Noli Me Tangere
Buod ng
Kabanata 47 - Ang Dalawang Senyora
Habang mainit ang labanan sa sabungan, ang mag-asawang
Donya Victorina at Don Tiburcio ay namamasyal. Ginagawa nilang libangan ang
pag-alipusta sa maralitang tahanan ng mga Indio. At lalo pang naasar ang Donya
sa hindi pagbibigay galang sa kanila ng mga nakakasalubong. Napadaan ang
mag-asawa sa tapat ng bahay ng alperes, na nagkataon naman na naroroon si Donya
Consolacion. Ng magtama ang kanilang paningin, sumibangot at dumura ang
maybahay nang alperes na malaking ikinayamot ni Donya Victorina. Sinugod nito
si Donya Consolacion at nagkaroon ng balitaktakan. Inalipusta ng Donya ang
alperes habang ang huli naman ay tinungayaw ang kapansanan at pagpapanggap nang
asawa nang Donya. Hindi na rin pinaligstas ni Donya Consolacion ang
pagkakataong iyon, dinala ang latigo ng asawa at sinugod si Donya Victorina.
Ngunit hindi naman nagpang-abot ang dalawang Donya sapagkat namagitan ang
kanilang mga asawa. Nasaksihan ito ng taong-bayan sapagkat ang kanilang away ay
sadyang nakakabulahaw. Dumating din ang kura at inawat ang dalawa. Sinagot
naman ng alperes ang kura at tinawag itong ‘mapagbanal-banalang Carliston’. Si
Victorina naman ay inutusan ang kanyang asawa na hamunin ang alperes ng
barilan, na tinanggi naman ng huli. Anupa't dahil dito ay nahablot na naman ang
kanyang pustiso. Pamaya-maya ay nakarating sa bahay ni Kapitan Tyago ang
mag-asawa. Nadatnan naman nila si Linares na kausap si Maria Clara at mga
kaibigan nito. Napagbalingan ng Donya ang binatang si Linares, at inutusan ito
na hamunin ang alperes at kung hindi ay sasabihin nito sa lahat ang tunay
niyang pagkatao. Hindi naman malaman ni Linares ang kanyang gagawin. Habang
humihingi ng paumanhin ang binata sa Donya ay siya namang dumating ang Kapitan.
Sinalubong kaagad ito ng Donya at nagdadaldal tungkol sa nangyari. Inipit din
nito si Linares sa Kapitan, at sinabing kung hindi ito gagawin ng binata ay
marapat lamang na walang kasalang magaganap sapagkat hindi bagay si Maria Clara
sa isang duwag. Nagpahatid naman sa silid si Maria Clara dahil sa narinig mula
sa Donya. Madilim na ng umalis ang mag-asawang Tiburcio at Donya Victorina,
dala ang ilang libong piso na salaping bayad ni Kapitan Tyago sa panggagamot ni
Tiburcio kay Maria Clara. Si Linares naman ay hindi matahimik sa gipit nitong
sitwasyon
No comments:
Post a Comment