Buod ng
Kabanata 2
Si Crisostomo Ibarra
Dumating si Kapitan Tyago kasabay
ang isang binata na halatang nagluluksa ayon sa kasuotan. Binati ng Kapitan ang
kanyang mga panauhin, at tulad ng kaugalian, humalik siya sa kamay ng mga pari.
Ang mga pari naman ay nabigla, lalo na si Padre Damaso ng makilala nito na ang
binata. Ipinakilala ni Kapitan Tiyago ang kagalang galang na binata bilang anak
ng kanyang nasirang kaibigan na si Don Rafael Ibarra. Kadarating lamang ng
binata mula pitong taon na pag-aaral nito sa Europa. Kusang nagpakilala si
Ibarra bilang Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin kasabay ng pakikipag-kamay
nito, isang kaugaliang natutunan niya sa bansang Alemanya. Tumanggi naman na
makipag-kamay si Padre Damaso at bagkus ay tinalikuran nito ang binata. Lumapit
ang Tinyente kay Ibarra at nagpasalamat ito sa ligtas niyang pagdating. Pinuri
rin nito ang kabaitan ng kanyang ama, na siyang nagpanatag sa kalooban ng
binata. Palihim naman ang pagsulyap ni Padre Damaso sa Tinyente na tila ba
nagbabanta. Dahilan upang tapusin ng Tinyente ang pakikipag-usap nito kay
Ibarra. Nang malapit na ang hapunan, inanyayahan ni Kapitan Tinong, sa
pananghalian kinabukasan si Ibarra. Si Kapitan Tinong ay malapit na kaibigan ni
Kapitan Tiyago at kaibigan din ng kanyang ama. Magalang na tumanggi ang binata
sapagkat patungo siya sa San Diego sa araw na iyon.
MGA TAUHAN SA
KABANATA 2
Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin - ang
nag-iisang anak ni Don Rafael Ibarra at binatang nakapag-aral ng medisina sa
Europa. Likas siyang may talino at mataas ang pagpapahalaga sa edukasyon bunga
na rin ng pagtataguyod ng ama.
Kapitan Tiago -
matalik na kaibigan ni Don Rafael Ibarra at nakipagkasundo sa huli na ipakasal
ang kanilang mga anak sa takdang panahon.
Tinyente Guevarra
- isa sa mga sumalubong at natuwa sa pagdating ni Ibarra Padre Sibyla - Lihim
nitong pinasubaybayan si Ibarra. Isa itong katangian ng pari- ang pagiging
mapanuri sa isang tao lalo na kapag mayroong liberal na pananaw. Sa kanyang
pagmamasid ay pinag-aaralan niya ang pagkatao ni Ibarra at ang kanyang mga
natuklasan ang kanyang gagamitin sa sarili niyang kapakanan
Padre Damaso -
Nagpakita kaagad ng disgusto kay Ibarra ng ito ay kanyang makita sa bahay ni
Kapitan Tiago
Kapitan Tinong -
isa sa mga Kapitan sa bayan ng Binundok at ang layunin ng pag-anyaya niya kay
Ibarra ay upang magtamo ng karangalan kung dadalaw sa kanyang tahanan si Ibarra
No comments:
Post a Comment