Ano ang Pabula?
Ang pabula (fable sa English) ay isang uri ng kathang-isip
na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang
gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at
kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat
nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din
itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.
Ang Aso at ang Uwak (Pabula)
May ibong uwak na nakakita ng karne na nakabilad sa araw.
Tinangay niya ito at lumipad nang malayo.
Sa dulo ng sanga ng isang puno, sinimulan niyang kainin ang
karne.
Ngunit narinig niya ang malakas na boses ng isang aso na
nagsabi:
"Sa lahat ng ibon, ang uwak ang pinaka-magaling. Walang
kakumpara!"
Natuwa ang uwak at binukas ang bibig para humalakhak. Ang
nangyari ay nalaglag ang karne mula sa kanyang bibig. Nahulog ito sa lupa kung
saan kaagad sinunggaban ng aso. Ngayon alam na natin na ang papuri ay maaaring
uri ng panloloko rin.
Aral:
Isang papuri minsan ay isang paglilinlang.
No comments:
Post a Comment