Noli Me Tangere
Buod ng
Kabanata 64 - Katapusan
Magmula ng pumasok sa kumbento si Maria, nanirahan na si
Padre Damaso sa Maynila. Di nagtagal, siya ay inilipat ng padre provincial sa
isang malayong probinsiya. Kinabukasan, siya ay nakitang bangkay sa kanyang
higaan. Sa pagsusuri ng doktor, sama ng loob o bangungot ang sanhi ng kanyang
ikinamatay.
Sa kabilang dako, si Pari Salvi habang hinihintay niya ang
pagiging obispo ay nanungkulan pansamantala sa kumbento ng Sta. Clarang
pinasukan ni Maria Clara. Kasunod nito ay umalis na rin sa San Diego at
nanirahan na sa Maynila.
Ilang linggo naman bago naging ganap na mongha si Maria, si
Kapitan Tiyago ay dumanas ng sapin-saping paghihirap ng damdamin, nangayayat ng
husto, naging mapag-isip at nawalan ng tiwala sa mga kainuman. Pagkagaling niya
sa kumbento, sinabihan niya si Tiya Isabel na umuwi na ito sa Malabon o sa San
Diego sapagkat gusto na lamang mabuhay mag-isa. Ang lahat ng mga santo at
santang kanyang pinipintakasi at nalimot na niya. Ang kanyang inaatupag ay ang
paglalaro ng liyempo, sabong at paghitit ng marijuana. Madalas tuwing
takip-silim ay makikita siya sa tindahan ng intsik sa Sto. Cristo. Di nagtagal,
napapayaan niya ang kanyang katawan at kabuhayan. Ang kanyang dating marangyang
tahanan ay mayroong nakasulat sa pintuan na: Fumadero Publico de Anfion. Ganap
na siyang nalimot ng mga tao. Wala ni isa mang nakakaalala sa kanya, siya na
isang tanyag at dating iginagalang.
Nagdagdag ng mga kulot sa ulo si Donya Victorina upang
mapagbuti ang pagbabalat-kayo niyang siya’y taga-Andalucia. Siya ngayon ang
nangungutsero. Si Don Tiburcio ay hindi na niya pinakikilos. Nagsasalamin na
ito. Hindi na rin siya natatawag bilang "doktor" para mag-gamot. Wala
na rin siyang ngipin.
Thank you for ypur effprt of making thos book in a shortcut it really helped me in making my homework again thank you
ReplyDelete