Ang mga sangkap ng
balita
1.
Kapanahunan/Napapanahon (Immediacy or Timeliness)--Kailangan ang
pagyayari'y kagaganap o katutuklas lamang. Napapanahon pa rin ang balita kung
ang pangyayari ay matagal nang naganap ngunit ngayon lamang nabunyag o
natuklasan.
2. Kalapitan
(Nearness or Proximity)--Higit na kinagigiliwan ng mga mambabasa ang mga
pangyayari sa kanilang paligid kaysa sa mga pangyayaring nagaganap sa
malalayong pook . Ang kalapitan ay maaring tumukoy rin sa kalagayang heograpiya
(geographical nearness), kaangkan (kinship), kapakanan (interest), atbp.
3. Katanyagan
(Prominence)--Kung ang paksa ng balita ay bantog o tanyag, ito ay nakaaakit
at nakatatawag-pansin. Maaaring ito'y ukol sa isang pinuno ng pamahalaan, lider
ng purok, mgataong kilala o dakila o tanyag sa lipunan. Maaari ring paksain ang
isang matulaing pook.
4. Tunggalian
(Conflict or Struggle)--Ano mang pangyayaring naglalarawan ng paglalaban,
pagpapaligsahan at pagsasapalaran ay balitang interesante. Ito'y maaaring
pagtutunggali ng katawng pisikal at mental; tao laban sa kapwa tao; tao laban
sa hayop; tao laban sa kalikasan; tao laban sa kanyang sarili.
5. Kahulugan o
Kalabasan (Significance or Consequence)--Kung ang isang pangyayari o bagay
ay may ibubungang kabutihan o kasamaan ay nakatatawag-pansin, ano ang kahulugan
o kalalabasan kung ang Komunismo ay ating tatangkilikin?
6. Di-karaniwan,
Pambihira (Oddity, Unusualness)--Mga bagay na pambihirang mangyari gaya ng
isang tao na napabalitang nagdadalantao, o ng isang taong patay na nabuhay at
nang nakita niyang nasa loob siya ng ataol, siya'y namatay uli dahil sa takot.
7. Pagbabago (Change)--Ano
mag pagbabago, maging sa pag-unlad o sa pagsama ay nakatatawag-pansin.
8. Pamukaw-Damdamin o
Kawilihan (Human Interest)--Ito'y umaantig ng damdamin at kaukulang
reaksyon ng mambabasa upang siya ay paiyakin, patawanin, pagalitan, pahangain,
atbp.
9. Romansa at
Pakikipagsapalaran (Romance and Adventure)--Ang romansa ay hindi nauukol sa
pag-iibigan lamang. Isang halimbawa nito ay ang romansa ni Hemingway at ng
karagatan; mga astronauts at ng kalawakan.
10. Hayop (Animals)--Magandang
paksa sa balita ang mga hayop na may katalinuhan.
11. Pangalan (Names)--Kung
marami ang mga pangalang nakalathala na nasasangkot sa balita, dumarami rin ang
mga mambabasa.
12. Drama (Drama)--Ang
daigdig ay isang dulaan at ang mga tao ay nagsisiganap ng dula ng tunay na
buhay. Ang misteryo, pag-aalinlangan (suspense) o komedya ay nagbibigay ng
kulay sa isang kuwento.
13. Kasarian (Sex)--Ito'y
nagbibigay ng kawilihan na karaniwang natutunghayan sa romansa, pag-aasawa,
paghihiwalay at pagdidiborsiyo. Nailalarawann rin ang mga kasarian, halimbawa
kung ang isang babae ang pinuno ng mga bandido o kung ang naihalal na pangulo
ng isang bansa ay babae gaya ni Gloria M. Arroyo.
14. Pag-unlad o
Pagsulong (Progress or Advancement)--Magandang paksa ng mga ito sa balita.
15. Mga Bilang
(Numbers)--Marami ang mahilig magbasa ng mga estatistiks tulad ng ulat sa
pananalapi, kinalabasan ng eleksyon, panalong numero sa sweepstakes, vital
statistics ng dalaga, atbp.
No comments:
Post a Comment