Showing posts with label tauhan ng noli me tangere. Show all posts
Showing posts with label tauhan ng noli me tangere. Show all posts

Tuesday, July 2, 2013

Noli Me Tangere: Mga Tauhan

Mga Tauhan ng Noli me Tangere

Crisostomo Ibarra
Binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.

Elias
Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito.

Kapitan Tiyago
Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.

Padre Damaso
Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego.

Padre Salvi
Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.

Maria Clara
Mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso

Pilosopo Tasyo
Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.

Sisa
Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.

Basilio at Crispin
Magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.

Alperes
Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego

Donya Victorina
Babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila.

Donya Consolacion
Napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali.

Don Tiburcio de Espadaña
Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.

Linares
Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.

Don Filipo
Tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin; ama ni Sinang

Señor Nol Juan
Namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.

Lucas
Taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.

Tarsilo at Bruno
Magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.

Tiya Isabel
Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.

Donya Pia
Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang.

Iday, Sinang, Victoria,at Andeng
Mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego

Kapitan-Heneral
Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.

Don Rafael Ibarra
Ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe.

Don Saturnino
Nuno ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.

Mang Pablo
Pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.

Kapitan Basilio
Ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin

Tinyente Guevarra
Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.

Kapitana Maria
Tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.

Padre Sibyla
Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.

Albino

Dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.

Sunday, June 16, 2013

Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 64 - Katapusan

Noli Me Tangere
Buod ng
Kabanata 64 - Katapusan

Magmula ng pumasok sa kumbento si Maria, nanirahan na si Padre Damaso sa Maynila. Di nagtagal, siya ay inilipat ng padre provincial sa isang malayong probinsiya. Kinabukasan, siya ay nakitang bangkay sa kanyang higaan. Sa pagsusuri ng doktor, sama ng loob o bangungot ang sanhi ng kanyang ikinamatay.

Sa kabilang dako, si Pari Salvi habang hinihintay niya ang pagiging obispo ay nanungkulan pansamantala sa kumbento ng Sta. Clarang pinasukan ni Maria Clara. Kasunod nito ay umalis na rin sa San Diego at nanirahan na sa Maynila.

Ilang linggo naman bago naging ganap na mongha si Maria, si Kapitan Tiyago ay dumanas ng sapin-saping paghihirap ng damdamin, nangayayat ng husto, naging mapag-isip at nawalan ng tiwala sa mga kainuman. Pagkagaling niya sa kumbento, sinabihan niya si Tiya Isabel na umuwi na ito sa Malabon o sa San Diego sapagkat gusto na lamang mabuhay mag-isa. Ang lahat ng mga santo at santang kanyang pinipintakasi at nalimot na niya. Ang kanyang inaatupag ay ang paglalaro ng liyempo, sabong at paghitit ng marijuana. Madalas tuwing takip-silim ay makikita siya sa tindahan ng intsik sa Sto. Cristo. Di nagtagal, napapayaan niya ang kanyang katawan at kabuhayan. Ang kanyang dating marangyang tahanan ay mayroong nakasulat sa pintuan na: Fumadero Publico de Anfion. Ganap na siyang nalimot ng mga tao. Wala ni isa mang nakakaalala sa kanya, siya na isang tanyag at dating iginagalang.


Nagdagdag ng mga kulot sa ulo si Donya Victorina upang mapagbuti ang pagbabalat-kayo niyang siya’y taga-Andalucia. Siya ngayon ang nangungutsero. Si Don Tiburcio ay hindi na niya pinakikilos. Nagsasalamin na ito. Hindi na rin siya natatawag bilang "doktor" para mag-gamot. Wala na rin siyang ngipin.

Noli Me Tangere: Buod ng Kabanata 63 - Ang Noche Buena

Noli Me Tangere
Buod ng
Kabanata 63 - Ang Noche Buena

May isang kubo na yari sa balu-baluktot na sanga ng kahoy ang nakatayo sa libis ng isang bundok. Sa dampa ay mayroong nakatirang mag-anak na tagalog na nabubuhay dahil sa pangangaso at pangangahoy. Sa lilim ng isang puno mayroong isang matanda na gumagawa ng walis. Sa isang tabi naman mayroong isang dalaga na naglalagay ng mga itlog ng manok, gulay at dayap sa isang bilao. Sa di-kalayuan, may isang batang lalaki at batang babae ang naglalaro sa tabi ng isang payat at putlain. Ang batang nakaupo sa nakabuwal na kahoy ay si Basilio, may sugat ito sa paa. Inaaliw siya ng dalawang batang naglalaro. Nang utusan ng matanda ang apong dalaga na ipagbili ang mga nagawang walis, sinabi niya kay Basilio na may dalawang buwan na ang nakakaraan nang ito ay kanilang matagpuang sugatan at kalingain pagkatapos. Isinalaysay naman ang tungkol sa buhay nilang mag-anak. Kaya, nang ito ay magpaalam na uuwi na sa kanila, siya ay pinayagan ng matanda at ipinagbaon pa niya ng pindang na usa para sa kanyang inang si Sisa.

Samantala, noche buena na, ngunit ang mga taga-San Diego ay nangangatog sa ginaw bunga ng hanging amihan na nagmumula sa hilaga. Hindi katulad ng nakaraan na masayang-masaya ang mgat tao. Ngunit ngayon lungkot na lungkot ang buong bayan. Wla man lamang nakasabit na mga parol sa bintana ng bahay. Kahit na sa tahanan ni Kapitan Basilio ay wala ring kasigla-sigla. Kausap ng kapitan si Don Filipo na napawalang sala sa mga bintang na laban dito nang mamataan nila si Sisa na isa ng palaboy. Pero, hindi naman nananakit ng kapwa.

Ang pinsan nitong si Victoria at si Iday. Si sinang ay tumanggap ng liham buhat kay Maria subalit hindi niya ito binubuksan sa takot na malaman ang nilalaman. Habag na habag ang magkakaibigan sa magkasintahang Maria at Ibarra. May kumalat namang balita na ang pagkakaligtas ni Kapitan Tiyago mula sa bibitayin ay utang niya kay Linares.

Nakarating na si Basilio sa kanilang tahanan. Pero, wala ang kanyang ina. Paika-ika niyang tinalunton ang landas patungo sa tapat ng bahay ng alperes. Nanduon ang ina, umaawit ng walang katuturan. Inutusan ng babaing nasa durungawan ang sibil na papanhikin si Sisa. Subalit nang makita ni Sisa ang tanod, kumaripas ito ng takbo. Takot. Hinabol ni Basilio ang ina, pero binato siya ng alilang babaing nasa daan. Nasapol sa ulo si Basilio pero hindi ito tumigil sa pagsunod sa inang tumatakbo. Nakarating sila sa may guabat. Pumasok sa pinto ng libingan ng matandang kastila si Sisa. Ito ay nasa tabi ng punong baliti. Pilipt na binubuksan ito ni Basilio. Nakita niya ang isang sanga ng baliting nakakapit sa kinaroroonan ng ina. Kaagad niya itong niyakap at pinaghahagkan hanggang sa mawalan ng ulirat.

Nang makita naman ni Sisa ang duguang ulo si Basilio, unti-unting nagbalik ang katinuan ng kanyang isip. Nakilala rin niya ang anak. Napatili ito ng malakas at biglang napahandusay sa ibabaw ng ank. Nawalan ng malay. Nang magbalik naman ng ulirat si Basilio at nakita ang ina, kumuha ito ng tubig at winisikan sa mukha. Dinaiti niya ang kanyang taynga sa dibdib ni Sisa. Sinakmal ng matinding pagkasindak si Basilio. Patay na ang kanyang ina. Buong higpit na niyakap niya ang malamig na bangkay ng ina at napahagulgol ng malaks, pasubsob sa ina. Nang mag-angat siya ng ulo, nakita niya ang isang taong nagmamasid sa kanya. Tumango si Basilio nang tanungin siya ng tao kung anak siya ng namatay.

Hinang-hina ang lalaking sugatan, hindi niya matutulungan si Basilio na mailibing si Sisa. Sa halip pinagbilinan niya si Basilio na mag-ipon ng maraming tuyong kahoy at ibunton sa bangkay ng kanyang ina at pagkaraan sila ay silaban hanggang sa maging abo ang kanilang katawan. Itinagubilin rin ng lalaki kay Basilio ang malaking kayamanan na nakabaon sa may puno ng balite. Kay Basilio na raw ito kung walang ibang dumating na tao upang gamitin niya sa pag-aaral. Ang lalaking sugatan na kausap ni Basilio na dalawang araw ng hindi kumakain at sa wari ay malapit ng mamamatay ay si Elias. At lumakad na si Basilio upang manguha ng panggatong. Si Elias ay tumanaw naman sa dakong silangan at nagwikang higit pa sa isang dalangin. Siya ay babawian ng buhay nang di nakikita ang pagbubukang-liwayway ng bayang kanyang minamahal. Sa mga mapalad, huwag lamang daw limutin nang ganap ang mga nasawi sa dilim ng gabi. Sa pagkakatingala niya sa langit, kumibot hanggang sa unti-unting nabuwal sa lupa.


