Friday, July 5, 2013

Last Farewell - Dr. Jose Rizal


Ang Mi último adiós o Huling Paalam ay isang tulang likha ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal. Isinalin ang orihinal na nasusulat sa wikang Kastila sa mga pangunahing wika ng daigdig tulad ng Ingles, Pranses, Aleman, Italyano, Nippongo, Malayo, at marami pang iba. Gayon din, naisalin din ito sa iba’t ibang wikain sa Pilipinas, tulad ng Tagalog, Ilokano, Kapampangan, Pangasinan, Bikol, Sugbuanon, Hiligaynon, at iba pa.


Kasaysayan ng Tula
Hindi matiyak kung kailan isinulat ni Jose Rizal ang kahuli-hulihan ang tulang ito. Ayon sa tradisyunal na paniniwala, sinasabing isinulat ito ni Rizal ng gabi ng bisperas ng pagbaril sa kanya, Disyembre 29, 1896. Ngunit ayon sa mga tala, si Rizal ay maraming ginawa noong mga huling araw ng kanyang buhay. Marami siyang tinanggap na bisita: ang kanyang mga kapatid, ang asawang si Josephine Bracken at ang mga prayleng humihimok sa kanya na isagawa ang pagbawi o retraksyon. Sinasabi pang ibinigay niya ito sa kapatid niyang si Trinidad na dumalaw sa kanya noong hapon ng Disyembre 29. Samakatuwid ay hindi niya isinulat ang tula kinagabihan ng bisperas at mismo noong araw ng kanyang pagbaril.
Hindi pinangalanan ni Rizal ang tula. Bunga ito ng kaliitan ng papel na kanyang pinagsulatan na may sukat lamang na 15-1/2 sentimetro at 9-1/2 sentimetro ayon kay Mauro Garcia. Nawalan ng sapat na espasyo ang papel kaya't ito'y hindi na nalapatan pa ng pamagat bukod sa kailangan talagang liitan ni Rizal ang pagsusulat niya sa tulang may 14 na saknong na nasusulat sa wikang Kastila.
Si Mariano Ponce ang kauna-unahang naglagay ng pamagat sa tula na tinawag na "Mi Ultimo Pensamiento" nang iyo'y kanyang ilathala sa Hong Kong noong Enero 1897. Sa tulong ni Jose Maria Basa ay ipinakalat ni Ponce ang tula at ipinamigay sa mga kababayan at kakilala ang mga sipi nito.
Si Padre Mariano Dacanay ang naglapat ng Mi último adiós bilang pamagat ng nasabing tula noong ito'y kanyang matanggap at mabasa habang siya'y nakakulong sa Bilibid, Maynila. Ang kanyang ginawang paglalapat ay inilathala sa pahayagang "La Independencia" noong Setyembre 1898.
Ang orihinal na sipi ng tula na ibinigay ni Rizal sa kapatid niyang si Trinidad ay napapunta naman kay Josephine Bracken. Dinala ni Josephine ang tula ng magpunta siya sa Hong Kong. Nang mamatay si Josephine ay nawala ang orihinal na kopya. Ito'y hinanap ng Pamahalaan ng Pilipinas at natagpuan sa isang taong tagaroon na humingi ng kaukulang bayad (1000 piso) upang ibigay niya ito sa pamahalaan. Nagbayad nga ang pamahalaan at ito ay naibalik sa Pilipinas.
Naisalin ang tula sa kauna-unahang pagkakataon sa Kapampangan ni Monico Mercado noong Enero 1897 at ang sa Tagalog naman ay si Andres Bonifacio. Ilan naman sa mga tanyag na salin ng tulang ito sa wikang Tagalog ay isinagawa nina Pascual H. Poblete at Julian Balmaceda. Sa mga dayuhang wika naman, una itong nasalin sa Aleman samantalang may mahigit na 25 salin ang tulang ito sa Ingles.
Noong taong 1899, habang nagaganap ang Digmaang Pilipino-Amerikano ay pinag-uusapan sa Kongreso ng Amerika kung makatwiran bang sakupin ang Pilipinas. May nagpanukalang dapat upang mabigyan ng edukasyon ang mga "barbarong" Pilipino. May isang kinatawan ang tumutol at binasa ang Huling Paalam ni Jose Rizal (salin sa wikang Ingles ni Charles Derbyshire na pinamagatang "My Last Farewell") upang patunayang hindi barbaro ang mga Pilipino (dahil sa galing ng pagkakasulat ng tula) at lalong hindi dapat sakupin ang Pilipinas.


