Noli Me Tangere
Buod ng
Kabanata 61 - Ang Barilan sa Lawa
Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay
Ibarra na itatago siya sa bahay ng isang kaibigan sa Mandaluyong. Ang salapi ni
Ibarra na itinago niya sa may puno ng balite sa libingan ng ninuno nito ay
kanyang ibabalik upang may magamit si Ibarra sa pagpunta nito sa ibang bansa.
Nasa ibang lupain daw ang katiwasayan ni Ibarra at hindi nababagay na manirahan
sa Pilipinas, dahil ang buhay niya ay hindi inilaan sa kahirapan. Inalok ni
Ibarra na magsama na lang sila ni Elias, tutal pareho na sila ng kapalaran at
magturingan na parang magkapatid. Pero, tumanggi si Elias.
Nang mapadaan sila sa tapat ng palasyo, napansin nilang
nagkakagulo ang mga bantay. Pinadapang mabuti ni Elias si Ibarra at tinakpan ng
maraming damo. Nang mapadaan sila sa tapat na polvorista, sila’y pinatigil at
tinanong ng bantay si Elias kung saan ito nanggaling. Ipinaliwanag ni Elias na
siya’y galing ng Maynila at rarasyunan niya ng damo ang hukom at ang kura.
Kumbinsido ang bantay sa paliwanag ni Elias kaya ipinatuloy niya ito sa
pagsasagwan at pinagbilinan na huwag magpapasakay sa bangka sapagkat katatakas
pa lamang ng isang bilanggo. Kung mahuhuli raw ito ni Elias, siya ay bibigyan
ng gantimpala. Inilarawan ng bantay ang bilanggong tinutukoy ay nakalebita at
mahusay magsalita ng Kastila. Nagpatuloy sa pagsasagwan si Elias. Lumihis sila
ng landas. Pumasok sila sa may ilog-Beatang inawit ni Balagtas upang akalaing
siya ay taga-Peñafrancia.
Itinapon ni Elias ang mga damo sa pampang, kinuha ang isang
mahabang kawayan at ilang bayong at sumige sa pagsagwan. Nagkuwentuhan muli
sina Elias at Ibarra. Nakalabas na sila sa ilog-Pasig
At nakarating sa may Sta. Ana. Napadaan sila sa tapat ng
bahay-bakasyunan ng mga heswitas kaya hindi maiwasang manariwa sa isip ni Elias
ang masasayang araw na tinamasa niya, may magulang, kapatid at maganddang
kinabukasan. Namuhay nang masagana at mapayapa. Sumapit sila sa malapad na bato
at nang makitang inaantok na bantay na wala siyang kasama at mahihingi,
pinaraan niya si Elias.
Umaga na ang sapitin nila ang lawa. Pero sa di-kalayuan
nabanaagan nila ang isang palwa ng mga sibil na papalapit sa kanila. Pinahiga
ni Elias si Ibarra at tinakpan niya ito ng bayong. Nahalata ni Elias na
hinahadlangan sila sa baybayin. Kaya sumagwan itong patungo sa may Binangonan,
ngunit nagbago rin ng direksyon ang palwa. Tinawag sila. Inisip ni Elias na
magbalik sa bunganga ng Ilog-Pasig. Nakuro ni Elias na napagtatalikupan sila at
walang kalaban-laban. Isa pa wala silang dala ni isa mang sandata. Mabilis na
naghubad ng damit si Elias. Sinabi niya kay Ibarra na magkita na lamang sila sa
noche buena sa libingan ng nuno ni Ibarra. Tumayo si Elias at tumalon sabay
sikad sa bangka.
Ang atensyon ng mga sibil sa palwa at nakasakay sa bangka ay
natuon kay Elias. Pinaulanan nila ng punglo ang lugar na pinagtalunan nito.
Kapag lumilitaw si Elias pinapuputukan ito. Nang may 50 dipa na lamang ang layo
ni Elias sa may pampang, nahapo na ang humahabol sa kanya sa kasasagwan .
Makalipas ang tatlong oras ay umalis na ang mga sibil sapagkat napansin nilang
may bahid ng dugo sa tubig ng baybayin ng pampang.
No comments:
Post a Comment