Noli Me Tangere
Buod ng
Kabanata 58 - Ang Sinumpa
Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo. Sila ay
pabalik-balik sa kumbento, kuwartel at tribunal. Ngunit, hindi sila makapagtamo
ng luna sa kanilang mga inilalakad. Palibhahsa wala silang kilalang malakas at
makakapitan na makakatulong upang palayain ang kanilang kaanak na bilanggo. May
sakit ang kura at ayaw na lumabas ng kanyang silid at ayaw daw itong
makipag-usap kahit kanino. Ang alperes naman ay nagdagdag ng mga bantay upang
kulahatin ang mga babaingh nagsusumamo sa kanaya. Ang kapitan naman ay lalong
nawalan ng silbi.
Nakakapaso ang sikat ng araw, ngunit ang mga babae ay ayaw
umalis. Palakad-lakad umiiyak ang mag-ina ni Don Filipo. Inusal-usal naman ni
Kapitana Tinay ang pangalan ng kanyang anak na si Antonio. Si Kapitana Maria
naman ay pasilip-silip sa rehas upang tignan ang kambal niyang anak. Ang
biyenan ni Andong ay nanduroon din at walang gatol na ipinagsasabio na kaya raw
hinuli si Andong ng mga sibil ay dahil sa bago nitong salawal. Amy isang babae
naman ang halos mangiyak-ngiyak na nagsabing si Ibarra ang may pakana at
kasalanan ng lahat. Ang suro ng paaralan ay kasama-sama rin ng mga tao.
Samantalang si Nol Juan ay nakaluksa na sapagkat ipinalagay niyang wala ng
kaligtasan si Ibarra.
Mag-iikalawa ng hapon ng dumating ang isang kariton na hila
ang isang baka. Tinangka ng mga kaanak ng mga bilanggo na sirain at kalagan ang
mga hayop na humihila sa kariton. Pero, ipinagbawalan sila ni Kapitana Maria at
sinabing kapag ginawan nila iyon, mahihirapan sa paglakad ng kanilang ka-anak
ng bilanggo.
Pamaya-maya, lumabas ang may 20 kawal at pinaligiran ng
kariton. Ang sinunod na ilaban ay mga bilanggo sa pangunguna ni Don Filipo na
nakuha pang batiin ng naka ngiti ang kanyang asawang si Doray ng yakapin ang
asawa, pero hinadlangan siya ng dalawang sibil. Nang makita naman si Antonio ng
inang si Kapitana Tinay binirahan ito ng katakot takot na hagulgol. Si Andong
ay napaiyak din ng makita ang biyenan na may pasari ng kanyang pagkakakulong.
Katulad ng kambal na anak ni Kapitana Maria, and seminaristang si Albano ay
naka gapos na mabuti. Ang huling lumabas ay si Ibarra na walang gapos ngunit
nasa pagitan ng dalawang kawal. Ang namumutlang si Ibarra ay pasuyod na
tinignan ng mga maraming tao at naghahanap ng isang mukhang kaibigan.
Pagkakita kay Ibarra ng mga tao, biglang umugong ang
salitaan na kung sino pa ang may sala ay siya pa itong walang tali. Dahil dito
ay inutusan ni Ibarra na gapusin siya ng mga kawal ng abot-siko. Kahit na
walang utos ang kanilang mga pinuno ang mga sibil sumunod sin sila sa utos ng
binata. Ang alperes ay lumabas na naka-kabayo at batbat ng sandata ang katawan.
Kasunod ay may 15 ng kawal na umaalalay sa kanya.
Sa kalipunan ng mga bilanggo, tanging kay Ibarra lamang na
walang tumatawag sa kanyang pangalan sa halip siya ang binubuntunan ng sis at
tinwag na siyang duwag. Pati ang kanyang mga nuno at magulang ay isinumpa ng
mga tao hanggang siya ay tinawag ng erehe ng dapat mabitay. Kasunod nito ay
pinagbabato si Ibarra. Naalala niya ang kwento ni Elias tungkol sa babaeng
nakakita ng ulong nasa bakol at nakabitin sa punongkahoy. Ang kasay sayan ng
piloto ay parang biglang naglaro sa kanyang pangitain.
Waring walang ibig dumamay kay Ibarra. Pati si Sinang ay
pinagbawalan umiyak ni Kapitan Basilio. Kahit na nasa gipit at abang kalagayan
ang binata. Walang naawa sa kanya. Doon nya nadama ng husto ang mawalan ng
inang bayan, pag-ibig, tahanan kaibigan at magandang kinabuhasan.
Mula sa isang mataas na lugar, maamang nagmamasid si
Pilosopong Tasyo na pagod na pagod at naka balabal ng makapal na kumot. Sundan
nya ng tingin a ng papalaong kariton na sinakyan ng bilanggo. Ilang sandali pa
ipinasiya na niyang umuwi. Kinabukasan, nagisnan ng isang pastol patay na si
Tasyo sa may ointuan ng kanyang bahay.
No comments:
Post a Comment