Nang magmamadaling-araw, namalas ng buong bayan ng San Diego ang isang malaking siga na nagmumula sa may lugar na kinamatayan ni Sisa at Elias. Sinisi pa ni Manang rufa ang gumawa ng siga na hindi raw marunong mangilin sa araw ng pagsilang ni Hesus.

Noli Me Tangere: Buod ng Kabanata 62 - Ang Pagtatapat ni Padre Damaso

Noli Me Tangere
Buod ng
Kabanata 62 - Ang Pagtatapat ni Padre Damaso

Umaga, hindi pansin ni Maria ang maraming regalo na nakabunton sa itaas ng hapag. Ang mga mata niya ay nakapako sa diyaryong nagbabalita tungkol sa pagkamatay o pagkalunod ni Ibarra. Pero, hindi naman binabasa ni Maria ang Diyaryo. Pamaya-maya dumating si Pari Damaso na hinilingan kaagad ni Maria na sirain ang kasunduan ng kanyang kasal kay Linares at pangalagaan ang kapakanan ng ama. Sinabi ni Maria na ngayong patay na si Ibarra walang sinumang lalaking kanyang pakakasalan. Dalawang bagay na lamang ang mahalaga sa kanya, ang kamatayan o ang kumbento.


Napagmuni ni Pari Damaso na pinaninindigan ni Maria ang kanyang sinabi, kaya humingi ito ng tawad sa kanya. Napahagulgol pa ito ng malakas habang binibigyan diin niya ang walang kapantay na pagtingin kay Maria. Wala siyang nagawa kundi pahintulutan na pumasok sa kumbento si Maria kaysa piliin nito ang kamatayan. Umalis si Pari Damaso na sakbibi ng lumbay. Tumingala ito sa lagit at pabulong na sinabing totoo ngang may Diyos na nagpaparusa. Hiniling niya sa Diyos na siya ang parusahan at huwag ang walang malay niyang anak na nangangailangan ng kanyang pagkalinga. Damdam na damdam ng pari ang kasiphayuang dinaranas ni Maria.

Noli Me Tangere: Buod ng Kabanata 61 - Ang Barilan sa Lawa

Noli Me Tangere
Buod ng
Kabanata 61 - Ang Barilan sa Lawa

Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay Ibarra na itatago siya sa bahay ng isang kaibigan sa Mandaluyong. Ang salapi ni Ibarra na itinago niya sa may puno ng balite sa libingan ng ninuno nito ay kanyang ibabalik upang may magamit si Ibarra sa pagpunta nito sa ibang bansa. Nasa ibang lupain daw ang katiwasayan ni Ibarra at hindi nababagay na manirahan sa Pilipinas, dahil ang buhay niya ay hindi inilaan sa kahirapan. Inalok ni Ibarra na magsama na lang sila ni Elias, tutal pareho na sila ng kapalaran at magturingan na parang magkapatid. Pero, tumanggi si Elias.

Nang mapadaan sila sa tapat ng palasyo, napansin nilang nagkakagulo ang mga bantay. Pinadapang mabuti ni Elias si Ibarra at tinakpan ng maraming damo. Nang mapadaan sila sa tapat na polvorista, sila’y pinatigil at tinanong ng bantay si Elias kung saan ito nanggaling. Ipinaliwanag ni Elias na siya’y galing ng Maynila at rarasyunan niya ng damo ang hukom at ang kura. Kumbinsido ang bantay sa paliwanag ni Elias kaya ipinatuloy niya ito sa pagsasagwan at pinagbilinan na huwag magpapasakay sa bangka sapagkat katatakas pa lamang ng isang bilanggo. Kung mahuhuli raw ito ni Elias, siya ay bibigyan ng gantimpala. Inilarawan ng bantay ang bilanggong tinutukoy ay nakalebita at mahusay magsalita ng Kastila. Nagpatuloy sa pagsasagwan si Elias. Lumihis sila ng landas. Pumasok sila sa may ilog-Beatang inawit ni Balagtas upang akalaing siya ay taga-Peñafrancia.

Itinapon ni Elias ang mga damo sa pampang, kinuha ang isang mahabang kawayan at ilang bayong at sumige sa pagsagwan. Nagkuwentuhan muli sina Elias at Ibarra. Nakalabas na sila sa ilog-Pasig

At nakarating sa may Sta. Ana. Napadaan sila sa tapat ng bahay-bakasyunan ng mga heswitas kaya hindi maiwasang manariwa sa isip ni Elias ang masasayang araw na tinamasa niya, may magulang, kapatid at maganddang kinabukasan. Namuhay nang masagana at mapayapa. Sumapit sila sa malapad na bato at nang makitang inaantok na bantay na wala siyang kasama at mahihingi, pinaraan niya si Elias.

Umaga na ang sapitin nila ang lawa. Pero sa di-kalayuan nabanaagan nila ang isang palwa ng mga sibil na papalapit sa kanila. Pinahiga ni Elias si Ibarra at tinakpan niya ito ng bayong. Nahalata ni Elias na hinahadlangan sila sa baybayin. Kaya sumagwan itong patungo sa may Binangonan, ngunit nagbago rin ng direksyon ang palwa. Tinawag sila. Inisip ni Elias na magbalik sa bunganga ng Ilog-Pasig. Nakuro ni Elias na napagtatalikupan sila at walang kalaban-laban. Isa pa wala silang dala ni isa mang sandata. Mabilis na naghubad ng damit si Elias. Sinabi niya kay Ibarra na magkita na lamang sila sa noche buena sa libingan ng nuno ni Ibarra. Tumayo si Elias at tumalon sabay sikad sa bangka.


Ang atensyon ng mga sibil sa palwa at nakasakay sa bangka ay natuon kay Elias. Pinaulanan nila ng punglo ang lugar na pinagtalunan nito. Kapag lumilitaw si Elias pinapuputukan ito. Nang may 50 dipa na lamang ang layo ni Elias sa may pampang, nahapo na ang humahabol sa kanya sa kasasagwan . Makalipas ang tatlong oras ay umalis na ang mga sibil sapagkat napansin nilang may bahid ng dugo sa tubig ng baybayin ng pampang.

Noli Me Tangere: Buod ng Kabanata 60 - Ikakasal na si Maria Clara

Noli Me Tangere
Buod ng
Kabanata 60 - Ikakasal na si Maria Clara

Tuwang-tuwa si Kapitan Tiyago sapagkat hindi siya nahuli o natanong man lamang. Hindi rin siya nakuryente o nabilanggo sa ilalim ng lupa. Dahil dito, siya ay nagpamisa sa Mahal na Birhen sa Antipolo, Birhen del Rosario at sa Birhen del Carmen. Kung hindi naimbita si Kapitan Tiyago ng pamahalaan, masamang kapalaran naman ang dumapo kay Kapitan Tinong. Tulad ng karamihan siya ay inimbitahan ng pamahalaan. Di nakabuti ito sa kanya ang ‘paglalakbay’ sa ibat-ibang tanggapan nito sapagkat ng siya ay lumabas. Siya ay may sakit, putlain, namamanas at di palaimik. Hindi na rin siya bumaba ng bahay, dahil nangangamba itong baka batiin siya ng isang pilibustero. Alam ni Tiyago ang ganitong sinapit ni Tinong.

Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-asawang de Espadaña na kapwa itinuring na pangkat ng makapamahalaan. Sinarili ni Donya Virtorina ang usapan. Sinabi na kung babarilin si Ibarra, iyon ang nararapat sapagkat siya ay isang pilibustero. Bagama’t namumutla at mahina si Maria, kanyang hinarap ang mga bisita. Humantong ang usapan tungkol sa pagpapakasal nina Maria at Linares. Nagkayarian din na magpapapista si Tiyago. Sinabihan niya si Tiya Isabel na kung ano ang nasa loob ni Maria tungkol sa napipinto nitong pakikipag-isang dibdib. Sa wari, desidido na si Tiyago na ipakasal si Maria sapagkat nakini-kinita niyang siya’y maglalabas-masok sa palasyo sa sandaling maging manugang niya si Linares. Si Linares ang tagapayo ng Kapitan Heneral, kaya’t inaakala ni Tiyago na siya ay kaiinggitan ng mga tao.

Kinabukasan, ang bulwagan ni Tiyago ay puno ng mga bisitang kastila at intsik. Nangunguna sa mga ito si Pari Salvi, Pari Sibyla, ilang pransiskano at dominikano, ang alperes na ngayon ay tinyente at may grado ng komandante, ang mag-asawang de Espadaña, si Linares na nagpatihuli ng dating at si tenyente Guevarra ng mga sibil.

