ng buhay. Layunin nito ang ipabatid ang isang katangian ng
pangunahing tauhan ng anekdota. Minsan ang anekdota ay nagsasalaysay ng mga
tunay na pangyayari at mayroon ding minsan na ang mga pangyayari ay bungang
isip lamang. Mayroon ding mga anekdota na hindi hango sa talambuhay.
Ang mga pangyayaring isinasalaysay sa anekdota ay minsang
nagiging pabula na rin, ngunit dahil sa ang mga tauhan ay hindi hayop kundi mga
tao, ito’y kapanipaniwala na rin. Ang layunin ng anekdota ay mang-aliw,
makapagturo, at makapaglarawan ng ugali at tauhan.
Mga Halimbawa ng
Anekdota
1. Anekdota sa buhay
ni Jose Rizal
Isang umaga, kaming mag-anak ay nag-aagahan. Si Pepe noon ay
may gulang na dalawang taon lamang. Sinabi niya sa aming ina na nais niyang
matutong bumasa ng abakada. Datapuwa't ang tugon ni Ina'y hindi pa sapat ang
taglay niyang gulang upang matupad ang gayong hangarin. Si Pepe'y nagpumilit
kaya't sandal munang ipinakilala sa kaniya ni Ina ang bawa'titik. Hindi siya tumigil
sa pagkilala sa mga titik at manaka-naka ay angangailangan siyang magtanong.
Pagkatapos ng mga dalawang oras, ang lahat ng titik ng abakada ay natutuhan
niyang basahin. Kaming magkakapatid, pati ng aming mga magulang, ay labis na
namangha sa gayong katalinuhan ni Pepe.
2. Anekdota sa buhay
ni Manuel L. Quezon
Samantalang ang Pangulong Quezon ay nasa isang pagamutan
sapagka't may-sakit, ay dinalaw siya ni Padre Serapio Tamayo, O.P., isang
matalik na kaibigan ng Pangulo noon ay Rektor ng Pamantasan ng Santo Tomas.
Bago pa lamang pumapasok ang pari sa silid ng Pangulo ay hinadlangan na siya ng
nars. Nang magpilit ang pari ay sinabi ng nars na maghintay nang ilang saglit
pagka't ipagbibigay-alam muna niya sa maysakit ang kanyang pagdating.
Wikang ingles ang ginamit ng nars sa pagpapabatid sa Pangulo
na may panauhin. Ganito ang sinabi, "Mr. President, the prest is
here."
Dahil sa maling pagbigkas ng nars sa salitang
"priest", inakala ng Pangulo na ang kanyang panauhin ay isang
mamamahayag. Ang pasigaw n autos ng Pangulo ay, "Sabihin mo sa 'press' na
pumunta sa impyerno."
Subali't bago niya natapos ang pangungusap na ito ay
nakapasok na ang pari sa silid ng Pangulo at narinig ang pahayag na yaon.
3. Ang Tsinelas ni
Jose Rizal
Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna.
Bughaw na may halong luntian kapag walang sigwa. Ang tubig sa wawa ay
napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila umiindak kapag nahihipan ng
hangin.
Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-parong puti na
naghahabulan.
Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay
na kahoy na nakukuha sa aming gubat. Kung minsan ito ay may dalawang katig na
gawa sa matitibay at mahabang kawayan upang ang bangka ay hindi gumiwang kapag
ito ay nakatigil sa tubig.
Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni’t sa aming
lalawigan, ang ay ginagamit namin sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo
ng dagat. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o ng karetela.
Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka
nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa
pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay
hindi nararapat.
Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin.
Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng
aking tsinelas.
Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa
pang tsinelas at dali dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol
nito ang kapares na tsinelas.
“Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?” tanong sa
akin ng kasamahan ko sa bangka.
“Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa
makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung
sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang
paglakad.
Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang
isang batang katulad ko.
maraming salamat
ReplyDeleteKamsa~
ReplyDeleteKAMSAMNIDA
ReplyDeleteAno ang hindi halimbawa ng anekdota?
ReplyDelete