Noli Me Tangere
Buod ng
Kabanata 55 - Ang Pagkakagulo
Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala siyang
ganang kumain. Kaya niyaya niya ang kaibigan ni Sinangsa piyano. Nagbulungan
silang dalawa habang palakad lakad si Pari Salvi sa loob ng bulwagan. Hindi
mapakali si si Maria sa paghihintay nilang magkaibigan ang pagdating ni Ibarra.
Kasalukuyan kumakain noon ang argos na si :Linares at isinadasal nilang umalais
na ang "multong" si Pari Salvi. Nakatakdang dumating sa ikawalo ng
gabi si Ibarra. Ika-walo rin ng gabi ang nakatakdang paglusob sa kumbento at sa
kwartel. Nang sumapit ang ikawalo, napaupo sa isang sulok ang pari samantalang
ang magkaibigan ay hindi malaman ang gagawin. Nang tumugtog ang kampana, silang
lahat ay tumindig upang magdasal. Sya namang pagpasok ni Ibarra na luksang
luksa ang suot. Tinangkang lapitan ni Maria ang kasintahan ngunit biglang
umalingawngaw na lamang ang sunod sunod na putok. Napapatda si Ibara, hindi
makapagsalita. Ang Kura naman ay nagtago sa likod ng haligi. Ang mga tao sa
bahay ni Kapitan Tiyago ay nakakarinig ng puro putokan, sigawan at pinagbuhan
sa may kumbento. At mga nagsisikain na kumedor ay biglang pumasok at panay na
‘tulisan…tulisan…Si Tiya Isabal ay panay ang dasal samantalang ang magkaibigan
ang nagyakapan. Si Ibarra ay walang tinag sa kinatatayuan. Nagpatuloy ang
putukan atsilbatuhan kasabay ng pagsasara ng mga pintuan at bintana ng biglaan.
Nang mawala ang putukan, pinapanaog ng alperes ang kura.
Inakala ng mga nasa bahay na nasugatan ng malubha sa pari Salvi. Tiniyak ng
alperes na wala ng panganib kaya lumabas na sa pinagtataguan ang kura, nanaog
ito. Si Ibara ay nanaog din. Pinasok naman ni Tiya Isabel ang magkaibigan sa
silid. Hindi nagkausap si Ibarra at Maria, basta nagpatuloy nalamang sa
paglakad ng binata, mabilis. Napadaan siya sa hanay ng mga sibil na naka
bayoneta pa. Sa may bandang tribunal, nangingibabaw ang tinig ng alperes sa
pagtatagubilin sa kapitan na wag niyang pabayaan makatakas ang mga nahuling
lumusob.
Pagdating ni Ibarra sa bahay, kaagad na inutusan ni Ibarra
ang kanyang katulong na ihanda ang kanyang kabayo. Tumuloy siya sa gabinete at
isinilid nya ang kanyang maleta ang mga hiyas, salapi, ilang mga kasukatan at
larawan ni Maria. Nagsukbit siya ng isang balaraw at dalawang rebolber. Ngunit
aalis na lamang siya nakarinig sya ng malaks na pagputok sa pintuan. Tinig ng
isang kawal na kastila. Lalaban sana siya ngunit nagbago ang kanyang isip.
Binitawan niya ang kanyang baril at binuksan ang pinto. Dinakit siya ng
Sarhento ng mga dumating na kawal. Isinama.
Sa kabilang dako, gulong gulo ang isip ni Elias ng pumasok
siya sa bahay ni Ibarra. Para siyang sinusurot sa sariling budhi. Naalalala
niya ang sinapit ng kanyang angkan, ang kanyang nuno, si Balat, kapatid na
babae at ang kanyang ama. Waring ang lahat ay tinatawag siyang duwag… isang
duwag. Labis na pangingipospos ang kanyang damdmin. Hanggang sa maisip niyang
balikan ang bahay ni Ibarra. Dinatnan niya ang mga katulong ni Ibarra na hilong
naghihintay sa kanilang amo. Nang malaman niya ang nangyari kay Ibarra,
nagkunwari itong umalis. Pero lumigid lamang saka umakyat sa bintana na patungo
sa gabinete. Nakita niya ang mga kasulatan, mga aklat, alahas at baril.
Dinampot niya ang baril at ang iba naman ay isinilid niya sa sako at inihulog
sa bintana. Nakita niyang dumating ang mga sibil. Kinuha ni Elias ang larawan
ni Maria at isinilid ito sa isang supot. Nagipon siya ng mga damit at papel,
Binuhusan niya ito nga mga gas at saka sinilaban.
Ang mga kawal ay nagpupumilit namang pumasok. Sinabihan sila
ng matandang katulong ng walang pahintolot sa may-ari, kaya hindi maa-ari
silang pumasok. Naalaska ng husto ang directocillo, sa isang hudyat niya
tinabig ng kawal ang matanda at mabilis silang pumanik. Pero sinalubong sila ng
makapal na usok at ang apoy na nakarating na sa gabinete. Biglang nagkaroon ng
bmalalakas na pagsabog. Mabilis pa sa lintik na umatras at nanaog ng bahay ang
mga kawal kasama ang mga katulong ni Ibarra.
No comments:
Post a Comment