HULING PAALAM
ni Dr. Jose P. Rizal

This is a Tagalog translation by Andres Bonifacio of the poem Mi Último Adios (My Last Farewell) originally written in Spanish by Filipino national hero Jose Rizal.

Huling Paalam
Pinipintuho kong Bayan ay paalam,
Lupang iniirog ng sikat ng araw,
mutyang mahalaga sa dagat Silangan,
kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw.

Masayang sa iyo'y aking idudulot
ang lanta kong buhay na lubhang malungkot;
maging maringal man at labis ang alindog
sa kagalingan mo ay akin ding handog.

Sa pakikidigma at pamimiyapis
ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip,
walang agam-agam, maluwag sa dibdib,
matamis sa puso at di ikahahapis.

Saan man mautas ay di kailangan,
cipres o laurel, lirio ma'y patungan
pakikipaghamok, at ang bibitayan,
yaon ay gayon din kung hiling ng Bayan.

Ako'y mamamatay, ngayong namamalas
na sa Silanganan ay namamanaag
yaong maligayang araw na sisikat
sa likod ng luksang nagtabing na ulap.

Ang kulay na pula kung kinakailangan
na maitina sa iyong liwayway,
dugo ko'y isaboy at siyang ikikinang
ng kislap ng iyong maningning na ilaw.

Ang aking adhika sapul magkaisip
noong kasalukuyang bata pang maliit,
ay ang tanghaling ka at minsang masilip
sa dagat Silangan hiyas na marikit.

Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal,
taas na ang noo't walang kapootan,
walang bakas kunot ng kapighatian
gabahid man dungis niyong kahihiyan.

Sa kabuhayan ko ang laging gunita
maningas na aking ninanasa-nasa
ay guminhawa ka ang hiyas ng diwa
paghingang papanaw ngayong biglang-bigla.

Ikaw'y guminhawa laking kagandahang
akoy malugmok, at ikaw ay matanghal,
hininga'y malagot, mabuhay ka lamang
bangkay ko'y maisilong sa iyong Kalangitan.

Kung sa libingan ko'y tumubong mamalas
sa malagong damo mahinhing bulaklak,
sa mga labi mo'y mangyayaring ilapat,
sa kaluluwa ko halik ay igawad.

At sa aking noo nawa'y iparamdam,
sa lamig ng lupa ng aking libingan,
ang init ng iyong paghingang dalisay
at simoy ng iyong paggiliw na tunay.

Bayaang ang buwan sa aki'y ititig
ang liwanag niyang lamlam at tahimik,
liwayway bayaang sa aki'y ihatid
magalaw na sinag at hanging hagibis.

Kung sakasakaling bumabang humantong
sa krus ko'y dumapo kahit isang ibon,
doon ay bayaan humuning hinahon
at dalitin niya payapang panahon.


Bayaan ang ningas ng sikat ng araw
ula'y pasingawin noong kainitan,
magbalik sa langit ng buong dalisay
kalakip ng aking pagdaing na hiyaw.

Bayaang sino man sa katotong giliw
tangisang maagang sa buhay pagkitil;
kung tungkol sa akin ay may manalangin
idalangin, Bayan, yaring pagkahimbing.

Idalanging lahat yaong nangamatay,
Nangag-tiis hirap na walang kapantay;
mga ina naming walang kapalaran
na inihihibik ay kapighatian.

Ang mga balo't pinapangulila,
ang mga bilanggong nagsisipagdusa;
dalanginin namang kanilang makita
ang kalayaan mong ikagiginhawa.

At kung ang madilim na gabing mapanglaw
ay lumaganap na doon sa libinga't
tanging mga patay ang nangaglalamay,
huwag bagabagin ang katahimikan.

Ang kanyang hiwaga’y huwag gambalain;
kaipala'y marinig doon ang taginting,
tunog ng gitara't salterio'y magsaliw,
ako, Bayan yao't kita'y aawitan.

Kung ang libingan ko'y limot na ng lahat
at wala ng kurus at batong mabakas,
bayaang linangin ng taong masipag,
lupa'y asarolin at kahuya’y ikalat.


