Kaantasan ng Pang-uri
1. Lantay - Naglalarawan ang pang-uring lantay ng isang
pangngalan o panghalip na walang pinaghahambingan.
Halimbawa:
Kabigha-bighani ang
pook na ito.
2. Pahambing - Nagtutulad ang pahambing sa dalawa o higit
pang pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
Ganggamunggong pawis
ang namuo sa king noo.
a. Pahambing na
magkatulad - Ipinakikilala ito ng mga panlaping ka-, ga-, sing-
/kasing-
/magkasing- /magsing-. Ipinakikilala ang magkapantay na katangian ng
dalawang bagay na
pinaghahambingan.
Halimbawa:
Magkakasingganda ang mga bulaklak sa
hardin.
b. Pahambing na
di-magkatulad - Ito ay kung hindi magkapantay ang katangian ng
pinaghahambingan.
• Pahambing
na palamang - May katangiang nakahihigit sa pinaghahambingan.
Ginagamitan
ito ng mga salitang higit at lalo at tinutulungan ng kaysa o kaysa kay.
Halimbawa:
Lalong kahali-halina ang mga
bulaklak dito kaysa sa nakita ko sa Parke.
• Pahambing
na pasahol - May katangiang kulang o kapos sa pinaghahambingan.
Tinutulungan ito ng mga salitang gaano, tulad
ni, o tulad ng.
Halimbawa:
Di-gaanong magaganda ang mga moske
sa Taguig kaysa sa mga makikita sa
Zamboanga.
3. Pasukdol - Ang pasukdol ay katangiang namumukod o
nagngingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan.
Halimbawa:
Ang ganda-ganda ng
Palawan.
No comments:
Post a Comment