Noli Me Tangere
Buod ng
Kabanata 52 - Ang Baraha ng Patay at ang mga Anino
Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin pumapaspas sa
mga dahong tuyo at alikabok ng makipot ng daang patungo sa libingan. May
tatlong anino na paanas na naguusap sa ilalim ng pinto ng libingan. Itinanong
ng isa kung nakausap na niya ng kaharap si Elias. Hindi raw pero siguradong
kasama ito sapagkat nailigtas na minsan ni Ibarra ang buhay nito. Tumugon ang
unang anino na ito nga ay pumayag na sumama sapagkat ipapadala ni Ibarra sa
Maynila ang kanyang asawa upang ipagamot. Siya ang sasalakay sa kumbento upang
makaganti siya sa kura. Binigyang diin naman ng ikatlong anino na kasama ng
lima lulusob sila sa kwartel upang ipakilala sa mga sibil na kanilang ama ay
may mga anak na lalaki. Isa pa, sinabi ng alila ni Ibarra na sial ay magigng 20
na katao na. Saglit na huminto sa pagaasanan ang mga anino nang mabanaagan
nilang may dumarating na isang anino na namamaybay sa bakod.
Pagdating sa lugar ng tatlo, nagkakilala sila. Ipinaliwanag
ng bagong dumating na anino na sinusubaybayan siya kaya’t naghiwa-hiwalay na
sila at tinagubilinan ang mga dinatnan ng kinabukasan ng gabi nila tatanggapin
ang mga sandata kasabay ng sigaw na "Mabuhay Don Crisostomo"! ang
tatlong anino ay nawala sa likod ng pader. Ang bagong dating naman ay naghintay
sa sulok ng pintuan.
Nang dumating ang ikalawang anino, namasid ito sa kanyang
paligid. Umaambon palibhasa, sumilong ito sa pintuan kaya’t nagkita sila ng
unang sumilong. Naisipan nilang magsugal at kung sinuman ang manalo sa kanila
ay maiiwan upang makipagsugal sa mga patay. Pumasok sila sa loob nglibingan at
sa ibabaw ng punto ay umumpog magkaharap upang magsugal. Ang mataas sa dalawa
ay si Elias at ang may pilat sa mukha ay si Lucas. Nagsimula na silang magsugal
sapagkat sa isang tao lamang ang nakikipagpagsugal ang mga patay. Natalo si
Elias kaya umalis itong hindi kumikibo. Nilamon siya ng kadiliman.
Nang gabing iyonn dalawang sibil ang naglalakad sa tabi ng
simbahan. Pinaguusapan nila ang tungkol sa paghuli kay Elias sapagkat sinumang
makahuli rito ay hindi mapapalo sa loob ng tatlong buwan. Nakasalubong nila si
Lucas at itinanong kung saan ito pupunta. Sa simbahan ani Lucas upang
magpamisa. Pinabayaan nila sapagkat ayon sa alperes walang pilat si Elias.
Ilang saglit lamamg, si Elias mismo ang nakasalubong ng mga sibil. Dinala siya
sa liwanag upang kilalanin. Sinabi ni Elias na hinahabol niya ang lalaking may
pilat sapagkat siyang bumugbog sa kanyang kapatid. Ang mga sibil ay patakbong
nagtungo sa simbahang pinasukan ni Lucas.
No comments:
Post a Comment