Ang mga buto ko ay bago matunaw,
mauwi sa wala at kusang maparam,
alabok na iyong latag ay bayaang
siya ang babalang doo'y makipisan.

Kung magkagayon ma'y, alintanahin
na ako sa limot iyong ihabilin,
pagka't himpapawid at ang panganorin,
mga lansangan mo'y aking lilibutin.

Matining na tunog ako sa dinig mo,
ilaw, mga kulay, masamyong pabango,
ang ugong at awit, paghibik ko sa iyo,
pag-asang dalisay ng pananalig ko.

Bayang iniirog, sakit niyaring hirap,
Katagalugan kong pinakaliliyag,
dinggin mo ang aking pagpapahimakas;
diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat.

Ako'y patutungo sa walang busabos,
walang umiinis at berdugong hayop;
pananalig doo'y di nakasasalot,
si Bathala lamang doo’y haring lubos.

Paalam, magulang at mga kapatid
kapilas ng aking kaluluwa't dibdib
mga kaibigan, bata pang maliit,
sa aking tahanan di na masisilip.

Pag-papasalamat at napahinga rin,
paalam estranherang kasuyo ko't aliw,
paalam sa inyo, mga ginigiliw;
mamatay ay siyang pagkakagupiling!

(The Spanish poem was translated into Tagalog by
the Filipino revolutionary hero Andres Bonifacio.)



Mi Último Adios 
(Spanish vesion of Huling Paalam)
Adios, Patria adorada, region del sol querida,
Perla del Mar de Oriente, nuestro perdido eden,
A darte voy alegre, la triste, mustia vida;
Y fuera mas brillante, mas fresca mas florida,
Tambien por ti la diera, la diera por tu bien.

En campos de batalla, luchado, con delirio,
Otros te dan sus vidas, sin dudas, sin pesar.
El sitio nada importa: cipres, laurel o lirio,
Cadalso o campo abierto combate o cruel martirio,
Lo mismo es si lo piden la Patria y el hogar.

Yo muero, cuando veo que el cielo se colora
Y al fin anuncia el dia, tras lobrero capuz;
Si grana necesitas, para tenir tu aurora,
Vierte la sangre mia, derrama laen buen hora,
Y dorela un reflejo de su naciente luz!

Mis suenos, cuando apenas muchado adolescente,
Mis suenos cuando joven, ya lleno de vigor,
Fueron el verte un dia, joya del mar de Oriente,
Secos los negros ojos, alta la tersa frente,
Sin ceno, sin arrugas, sin manches de rubor.

Ensueno de mi vida, mi ardiente vivo anhelo,
Salud! te grita el alma, que pronto va a partir;
Salud! ah, que es hermoso caer por darte vuelo,
Morir por darte vida, morir bajo tu cielo,
Y en tu encantada tierra la eternidad dormir!

Si sobre mi sepulcro vieres brotar, un dia,
Entre la espesa yerba sencilla humilde flor,
Acercala a tus labios y besa al alma mia,
Y sienta yo en mi frente, bajo la tumba fria,
De tu ternura el soplo, de tu halito el calor.

Deja a la luna verme, con luz tranquila y suave,
Deja que el elba envie su resplandor fugas;
Deja gemir al viento, con su murmullo grave;
Y si desciende y posa sobre mi cruz un ave,
Deja que el ave entone su cantico de paz.

Deja que el sol, ardiendo, las lluvias evapore,
Y al cielo tornen puras, con mi clamor en pos;
Deja que un ser amigo mi fin temprano llore;
Y en las serenas tardes, cunado por mi alguien ore,
Ora tambien, oh Patria, por mi descanso a Dios.

Ora por todos cuantos murieron sin ventura;
Por cuantos padecieron tormentos sin igual;
Por nuestras pobres madres, que gimen su amargura;
Por huerfanos y viudas, por presos entortura;
Y ora por ti, que veas tu redencion final.

Y cunado, en noche oscura, se envuela el cementerio,
Y solos solo muertos queden velando alli,
No turbes su reposo, no turbes el misterio;
Tal ves acordes oigas de citara o salterio;
Soy yo, querida Patria, yo que te canto a ti.

Y cuando ya mi tumba, de todas olvidada,
No tenga cruz ni piedra que marquen su lugar,
Deja que la are el hombre, la esparza con la azada,
Y mis cenizas, antes que vuelvan a la nada,
El polvo de tu alfombra que vayan a formar.

