Labaw Donggon (Epikong
Bisaya)
Si Labaw Donggon ay anak ni Anggoy Alunsina at Buyung
Paubari. Siya ay napakakisig na lalaki na umibig kay Abyang Ginbitinan.
Binigyan niya ng maraming regalo ang ina ni Abyang Ginbitinan na si Anggoy
Matang-ayon upang pumayag lamang na makasal ang dalawa. Inimbita niya ang buong
bayan sa kanilang kasal. At hindi nagtagal ay umibig siyang muli sa isang
magandang babae na nagngangalang Anggoy Doronoon. Niligawan niya ito at hindi
nagtagal ay nagpakasal.
At muli ay umibig si Labaw sa isa pang babae na nagngangalang
Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata. Ngunit ang babae ay nakasal na kay Buyung
Saragnayan na katulad niya na may kapangyarihan din.
Patayin mo muna ako bago mo makuha ang aking asawa, sabi ni
Buyung Saragnayan sa kanya.
Handa akong kalabanin ka, sagot ni Labaw kay Saragnayan.
Naglaban sila ng maraming taon gamit ang kanilang mga
kapangyarihan ngunit hindi mapatay ni Labaw si Saragnayan. Mas malakas ang
kapangyarihan ni Saragnayan kaysa kay Labaw.
Natalo si Labaw at siya ay itinali at ikinulong sa kulungan
ng baboy ni Saragnayan. Samantala ang kanyang mga asawa na si Abyang Ginbitinan
at Anggoy Doronoon ay nanganak sa kanilang panganay. Tinawag ni Abyang ang
kanyang anak na Asu Mangga at si Anggoy Doronoon na Buyung Baranugun. Gustong
makita si Labaw ng kaniyang dalawang anak at nagpasya na hanapin siya. Sa
tulong ng bolang kristal ni Buyung Barunugun ay nalaman nlla na bihag siya ni
Saragnayan. Ang dalawang magkapatid ay nagtagumpay sa pagpapalaya sa kanilang
ama na napakatanda na at ang kanyang katawan ay nababalutan na ng mahabang
buhok.
Kailangan nyo munang malaman ang sikreto ng kapangyarihan ni
Saragnayan bago ninyo siya labanan! sabi ni Labaw sa kanyang dalawang anak.
Opo ama, sagot ni Baranugun. Ipapadala ko sina Taghuy at
Duwindi kay Abyang Alunsini upang itanong ang sikreto ng kapangyarihan ni
Saragnayan.
Nalaman ni Batanugun kay Abyang na ang hininga ni Saragnayan
ay itinatago at pinangangalagaan ng isang baboy ramo sa kabundukan. Siya at si
Asu Mangga ay nagtungo sa kabundukan upang patayin ang baboy ramo. Kinain nila
ang puso nito na siyang buhay ni Saragnayan
Biglang nanghina si Saragnayan. Alam niya kung ano ang
nangyari. Nagpaalam na siya kay Nagmalitong Yawa. Handa na siyang upang
ka1abanin ang dalawang anak ni Labaw. Si Baranugun lamang ang humarap sa kanya
sa isang madugong laban. Napatay siya ni Baranugun sa isang mano-manong laban.
Pagkatapos ng labanan ay hinanap nila ang kanilang ama. Nakita nila na siya ay
nakasilid sa lambat ni Saragnayan. Natakot sila sa mga kapatid ni Saragnayan.
Pinatay silang lahat ni Baranugun at pinalaya si Labaw sa lambat.
Nang makita ni Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon si Labaw
ay napaiyak sila sa pighati. Nalaman nilang hindi na makarinig si Labaw, hindi
na rin nito nagamit ang pag-iisip. Pinaliguan nila ito, binihisan at
pinakain. Inalagaan nila ito ng mabuti. Samantala, si Buyung
Humadapnon at Buyung Dumalapdap, mga bayaw ni Anggoy Ginbitinan ay ikinasal
kina Burigadang Pada Sinaklang Bulawan at Lubaylubyok Hanginon Mahuyukhuyukon.
Ang dalawang babae ay ang magagandang kapatid ni Nagmalitong Yawa.
Nang malaman ni Labaw Donggon ang kasal sinabi nito sa
dalawang asawa na nais niyang mapakasalan si Nagmalitong Yawa Sinagmaling
Diwata.
Gusto kong magkaroon ng isa pang anak na lalaki! sabi ni
Labaw Donggon.
Nagulat sina Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon sa sinabi
ng asawa at dahil mahal na mahal nila ang asawa ay tinupad nila ang kahilingan
nito. Humiga si Labaw sa sahig at pumatong ang dalawang babae sa kanya,
naibalik ang kanyang lakas at sigla ng isip. Masayang-masaya si Labaw at ang
kanyang tinig ay umalingawngaw sa buong lupain.
No comments:
Post a Comment