Noli Me Tangere
Buod ng
Kabanata 49 - Ang Tinig ng mga Pinag-uusig
Nang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito ay
hindi nasisiyahan. Kaya, kaagad na humingi ng paumanhin si Elias sa
pagkagambala niya sa binata. Sinabi ni Ibarra ang dahilan, nakasalubong niya
ang alperes at gusto nitong muli na magkausap. Dahil nag-aalala siyang makita
si Elias, nagdahilan na lamang siya. Nanghinayang naman ang binata ng sabihin
ni Elias na di siya matatandaan ng alperes. Saglit na napabuntonghininga si
Ibarra sapagkat biglang pumasok sa kanyang isip ang kanyang pangako kay Maria.
Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elias sinabi niya kaagad
kay Ibarra na siya ang sugo ng mga sawimpalad. Ipinaliwanag niya ang
napagkasunduan ng puno ng mga tulisan (Si Kapitan Pablo) na hindi na binanggit
pa ang mga pag-aalinlangan at pagbabala. Ang kahilingan ng mga sawimpalad, ani
Elias ay (1) humingi sila ng makaamang pagtangkilik sa gobyerno na katulad ng
mga ganap na pagbabago sa mga kawal na sandatahan, sa mga prayle, sa paglalapat
ng katarungan at sa iba pang pangangasiwa ng gobyerno (2) pagkakaloob ng
kaunting karangalan sa pagkatao ng mga tao, ang kanilang kapanatagan at bawasan
ang lakas at kapangyarihang taglay ng mga sibil na madalas na nagiging puno’t
dulo ng paglapastangan sa karapatang pantao.
Tumugon si Ibarra na anumang pagbabago na sa halip na
makakabuti ay lalo pang makakasama. Sinabi nitong maaari niyang pakilusin ang
kanyang mga kaibigan sa Madrid sa pamamagitan ng salapi at pati na ang
Kapitan-Heneral ay kanyang mapapakiusapan, ngunit lahat sila ay walang
magagawa. Siya man ay hindi gagawa ng anumang pagkilos ukol sa mga bagay na
iyon sapagkat kung may kasiraan man ang korporasyon, ay matatawag naman nilang
masasamang kailangan.
Nagtaka si Ibarra, hindi niya sukat akalaing ang isang tulad
ni Ibarra ay naniniwala satinatawag na masamang kailangan na para bang nais
palabasin nito na kailangang gumawa muna ng masama upang makapagdulot ng
mabuti. Naniniwala siya na kapag ang sakit ay malala, kailangang gamutin ng
isang mahapding panlunas. Ang sakit ng bayan ay malubha kaya’t kailangan ang
kaparaanang marahas kung ito ay makakabuti. Ang isang mabuting manggagamot,
anya ay sinususri ang pinagmulan ng sakit at hindi ang mga at hindi ang mga
palatandaan nito na sinisikap na bigyan ng lunas. Katulad ng mga sibil na sa
pagnanais daw na masugpo ang kasamaan, ito’y iniinis sa pananakot, paggawa ng
marahas at walang habas na paggamit ng lakas. At kapag pinahina ang guwardiya
sibil ay malalagay naman sa panganib ang katahimikan ng bayan. Paano raw
magkakagayon gayong 15 taon nang may mga sibil, ngunit ang mga tulisan ay
patuloy pa rin sa pandarambong. Ang mga sibil ay walang naidudulot na kabutihan
sa bayan sapagkat kanilang pinipigil at pinahihirapan ang isang tao kahit na
marangal dahil lamang sa nakalimutan ang cedula personal, at kapag kailangang
malinis ang kanilang mga kuwartel, ay manghuhuli sila ng mga kaawa-awang
mamamayan na walang lakas na tumutol.
Napag-usapan pa nila na bago itatag ang guardia civil
nanunulisan ang mga tao dahil sa matinding pagkagutom. Binigyang diin naman ni
Elias na ang mga sawimpalad na hinihingi ng bayan ang pagbabago sa mga palakad
ng mga prayle at ng isang pagtangkilik laban sa korporasyon. Pero, sinabi naman
ni Ibarra na may utang na loob na dapat tanawin ng bayan sa mga paring
pinagkakautangan ng pananalig at patangkilik noon laban sa mga pandarahas ng
mga may-kapangyarihan.
Lumitaw sa pagpapalitan ng kuro-kuro ng dalawa na kapwa nila
mahal ang bayan. Pero, hindi napahinuhod ni Elias si Ibarra tungkol sa pakiusap
ng mga sawimpalad. Kaya, ipinahayag niya kay Ibarra na sasabihin na lamang daw
niya sa mga ito na ilipat na sa Diyos o sa kanilang mga bisig ang pagtitiwala
na sa kapwa tao na di magtatamong-pala.
No comments:
Post a Comment