Mangyari pa, ang paksa ng mga babae ay si Maria na kahit malungkot siya ay magalang na tinanggap ang mga bisita. Sinabi ng isang babae na maganda nga raw si Maria, pero ito raw ay tanga naman. Kayamanan lang daw habol ni Linares. Sinabi rin na marunong daw siya sa buhay sapagkat kaya siya ikakasal dahil bibitayin ang unang katipan ni Ibarra. Sa narinig ni Maria lalo siyang nasaktan at naghirap ang kalooban. Iniwan niya ang mga babaing nag-uusap.

Sa pulutong ng mga lalaking nag-uusap naman, lumitaw na ang kura ay lilipat na ng Maynila samantalang di tiyak ng alperes kung saan ito madedestino. Ipinaliwanag ni Guevarra na hindi mabibitay si Ibarra na katulad ng mga nangyari kina GOMBURZA at sa halip ito ay ipatatapon lamang. Binanggit din niya ang tungkol sa kaso ng binata at pagkaraan ay binati niya si Maria. Ito raw ay nakakatiyak ng magandang kinabukasan. At nagpaalam na ang tinyente.


Nagtungo sa asotea si Maria. Nakita niya ang bangkang pasadsad sa may sadsaran ng bahay ni kapitan Tiyago. Puno ng damo ang ibabaw ng bangka at may lulan itong dalawang lalaki. Bumaba ang isa sa lulan ng bangka at pinanhik siya, si Ibarra. Nakatakas siya sa tulong ni Elias. Dumaan lamang ang binata upang ipaalam ang damdamin nito at tuloy bigyan ng laya ang kasintahan tungkol sa kanilang kasunduan. Inilahad ni Maria ang tunay na kasaysayan at pagkatao nito. Napilitan umano itong talikuran ang kanilang pag-iibigan alang-alang sa kanyang inang namayapa at sa dalawang amang nabubuhay pa. Pero wala siyang tanging pag-ibig kundi si Ibarra lamang. Mahigpit na niyapos at pinupog ng halik ni Ibarra si Maria. Matagal. Pagkaraan, lumundag muli ito sa pader at sumakay sa bangka. Nag-alis ng sumbrero si Elias at yumukod kay Maria. Sumagwang papalayo sa lumuluhang si Maria.

Noli Me Tangere: Buod ng Kabanata 59 - Pag-ibig sa Bayan

Noli Me Tangere
Buod ng
Kabanata 59 - Pag-ibig sa Bayan
Ang ginawang pagluson ng mga naapi o sawimpalad ay nakarating at napalathala sa mga diyaryo sa Maynila. Iba rin ang balitang nagmula sa kumbento. Iab-iba ang estilo ng mga balitang lumaganap. At ang pang-unawa sa mga ito ay batay sa talas ng isip, kuro-kuro, damdamin at paniniwala. Ang mga tauhan ng kumbento ay higit na naliligalig. Ang mga provincial ay palihim na nagdadalawan at gumagawa ng mga pagpapanayam hinggil sa nangyari. Ang ilan naman ay nagpunta sa palasyo at naghahandog ng tulong sa pamahalaang nasa panganib. Nabanggit pa nga na na maging ang munting heneral o generalillo daw MAG-AGUERO ay napagkuro ang kahalagahan ng korporasyon. Samantala, ipinagbubunyi naman si Pari Salvi at sinabing ito ay karapat-dapat na bigyan ng isang mitra.

Sa ibang kumbento naman ay iba ang pinag-uusapan. Ang mga nag-aaral daw sa mga heswita sa Ateneo ay lumalabas na nagiging pilibustero. Sa isang bahay naman sa Tundo, hindi mapakali si Kapitan Tinong dahil minsan ito ay nagpakita ito ng kagandahang loob kay Ibarra. Kaya panay ang sisi sa kanya ng asawang si kapitana Tinchang. Ang kanilang dalawang anak na dalaga ay sa isang tabi lamang at di umiimik. Nasabi pa ni Tinchang na kung siya ay naging lalaki lamang, disin sana ay haharap siya sa Kapitan-Heneral at ihahandog nito ang kanyang paglilingkod laban sa mga manghihimagsik.

Malapit ng mabanas ng husto si Tinong sa kakulitan ng asawa nang dumating ang kanilang pinsan si Don Primitivo. Ito ay isng lalaking may edad at mahilig magsasalita ng Latin. Siya ay ipinasundo ni Tinchang upang hingan ng payo sapagkat marunong itong mangatwiran. Kaagad na nag-umpisa ng pagsasalita si Tinchang pagkakita sa pinsa. Ayon sa kanya, pinakain ni Tinong si Ibarra sa kanilang bahay at niyukuran pa niya ito nang makita sa may tulay ng Espanya sa gitna ng maraming tao at sinabing sila magkaibigan.

Sinabi ni Don Primitivo na dapat napakilala si Tinong kay Ibarra pagkat ang mga mabubuti raw ay napaparusahan dahil sa mga masasama. Kaya’t walang ibang nalalabing paraan kundi ang gumawa ng huling habilin si Tinong. Nawalan ng malay ng di oras si Tinong dahil sa payo. Nang bumalik ang kanyang ulirat, dalawang payo ang ibinigay ni Don Primitivo: (1) magbigay sila ng regalo sa heneral ng kahit anong alahas at idahilan na ito ay pamasko at (2) sunuging lahat ng mga kasilulatan na maaaring makapagpahamak kay Tinong, na katulad ng ginawang pagsunong ni Ibarra sa kanyang mga kasulatan.

Boto silang lahat sa payo.

Sa kabilang dako sa isang pagtitipon sa Intramuros na dinaluhan ng mga dalaga, mga asawa at mga anak ng kawani ang tema ng kanilang pag-uusap ay ang tungkol din sa naganap na pag-aalsa. Ayon sa isang lalaking komang galit na galit daw ang heneral kay Ibarra sapagkat naging napakabuti pa nito sa binata. Sinabi naman ng isang ginang na talagang walang utang na loob ang mga indiyo kaya’t di dapat silang ituring na mga tunay na tao. Kahit na araw ang itatayong paaralan ay isang pakana lamang sapagkat ang tunay na layunin ni Ibarra ay gawin lamang itong kuta na gagamitin niya sa kanyang pansariling pangangailangan. Sumabad naman ang isa pang babae at ipinaliwanag na is Tinchang daw ay nagregalo ng isang singsing na puno ng brilyante sa heneral. Napalingon ang lalaking komang at tiniyak kung totoo ang balita. Nagdahilan ang pingkok at nanaog na ng bahay.


Ilang oras pa ang nakalipas, ang ilang mag-anak sa Tundo ay tumanggap ng mga paanyaya ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga kawal. Ang imbitasyon ay tungkol sa pagtulog ng ilang mayayaman at tanyag na tao sa Fuerza de Santiago na may bantay pa. Si Kapitan Tinong ay kasama sa mga inimbita.

Noli Me Tangere: Buod ng Kabanata 58 - Ang Sinumpa

Noli Me Tangere
Buod ng
Kabanata 58 - Ang Sinumpa
Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo. Sila ay pabalik-balik sa kumbento, kuwartel at tribunal. Ngunit, hindi sila makapagtamo ng luna sa kanilang mga inilalakad. Palibhahsa wala silang kilalang malakas at makakapitan na makakatulong upang palayain ang kanilang kaanak na bilanggo. May sakit ang kura at ayaw na lumabas ng kanyang silid at ayaw daw itong makipag-usap kahit kanino. Ang alperes naman ay nagdagdag ng mga bantay upang kulahatin ang mga babaingh nagsusumamo sa kanaya. Ang kapitan naman ay lalong nawalan ng silbi.

Nakakapaso ang sikat ng araw, ngunit ang mga babae ay ayaw umalis. Palakad-lakad umiiyak ang mag-ina ni Don Filipo. Inusal-usal naman ni Kapitana Tinay ang pangalan ng kanyang anak na si Antonio. Si Kapitana Maria naman ay pasilip-silip sa rehas upang tignan ang kambal niyang anak. Ang biyenan ni Andong ay nanduroon din at walang gatol na ipinagsasabio na kaya raw hinuli si Andong ng mga sibil ay dahil sa bago nitong salawal. Amy isang babae naman ang halos mangiyak-ngiyak na nagsabing si Ibarra ang may pakana at kasalanan ng lahat. Ang suro ng paaralan ay kasama-sama rin ng mga tao. Samantalang si Nol Juan ay nakaluksa na sapagkat ipinalagay niyang wala ng kaligtasan si Ibarra.

Mag-iikalawa ng hapon ng dumating ang isang kariton na hila ang isang baka. Tinangka ng mga kaanak ng mga bilanggo na sirain at kalagan ang mga hayop na humihila sa kariton. Pero, ipinagbawalan sila ni Kapitana Maria at sinabing kapag ginawan nila iyon, mahihirapan sa paglakad ng kanilang ka-anak ng bilanggo.

