Noli Me Tangere
Buod ng
Kabanata 59 - Pag-ibig sa Bayan
Ang ginawang pagluson ng mga naapi o sawimpalad ay
nakarating at napalathala sa mga diyaryo sa Maynila. Iba rin ang balitang
nagmula sa kumbento. Iab-iba ang estilo ng mga balitang lumaganap. At ang
pang-unawa sa mga ito ay batay sa talas ng isip, kuro-kuro, damdamin at
paniniwala. Ang mga tauhan ng kumbento ay higit na naliligalig. Ang mga
provincial ay palihim na nagdadalawan at gumagawa ng mga pagpapanayam hinggil
sa nangyari. Ang ilan naman ay nagpunta sa palasyo at naghahandog ng tulong sa
pamahalaang nasa panganib. Nabanggit pa nga na na maging ang munting heneral o
generalillo daw MAG-AGUERO ay napagkuro ang kahalagahan ng korporasyon.
Samantala, ipinagbubunyi naman si Pari Salvi at sinabing ito ay karapat-dapat
na bigyan ng isang mitra.
Sa ibang kumbento naman ay iba ang pinag-uusapan. Ang mga
nag-aaral daw sa mga heswita sa Ateneo ay lumalabas na nagiging pilibustero. Sa
isang bahay naman sa Tundo, hindi mapakali si Kapitan Tinong dahil minsan ito
ay nagpakita ito ng kagandahang loob kay Ibarra. Kaya panay ang sisi sa kanya
ng asawang si kapitana Tinchang. Ang kanilang dalawang anak na dalaga ay sa
isang tabi lamang at di umiimik. Nasabi pa ni Tinchang na kung siya ay naging
lalaki lamang, disin sana ay haharap siya sa Kapitan-Heneral at ihahandog nito
ang kanyang paglilingkod laban sa mga manghihimagsik.
Malapit ng mabanas ng husto si Tinong sa kakulitan ng asawa
nang dumating ang kanilang pinsan si Don Primitivo. Ito ay isng lalaking may
edad at mahilig magsasalita ng Latin. Siya ay ipinasundo ni Tinchang upang
hingan ng payo sapagkat marunong itong mangatwiran. Kaagad na nag-umpisa ng
pagsasalita si Tinchang pagkakita sa pinsa. Ayon sa kanya, pinakain ni Tinong
si Ibarra sa kanilang bahay at niyukuran pa niya ito nang makita sa may tulay
ng Espanya sa gitna ng maraming tao at sinabing sila magkaibigan.
Sinabi ni Don Primitivo na dapat napakilala si Tinong kay
Ibarra pagkat ang mga mabubuti raw ay napaparusahan dahil sa mga masasama.
Kaya’t walang ibang nalalabing paraan kundi ang gumawa ng huling habilin si
Tinong. Nawalan ng malay ng di oras si Tinong dahil sa payo. Nang bumalik ang
kanyang ulirat, dalawang payo ang ibinigay ni Don Primitivo: (1) magbigay sila
ng regalo sa heneral ng kahit anong alahas at idahilan na ito ay pamasko at (2)
sunuging lahat ng mga kasilulatan na maaaring makapagpahamak kay Tinong, na
katulad ng ginawang pagsunong ni Ibarra sa kanyang mga kasulatan.
Boto silang lahat sa payo.
Sa kabilang dako sa isang pagtitipon sa Intramuros na
dinaluhan ng mga dalaga, mga asawa at mga anak ng kawani ang tema ng kanilang pag-uusap
ay ang tungkol din sa naganap na pag-aalsa. Ayon sa isang lalaking komang galit
na galit daw ang heneral kay Ibarra sapagkat naging napakabuti pa nito sa
binata. Sinabi naman ng isang ginang na talagang walang utang na loob ang mga
indiyo kaya’t di dapat silang ituring na mga tunay na tao. Kahit na araw ang
itatayong paaralan ay isang pakana lamang sapagkat ang tunay na layunin ni
Ibarra ay gawin lamang itong kuta na gagamitin niya sa kanyang pansariling
pangangailangan. Sumabad naman ang isa pang babae at ipinaliwanag na is
Tinchang daw ay nagregalo ng isang singsing na puno ng brilyante sa heneral.
Napalingon ang lalaking komang at tiniyak kung totoo ang balita. Nagdahilan ang
pingkok at nanaog na ng bahay.
Ilang oras pa ang nakalipas, ang ilang mag-anak sa Tundo ay
tumanggap ng mga paanyaya ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga kawal. Ang
imbitasyon ay tungkol sa pagtulog ng ilang mayayaman at tanyag na tao sa Fuerza
de Santiago na may bantay pa. Si Kapitan Tinong ay kasama sa mga inimbita.
No comments:
Post a Comment