Noli Me Tangere
Buod ng
Kabanata 56 - Ang mga Sabi at Kuro-kuro
Hanggang sa kinabukasan sakmal pa rin ng takot ang buong
bayan ng San Diego. Ni isa mang tao ay walang makitang naglalakad sa gitna ng
daan. Tahimik na tahimik ang buong paligid. Pamaya-maya, isang bata ang
naglakas loob na magbukas ng bintana at inilibot ang paningin. Dahil sa ginawa
ng bata, nagsisunod ang mga iba na magbbukas ng bintana. Ang mga
magkakapit-bahay ay nagbalitaan. Lubhang kalagim-lagim daw ang nagdaang gabi
tulad noong mandambong si Balat. Sa kanilang pag-uusap, lumilitaw na si Kapitan
Pablo raw ang sumalakay. Ipinapalagay naman ng iba na ang mga kuwadrilyero raw
kaya dinakip si Ibarra. Ang mga lalaki ay nagpunta naman sa kuwartel at sa may
tribunal. Lumitaw pa sa usapan ng mga tao na tinangka raw ni Ibarra na itanan
ang kasintahang si Maria upang hindi matuloy ang pakikipag-isang dibdib niya
kay Linares. Kaya lang sinansala ni Kapitan Tiyago ang kanilang pagtatanan sa
tulong ng mga sibil.
Samantala, nakausap ni Hermana Pute ang isang lalaking
kagagaling lamang sa tribunal. Sinabi nitong nagtapat na si Bruno. Pinatunayan
nito ang balita tungkol sa magkasintahang sina Ibarra at Maria. Sa ngitngit daw
ni Ibarra, pati simbaha’y nais niyang paghigantihan, mabuti na lamang at nasa
bahay ni Kapitan Tiyago si Pari Salvi. Ang mga sibil daw ang sumunog sa bahay
ng binata. May isang utusang babae naman ang nagpahayag na nakita niyang
nakabitin sa ilalim ng puno ng santol si Lucas.
No comments:
Post a Comment