Pamaya-maya, lumabas ang may 20 kawal at pinaligiran ng kariton. Ang sinunod na ilaban ay mga bilanggo sa pangunguna ni Don Filipo na nakuha pang batiin ng naka ngiti ang kanyang asawang si Doray ng yakapin ang asawa, pero hinadlangan siya ng dalawang sibil. Nang makita naman si Antonio ng inang si Kapitana Tinay binirahan ito ng katakot takot na hagulgol. Si Andong ay napaiyak din ng makita ang biyenan na may pasari ng kanyang pagkakakulong. Katulad ng kambal na anak ni Kapitana Maria, and seminaristang si Albano ay naka gapos na mabuti. Ang huling lumabas ay si Ibarra na walang gapos ngunit nasa pagitan ng dalawang kawal. Ang namumutlang si Ibarra ay pasuyod na tinignan ng mga maraming tao at naghahanap ng isang mukhang kaibigan.

Pagkakita kay Ibarra ng mga tao, biglang umugong ang salitaan na kung sino pa ang may sala ay siya pa itong walang tali. Dahil dito ay inutusan ni Ibarra na gapusin siya ng mga kawal ng abot-siko. Kahit na walang utos ang kanilang mga pinuno ang mga sibil sumunod sin sila sa utos ng binata. Ang alperes ay lumabas na naka-kabayo at batbat ng sandata ang katawan. Kasunod ay may 15 ng kawal na umaalalay sa kanya.

Sa kalipunan ng mga bilanggo, tanging kay Ibarra lamang na walang tumatawag sa kanyang pangalan sa halip siya ang binubuntunan ng sis at tinwag na siyang duwag. Pati ang kanyang mga nuno at magulang ay isinumpa ng mga tao hanggang siya ay tinawag ng erehe ng dapat mabitay. Kasunod nito ay pinagbabato si Ibarra. Naalala niya ang kwento ni Elias tungkol sa babaeng nakakita ng ulong nasa bakol at nakabitin sa punongkahoy. Ang kasay sayan ng piloto ay parang biglang naglaro sa kanyang pangitain.

Waring walang ibig dumamay kay Ibarra. Pati si Sinang ay pinagbawalan umiyak ni Kapitan Basilio. Kahit na nasa gipit at abang kalagayan ang binata. Walang naawa sa kanya. Doon nya nadama ng husto ang mawalan ng inang bayan, pag-ibig, tahanan kaibigan at magandang kinabuhasan.


Mula sa isang mataas na lugar, maamang nagmamasid si Pilosopong Tasyo na pagod na pagod at naka balabal ng makapal na kumot. Sundan nya ng tingin a ng papalaong kariton na sinakyan ng bilanggo. Ilang sandali pa ipinasiya na niyang umuwi. Kinabukasan, nagisnan ng isang pastol patay na si Tasyo sa may ointuan ng kanyang bahay.

Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 57 - Vae Victus! Sa Aba ng Mga Manlulupig

Noli Me Tangere
Buod ng
Kabanata 57 - Vae Victus! Sa Aba ng Mga Manlulupig

Balisa ang mga sibil na nasa kwartel. Panay ang kanilang pagbabanta sa mga batang sumisilip sa puwang ng mga rehas upang tingnan ang mga nadakip. Naroroon ang alperes, direktorsillo, Donya Consolation at nag kapitan na halatang malungkot. Bago mag-ikasiyam dumating ang kura at wala sa loob na naitanong niya sa alperes sina Ibarra at Don Filipo. Kasunod niya ang isang parag batang umiiyak at duguan ang salawal. Hinarap sa kura ang dalawang tanging buhay na nabihag ng mga sibil.

Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan ni Tarsilo. Pilit siyang tinatanong kung kaalam si Ibarra sa nasabing paglusob. Ngunit, iginigiit din niyang walang kamalay-malay si Ibarra sapagkat ang ginawa ay upang ipaghiganti ang kanilang amang pinatay sa palo ng mga sibil. Dahil dito, iniutos ng alperes na dalhin si Tarsilo sa limang bangkay, ito ay umiling. Nakita niya ang kanyang kapatid na si Bruno sa tadtad ng saksak, si Pedro na asawa ni Sisa at ang kay Lucas na may tali pang Lubid sa leeg. Dahil sa patuloy itong walang immik kahit sa sunod-sunod ang pagtatanong sa kanya. Nagpuyos sa galit ang alperes. Iniutos na paluin ng yantok si Tarsilo hanggang sa magdugo ang buong katawan nito.

Hindi maoakanta si Tarsilo, kaya ito ay ibinalik sa bulwagan. Nadatnan niya ang isang bilanggo ring nagpapalahaw sa iyak at tumatawag sa mga santo. Ipinasino kay Tarsilo ang dinatnan. Sinabi niyang nuong lamang niyua nakita. Dahil dito, muli siyang pinalo hanggang sa mabalot ng dugo ang buong katawan. Hindi nakayanan ng kura ang gayong tanawin kaya lumabas siya sa bulwagan na namumutla. Nakita ng kura ang isang dalagang parang nagbibilang ng mga naririnnig sa loob ng tribunal, humahalinghing at nanananghoy ng malakas. Ang babaing ito ay ang kapatid na dalaga nina Bruno at Tarsilo. Samantala, nang di mapansin si Tarsilo, lalong nagngitngit ang alperes. Binulungan pa siya ni Donya Consolacion na lalong pahirapan ang binata. Pero, hiningi na lamang ni Tarsilo na madaliin ang kanyang kamatayan. Walang makuhang anumang impormasyon at di mapaamin si Tarsilo kaya ito ay itinimba sa isang balong nakakabaligtad ng sikmura ang tubig at amoy. Kung ilang bese ibinulusok ang katawan ni Tarsilo sa balon. Hindi niya natagalan ang pagpapahirap hanggang sa takasan siya ng hininga sa gayong uri ng kalupitan. Nang matiyak na patay na si Tarsilo ang binalingan naman ay ang isa pang bilanggo.


Ang pangalan diumano ng bilanggong ito ay Andong luko-luko at kaya napapunta sa patyo ay upang magbawass sapagkat pinapakain ng bulok ng biyenan nito. Inaantok ang alperes sa naging sagot ng bilanggo, kaya iniutos itong ipasok na muli sa karsel.

Noli Me Tangere: Buod ng Kabanata 56 - Ang mga Sabi at Kuro-kuro

Noli Me Tangere
Buod ng
Kabanata 56 - Ang mga Sabi at Kuro-kuro

Hanggang sa kinabukasan sakmal pa rin ng takot ang buong bayan ng San Diego. Ni isa mang tao ay walang makitang naglalakad sa gitna ng daan. Tahimik na tahimik ang buong paligid. Pamaya-maya, isang bata ang naglakas loob na magbukas ng bintana at inilibot ang paningin. Dahil sa ginawa ng bata, nagsisunod ang mga iba na magbbukas ng bintana. Ang mga magkakapit-bahay ay nagbalitaan. Lubhang kalagim-lagim daw ang nagdaang gabi tulad noong mandambong si Balat. Sa kanilang pag-uusap, lumilitaw na si Kapitan Pablo raw ang sumalakay. Ipinapalagay naman ng iba na ang mga kuwadrilyero raw kaya dinakip si Ibarra. Ang mga lalaki ay nagpunta naman sa kuwartel at sa may tribunal. Lumitaw pa sa usapan ng mga tao na tinangka raw ni Ibarra na itanan ang kasintahang si Maria upang hindi matuloy ang pakikipag-isang dibdib niya kay Linares. Kaya lang sinansala ni Kapitan Tiyago ang kanilang pagtatanan sa tulong ng mga sibil.


Samantala, nakausap ni Hermana Pute ang isang lalaking kagagaling lamang sa tribunal. Sinabi nitong nagtapat na si Bruno. Pinatunayan nito ang balita tungkol sa magkasintahang sina Ibarra at Maria. Sa ngitngit daw ni Ibarra, pati simbaha’y nais niyang paghigantihan, mabuti na lamang at nasa bahay ni Kapitan Tiyago si Pari Salvi. Ang mga sibil daw ang sumunog sa bahay ng binata. May isang utusang babae naman ang nagpahayag na nakita niyang nakabitin sa ilalim ng puno ng santol si Lucas.

