Buod ng
Kabanata 48 - Ang Talinghaga
Dumating ng araw na iyon si Ibarra at masayang dinalaw
si Maria Clara at Kapitan Tyago. Sinabi nito sa huli na tinanggal na ang
kanyang pagiging excomulgado, at ipinabasa ang sulat kay Tiya Isabel. Tuwang
tuwa naman ang tiyahin sapagkat magiliw siya kay Ibarra. Nabigla naman ang
binata ng siya ay mapunta sa balkon. Nandoon si Maria Clara at si Linares naman
sa gawing paanan nito na nag-aayos ng mga bulaklak. Nagulat si Linares at si
Maria Clara naman ay namutla, at sinikap mang tumayo ngunit ito ay hindi pa
lubos na magaling. Ipinaalam ni Ibarra ang dahilang ng kanyang pagdalaw. Banaag
naman sa mukha ni Maria Clara ang pagkalungkot at dahil dito, ay nagpaalam
kaagad si Ibarra. Sinabi ng binata na dadalaw itong muli kinabukasan. Umalis si
Ibarra na may kaguluhan ang isip at damdamin. Sa kanyang paglalakad ay napadaan
siya sa ipinapagawang paaralan. Ipinaalam niya sa lahat lalo na kay Nol Juan na
wala silang dapat ipangamba sapagkat siya ay tanggap na muli ng simbahan.
Sinagot naman siya ni Nol Juan na ang pagiging excomulgado ay hindi mahalaga
para sa kanila, sapagkat lahat sila ay mga excomulgado rin. Namataan ni Ibarra
si Elias na nagkakarga ng bato sa kariton at nabasa nito sa mukha ng huli na
may nais siyang ipaalam sa binata. Inutusan ni Ibarra si Nol Juan na ibigay sa
kanya ang talaan ng mga obrero. Iminungkahi ni Elias na sila ay mamangka sa
lawa upang mapag-usapan ang isang napakahalagang bagay, na sinang-ayunan naman
ni Ibarra. Dumating naman si Nol Juan at ibinigay ang listahan, ngunit hindi
nakalista doon ang pangalan ni Elias.
No comments:
Post a Comment