Entonces nada importa me pongas en olvido,
Tu atmosfera, tu espacio, tus valles cruzare;
Vibrante y limpia nota sere para tu oido;
Aroma, luz, colores, rumor, canto, gemido,
Constante repitiendo la esencia de mi fe.

Mi Patria idolatrada, dolor de mis dolores,
Querida Filipinas, oye el postrer adois.
Ahi, te dejo todo: mis padres, mis amores.
Voy donde no hay esclavos, verdugos ni opresores;
Donde la fe no mata, donde el que reina es Dios.

Adios, padres y hermanos, trozos del alma mia,
Amigos de la infrancia, en el perdido hogar;
Dal gracias, que descanso del fatigoso dia;
Adios, dulce extranjera, mi aliga, mi alegria;
Adios, queridos seres. Morir es descansar.




My Last Farewell
 (English version of  Huling Paalam or Mi Ultimo Adiós)

 Farewell, my adored Land, region of the sun caressed,
Pearl of the Orient Sea, our Eden lost,
With gladness I give you my Life, sad and repressed;
And were it more brilliant, more fresh and at its best,
I would still give it to you for your welfare at most.

On the fields of battle, in the fury of fight,
Others give you their lives without pain or hesitancy,
The place does not matter: cypress laurel, lily white,
Scaffold, open field, conflict or martyrdom's site,
It is the same if asked by home and Country.

I die as I see tints on the sky b'gin to show
And at last announce the day, after a gloomy night;
If you need a hue to dye your matutinal glow,
Pour my blood and at the right moment spread it so,
And gild it with a reflection of your nascent light!

My dreams, when scarcely a lad adolescent,
My dreams when already a youth, full of vigor to attain,
Were to see you, gem of the sea of the Orient,
Your dark eyes dry, smooth brow held to a high plane
Without frown, without wrinkles and of shame without stain.

My life's fancy, my ardent, passionate desire,
Hail! Cries out the soul to you, that will soon part from thee;
Hail! How sweet 'tis to fall that fullness you may acquire;
To die to give you life, 'neath your skies to expire,
And in your mystic land to sleep through eternity!

If over my tomb some day, you would see blow,
A simple humble flow'r amidst thick grasses,
Bring it up to your lips and kiss my soul so,
And under the cold tomb, I may feel on my brow,
Warmth of your breath, a whiff of your tenderness.

Let the moon with soft, gentle light me descry,
Let the dawn send forth its fleeting, brilliant light,
In murmurs grave allow the wind to sigh,
And should a bird descend on my cross and alight,
Let the bird intone a song of peace o'er my site.

Let the burning sun the raindrops vaporize
And with my clamor behind return pure to the sky;
Let a friend shed tears over my early demise;
And on quiet afternoons when one prays for me on high,
Pray too, oh, my Motherland, that in God may rest I.

Pray thee for all the hapless who have died,
For all those who unequalled torments have undergone;
For our poor mothers who in bitterness have cried;
For orphans, widows and captives to tortures were shied,
And pray too that you may see you own redemption.

And when the dark night wraps the cemet'ry
And only the dead to vigil there are left alone,
Don't disturb their repose, don't disturb the mystery:
If you hear the sounds of cithern or psaltery,
It is I, dear Country, who, a song t'you intone.

And when my grave by all is no more remembered,
With neither cross nor stone to mark its place,
Let it be plowed by man, with spade let it be scattered
And my ashes ere to nothingness are restored,
Let them turn to dust to cover your earthly space.

Then it doesn't matter that you should forget me:
Your atmosphere, your skies, your vales I'll sweep;
Vibrant and clear note to your ears I shall be:
Aroma, light, hues, murmur, song, moanings deep,
Constantly repeating the essence of the faith I keep.

My idolized Country, for whom I most gravely pine,
Dear Philippines, to my last goodbye, oh, harken
There I leave all: my parents, loves of mine,
I'll go where there are no slaves, tyrants or hangmen
Where faith does not kill and where God alone does reign.

Farewell, parents, brothers, beloved by me,
Friends of my childhood, in the home distressed;
Give thanks that now I rest from the wearisome day;
Farewell, sweet stranger, my friend, who brightened my way;
Farewell, to all I love. To die is to rest.





No comments:

Post a Comment