Noli Me Tangere: Buod ng Kabanata 55 - Ang Pagkakagulo

Noli Me Tangere
Buod ng
Kabanata 55 - Ang Pagkakagulo

Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala siyang ganang kumain. Kaya niyaya niya ang kaibigan ni Sinangsa piyano. Nagbulungan silang dalawa habang palakad lakad si Pari Salvi sa loob ng bulwagan. Hindi mapakali si si Maria sa paghihintay nilang magkaibigan ang pagdating ni Ibarra. Kasalukuyan kumakain noon ang argos na si :Linares at isinadasal nilang umalais na ang "multong" si Pari Salvi. Nakatakdang dumating sa ikawalo ng gabi si Ibarra. Ika-walo rin ng gabi ang nakatakdang paglusob sa kumbento at sa kwartel. Nang sumapit ang ikawalo, napaupo sa isang sulok ang pari samantalang ang magkaibigan ay hindi malaman ang gagawin. Nang tumugtog ang kampana, silang lahat ay tumindig upang magdasal. Sya namang pagpasok ni Ibarra na luksang luksa ang suot. Tinangkang lapitan ni Maria ang kasintahan ngunit biglang umalingawngaw na lamang ang sunod sunod na putok. Napapatda si Ibara, hindi makapagsalita. Ang Kura naman ay nagtago sa likod ng haligi. Ang mga tao sa bahay ni Kapitan Tiyago ay nakakarinig ng puro putokan, sigawan at pinagbuhan sa may kumbento. At mga nagsisikain na kumedor ay biglang pumasok at panay na ‘tulisan…tulisan…Si Tiya Isabal ay panay ang dasal samantalang ang magkaibigan ang nagyakapan. Si Ibarra ay walang tinag sa kinatatayuan. Nagpatuloy ang putukan atsilbatuhan kasabay ng pagsasara ng mga pintuan at bintana ng biglaan.

Nang mawala ang putukan, pinapanaog ng alperes ang kura. Inakala ng mga nasa bahay na nasugatan ng malubha sa pari Salvi. Tiniyak ng alperes na wala ng panganib kaya lumabas na sa pinagtataguan ang kura, nanaog ito. Si Ibara ay nanaog din. Pinasok naman ni Tiya Isabel ang magkaibigan sa silid. Hindi nagkausap si Ibarra at Maria, basta nagpatuloy nalamang sa paglakad ng binata, mabilis. Napadaan siya sa hanay ng mga sibil na naka bayoneta pa. Sa may bandang tribunal, nangingibabaw ang tinig ng alperes sa pagtatagubilin sa kapitan na wag niyang pabayaan makatakas ang mga nahuling lumusob.

Pagdating ni Ibarra sa bahay, kaagad na inutusan ni Ibarra ang kanyang katulong na ihanda ang kanyang kabayo. Tumuloy siya sa gabinete at isinilid nya ang kanyang maleta ang mga hiyas, salapi, ilang mga kasukatan at larawan ni Maria. Nagsukbit siya ng isang balaraw at dalawang rebolber. Ngunit aalis na lamang siya nakarinig sya ng malaks na pagputok sa pintuan. Tinig ng isang kawal na kastila. Lalaban sana siya ngunit nagbago ang kanyang isip. Binitawan niya ang kanyang baril at binuksan ang pinto. Dinakit siya ng Sarhento ng mga dumating na kawal. Isinama.

Sa kabilang dako, gulong gulo ang isip ni Elias ng pumasok siya sa bahay ni Ibarra. Para siyang sinusurot sa sariling budhi. Naalalala niya ang sinapit ng kanyang angkan, ang kanyang nuno, si Balat, kapatid na babae at ang kanyang ama. Waring ang lahat ay tinatawag siyang duwag… isang duwag. Labis na pangingipospos ang kanyang damdmin. Hanggang sa maisip niyang balikan ang bahay ni Ibarra. Dinatnan niya ang mga katulong ni Ibarra na hilong naghihintay sa kanilang amo. Nang malaman niya ang nangyari kay Ibarra, nagkunwari itong umalis. Pero lumigid lamang saka umakyat sa bintana na patungo sa gabinete. Nakita niya ang mga kasulatan, mga aklat, alahas at baril. Dinampot niya ang baril at ang iba naman ay isinilid niya sa sako at inihulog sa bintana. Nakita niyang dumating ang mga sibil. Kinuha ni Elias ang larawan ni Maria at isinilid ito sa isang supot. Nagipon siya ng mga damit at papel, Binuhusan niya ito nga mga gas at saka sinilaban.


Ang mga kawal ay nagpupumilit namang pumasok. Sinabihan sila ng matandang katulong ng walang pahintolot sa may-ari, kaya hindi maa-ari silang pumasok. Naalaska ng husto ang directocillo, sa isang hudyat niya tinabig ng kawal ang matanda at mabilis silang pumanik. Pero sinalubong sila ng makapal na usok at ang apoy na nakarating na sa gabinete. Biglang nagkaroon ng bmalalakas na pagsabog. Mabilis pa sa lintik na umatras at nanaog ng bahay ang mga kawal kasama ang mga katulong ni Ibarra.

Noli Me Tangere: Buod ng Kabanata 54 - Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng Parusa

Noli Me Tangere
Buod ng
Kabanata 54 - Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng Parusa

Orasyon. Pahangos na patungo ang kura sa bahay ng alperes. Ang mga taong gustong humalik sa kanyang kamay ay hindi niya pinapansin. Tuloy-tuloy na pumanhik ito ng bahay at malakas na tinwag ang alperes. Lumabas agad ang alperes kasunod ang asawang si Donya Consolacion. Bago makapag salita ang kura, inireklamo agad ng alperes ang mga kambing ng kura na naninira sa kanyang bakod. Sinabi naman ng pari na nanganganib ang buhay ng lahat. Katunayan, anya ay mayroong napipintong pag-aalsa na gagawin nang gabing iyon. Nalaman ito ng pari, anya sa pamamagitan ng isang babae na nangumpisal sa kanya na nagsabi sa kanya na sasalakayin ang kuwartel at kumbento. Dahil dito nagkasundo ang kura at alperes na paghandaan nila ang gagawing paglusob ng mga insurektos. Humingi ang kura ng apat na sibil na nakapaisana ang itatalaga sa kumbento. Sa kuwartel naman ay palihim ang pagkilos ng mga kawal upang mahuli nang mga buhay ang mga lulusob. Layunin nito na kanilang mapakanta ang sinumang mahuhuling buhay. Ika-walo ng gabi ang nakatakdang paglusob, kuna kaya nakini-kinita ng alperes at kura ang pag-ulan ng kurus at bituin sapagkat ganap silang nakahanda.

Sa kabilang dako, isa naman lalaki ang mabilis na tumatakbo sa daan patungo sa tirahan ni Ibarra. Mabilis na umakyat ng bahay at hinanap sa nakitang utusan ang amo nito na kaagad naman itinuro na ito ay nasa laboratoryo. Pagkakita ni Elias kay Ibarra ipinagtapat niya kaagad ang nakatakdang paglusob at batay sa kanyang natuklasan. Si Ibarra ang kapural at nagbayad sa mga kalahok sa paglusob. Ipinasunog ni Elias kay Ibarra ang lahat ng mga aklat at kasulatan nito sapagkat di na maiiwasan na siya ay mapasangkot at tiyak na siya ang isisigaw ng sinumang mahuhuli ng mga sibil.


Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa mga kasulatan, nabasa niya ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at tinanong niya kay Ibarra kung ano ang relasyon nito sa kanya. Halos nayanig ang buong pagkatao ni Elias nang sabihin ni Ibarra na iyon ang kanyang nuno na ipinaikli lamang ang apilyido. Isa pa, ito ay isang Baskongado. Natagpuan na ng piloto ang lahing lumikha ng matinding kasawian sa kanilang buhay. Biglang bumunot ng balaraw si Elias at naisip niyang gamitin iyon kay Ibarra. Ngunit, saglit lang ang pagkadimlan ng kaisipan ng biglang siyang matauhan. Binitiwan niya ang hawak na balaraw at tulirong tumingin ng tuwid kay Ibarra at saka mabilis na pumanaog ng bahay. Nagtaka si Ibarra. Itinuloy ang pagsunog sa mga mahahaagang papeles at dokumento.

Noli Me Tangere: Buod ng Kabanata 53 - Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga

Noli Me Tangere
Buod ng
Kabanata 53 - Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga
Kinabukasan ng umaga, kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw na nakita sa libingan ng nakaraang gabi. Sa paniniwala ng mga puno ng mga kapatiranh ni San Francisco, may 20 ang nakita niyang kandila na sinindihan. Panaghoy at pahikbi naman ang narinig ni Ermana sipa kahit na malayo ang kanyang bahay sa libinga. Sa pulpito, binigyang diin naman ng kura sa kanyang sermon ang tungkol sa kaluluwa sa purgartoryo.

Ang usapan ay hindi nakaligtas sa matalas na paningin nina Don Filipo at Pilosopong Tasyo na ilang araw na ilang araw ngt naghihina. Nasabi ni Don na tinaggap ng alkade ang kanyang pagbibtiw sa tungkulin. Hindi namn mapakali si Tandang Asyo sapagkat naniniwala siyang ang pagbibitiw ay hindi nararpat at napapanahon. Sa panahon ng digmaan, anya, ang puno ay dapat na manatili sa kanyang tao. Sa pagiisip ni Pilosopong Tasyo. Ayon sa kanya, nag iba ang bayan na di na katulad noon na may 20 na taon na ang nakalipas. Ang nakaraan ay nagbigay ng aralin. Namamalas na nag naging bunga ng pagdayo sa Pilipinas ng mga Europeo at ang pagdayo naman ng mga kabataan sa Europa ay nadadma na rin .

