Thursday, June 27, 2013

Pang-uring Pamilang

Pang-uring Pamilang
Ang mga pang-uring pamilang ay ang mga sumusunod:

1. Patakaran - ito ay ang karaniwang paraan ng pagbilang.
Halimbawa:
Sampung mag-aaral ang tumanggap ng paghanga.
Sanlibong punongkahoy ang itinanim ng mga magsasaka.

2. Panunuran -  nagsasaad ng ayos o pagkakasunud-sunod ng mga tao o bagay.
Halimbawa:
Siya ay ikalawang humingi ng tulong.
Ako ay ikalima sa hanay.

3. Patakda - ito ay nagsasaad ng tiyak o hustong bilang.
Halimbawa:
Sasampung piso ang natira sa pera niya.
Si Teresa ay nag-iisang anak.

4. Pahalaga - ito ay tumuturing sa halaga ng isang bagay.
Halimbawa:
Tiglilimampiso ang bili ko sa mga aklat na ito.
Mamera ngayon ang halaga ng mga bayabas.

5. Pamahagi - nagsasaad ng pagbabahagi ng isang kabuuan.
Halimbawa:
Kalahatiang ibinigay ko sa kanyang buwanang sahud.
Kunin mo ang ikatlo ng pizza.

6. Palansak - nagsasaad ng maramihan o minsanang bagay.
Halimbawa:
Daang-libong piso ang pinuhunan ko sa kalakal.

Ang sasakyang ito ay may upuang pandalawahan.




Source: http://teksbok.blogspot.com

4 comments: