Ang Pang-angkop
(Ligatures)
Pang-angkop - ay mga katagang idinudugtong sa pagitan ng
dalawang salita upang maging kaaya-aya ang pagbigkas ng mga ito at magkaroon ng
ugnayang panggramatika. Ito ay maaaring
matagpuan sa pagitan ng pang-uri at pangngalan. Ang pang-angkop ay ang mga
katagang na, ng at g.
Tatlong pang-angkop
sa pag-uugnay ng mga salita
1. Pang-angkop na -NA
– Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita na kung saan ang naunang salita ay
nagtatapos sa mga katinig (consonant)
maliban sa titik n. Isinusulat ito nang kahiwalay sa mga salitang
pinag-uugnay.
Halimbawa:
1. malalim –
bangin =
malalim na bangin
2. mataas – tao =
mataas na tao
3. feel – feel = feel
na feel
4. yamot – yamot = yamot na yamot
5. tulay – bato =
tulay na bato
2. Pang-angkop na -NG
– Ito ay isinusulat karugtong ng mga salitang nagtatapos sa mga patinig
(vowel). [a, e, i, o u].
Halimbawa:
1. malaya – isipan =
malayang isipan
2. malaki – bahay =
malaking bahay
3. buo – buo =
buong-buo
4. madamo – hardin =
madamong hardin
5. sombrero – pandan =
sumbrerong pandan
3. Pang-angkop na -G – ginagamit kung ang salitang
durogtungan ay nagtatapos sa katinig na n
Halimbawa:
1. aliwan – pambata =
aliwang pambata
2. balon – malalim =
balong malalim
3. pamayanan –
nagkakaisa = pamayanang nagkakaisa
4. pamilihan – bayan =
pamilihang bayan
5. institusyon –
pangmental = institusyong pangmental