Ang mga kabataang nakapag aral sa Europa ay nagkaroon ng malawak na kaalaman tungkol sa kaysayan, Matematika, Agham, wika at iba pang uri ng kaalamn na itutring na enerhiya noong una. Kaya na ng tao na pangasiwaan ang malawak na daigdig na kanyang ginagalwan at tinatahanan. Sa panitikan, nagsimula na ring lumitaw ang mga makatang nagpapahayag ng malaya at mga makaagham ng pagsubok. Hindi na rin kayang sawatain ng kumbento ang paglaganap ng mga modernong kabihasnan.


Nagkaroon pa ng palitan ng katwiran ang dalawa tungkol sa bayan, sa relihiyon, sa kahihinatnan ng bayan, ugali ng mga binata at dalaga ang ng mga naglilingkod sa Simbahan hanggang sa tanungin ni Don Filipo si Tandang Tasyo kung hindi nangangailangan ng mga gamot sapagkat napansin nitong hinang-hina na sya. Pero tinugon sya ni Tandang Tasyo na ang mga mamamatay ay hindi na nangangailangan ng gamot at sa halip ang mga maiiwan ang mangangailangan. Ipinakiusap din niya sa Don na sabihin kay Ibarra na makipagkita sa kanya sa loob ng ilang araw sapagkat malapit na siyang yumao. Sa kabila ng karamdaman ni Tandang Tasyo ang kapakanan ng bayan ang kanyang inaalagata. Matibay ang kanyang paniniwala ng ang Pilipinas ay tumatahak parin sa karimlan. Hindi nagluwat, nagpaalam na si Don Filipo.

Noli Me Tangere: Buod ng Kabanata 52 - Ang Baraha ng Patay at ang mga Anino

Noli Me Tangere
Buod ng
Kabanata 52 - Ang Baraha ng Patay at ang mga Anino

Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin pumapaspas sa mga dahong tuyo at alikabok ng makipot ng daang patungo sa libingan. May tatlong anino na paanas na naguusap sa ilalim ng pinto ng libingan. Itinanong ng isa kung nakausap na niya ng kaharap si Elias. Hindi raw pero siguradong kasama ito sapagkat nailigtas na minsan ni Ibarra ang buhay nito. Tumugon ang unang anino na ito nga ay pumayag na sumama sapagkat ipapadala ni Ibarra sa Maynila ang kanyang asawa upang ipagamot. Siya ang sasalakay sa kumbento upang makaganti siya sa kura. Binigyang diin naman ng ikatlong anino na kasama ng lima lulusob sila sa kwartel upang ipakilala sa mga sibil na kanilang ama ay may mga anak na lalaki. Isa pa, sinabi ng alila ni Ibarra na sial ay magigng 20 na katao na. Saglit na huminto sa pagaasanan ang mga anino nang mabanaagan nilang may dumarating na isang anino na namamaybay sa bakod.

Pagdating sa lugar ng tatlo, nagkakilala sila. Ipinaliwanag ng bagong dumating na anino na sinusubaybayan siya kaya’t naghiwa-hiwalay na sila at tinagubilinan ang mga dinatnan ng kinabukasan ng gabi nila tatanggapin ang mga sandata kasabay ng sigaw na "Mabuhay Don Crisostomo"! ang tatlong anino ay nawala sa likod ng pader. Ang bagong dating naman ay naghintay sa sulok ng pintuan.

Nang dumating ang ikalawang anino, namasid ito sa kanyang paligid. Umaambon palibhasa, sumilong ito sa pintuan kaya’t nagkita sila ng unang sumilong. Naisipan nilang magsugal at kung sinuman ang manalo sa kanila ay maiiwan upang makipagsugal sa mga patay. Pumasok sila sa loob nglibingan at sa ibabaw ng punto ay umumpog magkaharap upang magsugal. Ang mataas sa dalawa ay si Elias at ang may pilat sa mukha ay si Lucas. Nagsimula na silang magsugal sapagkat sa isang tao lamang ang nakikipagpagsugal ang mga patay. Natalo si Elias kaya umalis itong hindi kumikibo. Nilamon siya ng kadiliman.


Nang gabing iyonn dalawang sibil ang naglalakad sa tabi ng simbahan. Pinaguusapan nila ang tungkol sa paghuli kay Elias sapagkat sinumang makahuli rito ay hindi mapapalo sa loob ng tatlong buwan. Nakasalubong nila si Lucas at itinanong kung saan ito pupunta. Sa simbahan ani Lucas upang magpamisa. Pinabayaan nila sapagkat ayon sa alperes walang pilat si Elias. Ilang saglit lamamg, si Elias mismo ang nakasalubong ng mga sibil. Dinala siya sa liwanag upang kilalanin. Sinabi ni Elias na hinahabol niya ang lalaking may pilat sapagkat siyang bumugbog sa kanyang kapatid. Ang mga sibil ay patakbong nagtungo sa simbahang pinasukan ni Lucas.

Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 51 - Mga Pagbabago

Noli Me Tangere
Buod ng
Kabanata 51 - Mga Pagbabago

Sakmal ng pagkabalisa at di pag-igmik si Linares sapagkat nakatanggap siya ng liham mula kay Donya Victorina.

Alam ni Linares na hindi nagbibiro ang Donya. Kailangang hamunin niya ang alperes subalit sino naman kaya ang papayag na maging padrino niya, ang kura kaya o si Kapitan Tiyago. Pinagsisisihan niya ang kanyang paghahambog at pagsisinungaling sa paghahangad lamang na makapagsamantala. Labis siyang nagpatianod sa kapritso ng Donya.

Dumating si Pari Salvi at nagmano sa Kapitan Tiyago. Masayang ibinalita niya ang tungkol sa sulat na padala ng arsobispo tungkol sa pagalis ng excommunion kay Ibarra kasabay ng kanyang pagpupuring and binata ay kalugod lugod ngunit may kapusukan ng kauniti. Tanging ang sagabal na lamang sa pagpapatawad ay si Pari Damaso. Pero anya ay hindi makatanggi kung si Maria ang kakausap sapagkat inaama niya ang pari. Narinig ni Maria ang usapan at nagtungo ito sa silid kasama si Victoria.


Sa bahaging iyon ng usapan ng pari at Kapitan Tiyago pumasok si Ibarra na kasama si Tiya Isabael. Binata niya ang kapitan at yumukod naman kay Linares. Si Pari Salvi ay buong lugod na kumamay kay Ibarra at sinabi nitong katatatapos pa lamang niyang papurihan ito. Nagpapasalamat ang binata at lumapit kay sinang upang itanong kung lumapit kay Sinang upang itanong kung galit sa kanya si Maria. Ipinasasabi raw ni Maria ani Sinang na limutin na siya ng binata ngunit sinabi ni Ibarra ng gusto niyang makausap ng sarilinan ang kasintahan. Di nagluwat, umalis na si Ibarra.

Noli Me Tangere: Buod ng Kabanata 50 - Ang mga Kaanak ni Elias

Noli Me Tangere
Buod ng
Kabanata 50 - Ang mga Kaanak ni Elias
Isinalaysay ni Elias ang kanyang kasaysayan kay Ibarra upang malaman nito na siya ay kabilang din sa mga swimpalad.May 60 taon na ang nakakalipas, ang kanyang nuno ay isang tenedor de libros sa isang bahay- kalakal ng kastila.Kasama ng kanyang asawa at isang anak na lalaki, ito ay nanirahan sa Maynila.Isang gabi nasunog ang isang tanggapang pinaglilingkuran niya. Isinakdal ang kanyang nuno sa salang panununog. Palibhasay maralita at walang kayang ibayad sa abogado, siya ay nahatulan. Ito ay ipinaseo sa lansangan na nakagapos sa kabayo at pinapalo sa bawat panulukan ng daan. Buntis noon ang asawa, nagtangka pa ring humanap ng pagkakakitaan kahit na sa masamang paraan para sa anak at asawang may sakit. Nang gumaling ang sugat ng kanyang nuno, silang mag-anak ay namundok na lamang. Nanganak ang babae, ngunit hindi nagtagal namatay ito. Hindi nakayanan ng kanyang nuno ang sapin-saping pagdurusang kanilang natanggap. Nagbigti ito. Hindi ito naipalibing ng babae. Nangamoy ang bangkay at nalaman ng mga awtoridad ang pagkamatay ng asawa.Nahatulan din siyang paluin.Pero, ito ay hindi itinuloy at ipinagpaliban sapagkat dalawang buwan siyang buntis nuon. Gayunman, pagkasilang niya, ginawa ang hatol.

Nagawang tumakas ng babae mula sa malupit na kamay ng batas, lumipat sila sa kalapit na lalawigan. Sa paglaki ng anak na panganay, ito ay naging tulisan. Gumawa siya ng panununog at pagpatay upang maipaghiganti nila ang kaapihang natamo. Nakilalasiya sa tawag na balat. Ang lahat ay natakot sa kanyang pangalan. Ang ina ay nakilala naman sa tawag na haliparot,delingkuwente at napalo at ang bunso dahil sa mabait at tinawag na lamang anak ng ina.

Isang umaga, nakagisnan na lamang ng anak ang ina na patay na. Ito ay nakabulagta ssa ilalim ng isang puno at ang isang ulo ay nakatingala sa isang bakol na nakasabit sa puno. Ang kanyang katawan ay ibinaon samantalang ang mga paa,kamay ay ikinalat. Ang ulo naman ay siyang dinala sa kanyang ina. Walang nalalabing paraan sa nakakabata dahil sa kalunos-lunos na pangyayaring ito kundi ang tumakas. Siya ay ipinadpad ng kapalaran sa Tayabas at namasukang obrero sa isang mayamang angkan. Madali naman siyang nakagiliwan sapagkat nagtataglay nga ito ng magandang ugali.

Siya ay masikap at ng nagkaroon ng puhunan, napaunlad niya ang kanyang kabuhayan hanggang sa makakilala siya ng isang dalagang taga-bayan na kanyang inibig ng tapat. Gayunman sinasagilahan siya ng matinding pangamba na mamanhikan. Nangangambasiyang matuklasan ang tunay niyang pagkatao. Mahal palibhasa ang babae, minsan ay nailugso nito ang puri at desidido siyang panindigan ang nagawa. Ngunit, dahil sa mayaman ang ama ng babae at wala siyang kayang ipagtanggol ang sarili. Siya ay nakulong sa halip na makasal siya sa babae.
Bagamat hindi nagsama ang magkasuyo, ang kanilang pagtatampisaw sa dulot ng pag-ibig ay nagkaroon ng bunga. Ang babae ay nanganak ng kambal, isang babae at isang lalaki. Ang lalaki ay si Elias. Bata pa sila ay iminulat sa kanilang patay na ang kanilang ama. Naniniwala naman sila sapagkat musmos pa lamang ay namatay ang kanilang ina. Nang magkaroon ng sapat na isip, palibhasa’y may kaya ang nuno si Elias ay nag-aral sa mga Heswitas samantalang ang kapatid na babae ay sa Concordia. Nagmamahalan silang magkapatid at ang pag-igkas ng panahon ay hindi nila namamalayan. Namatay ang kanilang nuno kaya’t umuwi silang magkapatid upang asikasuhin ang kanilang kabuhayan.

Maganda ang kanilang hinaharap, ang kanyang kapatid na babae ay nakatakdang ikasal sa binatang nagmamahyal sa kanya, ngunit ang kanilang kahapon ang nagwasak sa kanilang kinabukasan. Dahil sa kanyang salapi at ugaling mapag-mataas, isang malayong kamag-anak ang nagpamukha sa kanilang kahapong nagdaan. At ito ay pinatunayan ng isang matandang utusan nila. Iyon pala ang kanilang ama. Namatay na naghihinagpis ang kanilang ama dahil sa pag-aakalang siya ang naging dahilan ng kasawian nilang magkapatid. Pero, bago ito namatay naipagtapat niyang lahat ang kahapon ng magkakapatid.

Lalong binayo ng matinding kalungkutan ang kapatid ni Elias nang mabalitaan niyang ikinasal sa iba ang kanyang kasintahan. Isang araw nawala na lamang ito’t sukat.Lumipas ang anim na buwan nabalitaan na lamang ni Elias na mayroong isang bangkay ng babaing natagpuan sa baybayuin ng Calamba na may tarak sa dibdib. Ito ang kanyang kapatid. Dahil dito siya ay nagpagala-gala sa iba’t-ibang lalawigan bunga ng iba’t-ibang pagbibintang tungkol sa kanya na hindi naman niya ginagawa. Dito natapos ang salaysay ni Elias.


Nagpalitan pa ng iba’t-ibang pananaw ang dalawa hanggang sa sabihin ni Ibarra kay Elias na sabihin niya sa mga sumugo sa kanya na siya (Ibarra) ay taus-pusong nakikiisa sa kanilang mga damdaming. Lamang, wala siyang magagawa kundi ang maghintay pa sapagkat ang sama ay di-nagagamot ng kapwa sama rin. Dagdag pa rito, sa kasawian ng tao siya man ay matroong kasalanan din. Nang makarating na sila sa baybayin, nagpaalam na si Ibarra at sinabi kay Elias na siya ay limutin na at huwag babatiin sa anumang kalagayang siya ay makita nito. Nagtuloy si Elias sa kuta ni Kapitan Pablo at sinabi sa kapitan na siya kung di rin lamang mamamatay ay tutupad sa kanyang pangako na aanib sa kanila sa sandaling ipasiya ng pinuno na dumating na ang oras ng pakikibaka sa mga Kastila.

Noli Me Tangere: Buod ng Kabanata 49 - Ang Tinig ng mga Pinag-uusig

Noli Me Tangere
Buod ng
Kabanata 49 - Ang Tinig ng mga Pinag-uusig
Nang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito ay hindi nasisiyahan. Kaya, kaagad na humingi ng paumanhin si Elias sa pagkagambala niya sa binata. Sinabi ni Ibarra ang dahilan, nakasalubong niya ang alperes at gusto nitong muli na magkausap. Dahil nag-aalala siyang makita si Elias, nagdahilan na lamang siya. Nanghinayang naman ang binata ng sabihin ni Elias na di siya matatandaan ng alperes. Saglit na napabuntonghininga si Ibarra sapagkat biglang pumasok sa kanyang isip ang kanyang pangako kay Maria.

Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elias sinabi niya kaagad kay Ibarra na siya ang sugo ng mga sawimpalad. Ipinaliwanag niya ang napagkasunduan ng puno ng mga tulisan (Si Kapitan Pablo) na hindi na binanggit pa ang mga pag-aalinlangan at pagbabala. Ang kahilingan ng mga sawimpalad, ani Elias ay (1) humingi sila ng makaamang pagtangkilik sa gobyerno na katulad ng mga ganap na pagbabago sa mga kawal na sandatahan, sa mga prayle, sa paglalapat ng katarungan at sa iba pang pangangasiwa ng gobyerno (2) pagkakaloob ng kaunting karangalan sa pagkatao ng mga tao, ang kanilang kapanatagan at bawasan ang lakas at kapangyarihang taglay ng mga sibil na madalas na nagiging puno’t dulo ng paglapastangan sa karapatang pantao.

Tumugon si Ibarra na anumang pagbabago na sa halip na makakabuti ay lalo pang makakasama. Sinabi nitong maaari niyang pakilusin ang kanyang mga kaibigan sa Madrid sa pamamagitan ng salapi at pati na ang Kapitan-Heneral ay kanyang mapapakiusapan, ngunit lahat sila ay walang magagawa. Siya man ay hindi gagawa ng anumang pagkilos ukol sa mga bagay na iyon sapagkat kung may kasiraan man ang korporasyon, ay matatawag naman nilang masasamang kailangan.

Nagtaka si Ibarra, hindi niya sukat akalaing ang isang tulad ni Ibarra ay naniniwala satinatawag na masamang kailangan na para bang nais palabasin nito na kailangang gumawa muna ng masama upang makapagdulot ng mabuti. Naniniwala siya na kapag ang sakit ay malala, kailangang gamutin ng isang mahapding panlunas. Ang sakit ng bayan ay malubha kaya’t kailangan ang kaparaanang marahas kung ito ay makakabuti. Ang isang mabuting manggagamot, anya ay sinususri ang pinagmulan ng sakit at hindi ang mga at hindi ang mga palatandaan nito na sinisikap na bigyan ng lunas. Katulad ng mga sibil na sa pagnanais daw na masugpo ang kasamaan, ito’y iniinis sa pananakot, paggawa ng marahas at walang habas na paggamit ng lakas. At kapag pinahina ang guwardiya sibil ay malalagay naman sa panganib ang katahimikan ng bayan. Paano raw magkakagayon gayong 15 taon nang may mga sibil, ngunit ang mga tulisan ay patuloy pa rin sa pandarambong. Ang mga sibil ay walang naidudulot na kabutihan sa bayan sapagkat kanilang pinipigil at pinahihirapan ang isang tao kahit na marangal dahil lamang sa nakalimutan ang cedula personal, at kapag kailangang malinis ang kanilang mga kuwartel, ay manghuhuli sila ng mga kaawa-awang mamamayan na walang lakas na tumutol.

Napag-usapan pa nila na bago itatag ang guardia civil nanunulisan ang mga tao dahil sa matinding pagkagutom. Binigyang diin naman ni Elias na ang mga sawimpalad na hinihingi ng bayan ang pagbabago sa mga palakad ng mga prayle at ng isang pagtangkilik laban sa korporasyon. Pero, sinabi naman ni Ibarra na may utang na loob na dapat tanawin ng bayan sa mga paring pinagkakautangan ng pananalig at patangkilik noon laban sa mga pandarahas ng mga may-kapangyarihan.


Lumitaw sa pagpapalitan ng kuro-kuro ng dalawa na kapwa nila mahal ang bayan. Pero, hindi napahinuhod ni Elias si Ibarra tungkol sa pakiusap ng mga sawimpalad. Kaya, ipinahayag niya kay Ibarra na sasabihin na lamang daw niya sa mga ito na ilipat na sa Diyos o sa kanilang mga bisig ang pagtitiwala na sa kapwa tao na di magtatamong-pala.

Noli Me Tangere: Buod ng Kabanata 48 - Ang Talinghaga


Buod ng
Kabanata 48 - Ang Talinghaga

Dumating ng araw na iyon si Ibarra at masayang dinalaw si Maria Clara at Kapitan Tyago. Sinabi nito sa huli na tinanggal na ang kanyang pagiging excomulgado, at ipinabasa ang sulat kay Tiya Isabel. Tuwang tuwa naman ang tiyahin sapagkat magiliw siya kay Ibarra. Nabigla naman ang binata ng siya ay mapunta sa balkon. Nandoon si Maria Clara at si Linares naman sa gawing paanan nito na nag-aayos ng mga bulaklak. Nagulat si Linares at si Maria Clara naman ay namutla, at sinikap mang tumayo ngunit ito ay hindi pa lubos na magaling. Ipinaalam ni Ibarra ang dahilang ng kanyang pagdalaw. Banaag naman sa mukha ni Maria Clara ang pagkalungkot at dahil dito, ay nagpaalam kaagad si Ibarra. Sinabi ng binata na dadalaw itong muli kinabukasan. Umalis si Ibarra na may kaguluhan ang isip at damdamin. Sa kanyang paglalakad ay napadaan siya sa ipinapagawang paaralan. Ipinaalam niya sa lahat lalo na kay Nol Juan na wala silang dapat ipangamba sapagkat siya ay tanggap na muli ng simbahan. Sinagot naman siya ni Nol Juan na ang pagiging excomulgado ay hindi mahalaga para sa kanila, sapagkat lahat sila ay mga excomulgado rin. Namataan ni Ibarra si Elias na nagkakarga ng bato sa kariton at nabasa nito sa mukha ng huli na may nais siyang ipaalam sa binata. Inutusan ni Ibarra si Nol Juan na ibigay sa kanya ang talaan ng mga obrero. Iminungkahi ni Elias na sila ay mamangka sa lawa upang mapag-usapan ang isang napakahalagang bagay, na sinang-ayunan naman ni Ibarra. Dumating naman si Nol Juan at ibinigay ang listahan, ngunit hindi nakalista doon ang pangalan ni Elias.

Noli Me Tangere: Buod ng Kabanata 47 - Ang Dalawang Senyora

Noli Me Tangere
Buod ng
Kabanata 47 - Ang Dalawang Senyora
Habang mainit ang labanan sa sabungan, ang mag-asawang Donya Victorina at Don Tiburcio ay namamasyal. Ginagawa nilang libangan ang pag-alipusta sa maralitang tahanan ng mga Indio. At lalo pang naasar ang Donya sa hindi pagbibigay galang sa kanila ng mga nakakasalubong. Napadaan ang mag-asawa sa tapat ng bahay ng alperes, na nagkataon naman na naroroon si Donya Consolacion. Ng magtama ang kanilang paningin, sumibangot at dumura ang maybahay nang alperes na malaking ikinayamot ni Donya Victorina. Sinugod nito si Donya Consolacion at nagkaroon ng balitaktakan. Inalipusta ng Donya ang alperes habang ang huli naman ay tinungayaw ang kapansanan at pagpapanggap nang asawa nang Donya. Hindi na rin pinaligstas ni Donya Consolacion ang pagkakataong iyon, dinala ang latigo ng asawa at sinugod si Donya Victorina. Ngunit hindi naman nagpang-abot ang dalawang Donya sapagkat namagitan ang kanilang mga asawa. Nasaksihan ito ng taong-bayan sapagkat ang kanilang away ay sadyang nakakabulahaw. Dumating din ang kura at inawat ang dalawa. Sinagot naman ng alperes ang kura at tinawag itong ‘mapagbanal-banalang Carliston’. Si Victorina naman ay inutusan ang kanyang asawa na hamunin ang alperes ng barilan, na tinanggi naman ng huli. Anupa't dahil dito ay nahablot na naman ang kanyang pustiso. Pamaya-maya ay nakarating sa bahay ni Kapitan Tyago ang mag-asawa. Nadatnan naman nila si Linares na kausap si Maria Clara at mga kaibigan nito. Napagbalingan ng Donya ang binatang si Linares, at inutusan ito na hamunin ang alperes at kung hindi ay sasabihin nito sa lahat ang tunay niyang pagkatao. Hindi naman malaman ni Linares ang kanyang gagawin. Habang humihingi ng paumanhin ang binata sa Donya ay siya namang dumating ang Kapitan. Sinalubong kaagad ito ng Donya at nagdadaldal tungkol sa nangyari. Inipit din nito si Linares sa Kapitan, at sinabing kung hindi ito gagawin ng binata ay marapat lamang na walang kasalang magaganap sapagkat hindi bagay si Maria Clara sa isang duwag. Nagpahatid naman sa silid si Maria Clara dahil sa narinig mula sa Donya. Madilim na ng umalis ang mag-asawang Tiburcio at Donya Victorina, dala ang ilang libong piso na salaping bayad ni Kapitan Tyago sa panggagamot ni Tiburcio kay Maria Clara. Si Linares naman ay hindi matahimik sa gipit nitong sitwasyon

Noli Me Tangere: Buod ng Kabanata 46 -Ang Sabungan


Buod ng
Kabanata 46 -Ang Sabungan

Hindi mawawala ang sabungan sa anumang bayan na nasasakupan ng mga Espanyol. Ang sabungan sa San Diego ay katulad din ng mga sabungan sa ibang mga bayan. Nahahati ito sa tatlong bahagi: ang papasok na pintuan kung saan nakatao ang taga-singil sa bawat isang pumapasok sa sabungan. Ang ulutan na siyang ikalawang bahagi naman naririto ang daanan ng mga tao at dito rin nakahanay ang mga nagtitinda ng samu't-saring paninda. Kalapit ito ng isa pang lugar para sa mga tahur, magtatari at mga karaniwang parokyano ng sabungan. Dito nagaganap ang pustahan, tayaan at bayaran ng mga tao bago magsimula at pagkatapos ng bawat sabong na magaganap. Ang ikatlong bahagi ay ang ruweda, na pinagdarausan ng mga sultada. Ito ang pwesto ng mga may matataas na katungkulan at iba pang tinitingala sa lipunan. Ng araw na iyon, ilan lamang sa naparoon sa sabungan sina Kapitan Tyago, Kapitan Basilio at Lucas. Dala ng tauhan ni Kapitan Tyago ang isang malaki at puting lasak na manok, samantalang kay Kapitan Basilio ay isang bulik na manok. Bago magsimula ang sabong at pustahan ay nagkumustahan muna ang magkaibigan. Pagkatapos ay nagkasundo sa pustahan sa halagang P3000.00. Naging matunog ang ginawang pustahan kayat nakipag-pustahan na rin ang iba pang mga sabungerong naroroon. Lumilitaw naman sa sabong na llamado ang puti at dehado ang pula. Naiinggit naman ang magkapatid na Tarsilo at Bruno sapagkat wala silang salapi upang makipusta. Lumapit sila kay Lucas upang manghiram ng salaping maipansusugal, ngunit nagbigay naman ang huli ng kundisyon. Ang kundisyon ay kung sasama sila sa paglusob sa kwartel, at kung sila ay makapag-aakay pa ng iba ay may mas malaki ang kwartang kanilang makukuha. Ayon din kay Lucas, hindi niya magagalaw ang perang inilaan para doon ni Ibarra kung kaya't ipauuutang lamang iyon kung sila ay papayag sa kasunduan. Noong una ay hindi pumayag ang magkapatid sapagkat kilala nila si Ibarra at kadikit nito ang Kapitan Heneral. Ngunit pagkalipas ng ilang sandali, namataan nila si Pedro na binibigyan ni Lucas ng salapi kung kayat higit silang nanghinayang. Bandang huli ay hindi na rin nakatiis ang magkapatid sa tawag ng sugal. Lalo na at umiinit na ang labanan ng mga oras na iyon: ang bulik ni Kapitan Basilio at ang lasak ni Kapitan Tiyago. Lumapit sila kay Lucas at inihyag ang kanilang pagsang-ayon sa kondisyon. Tinagubilinan sila ng huli na ang mga sandata ay paparating din kinabukasan, ang utos ay kanilang matatanggap sa ikawalo ng gabi nang ikalawang araw. Pagkatapos ng pakikipagkasundo ay naging abala na ang lahat sa labanan.