Noli Me Tangere
Buod ng
Kabanata 53 - Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga
Kinabukasan ng umaga, kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw
na nakita sa libingan ng nakaraang gabi. Sa paniniwala ng mga puno ng mga
kapatiranh ni San Francisco, may 20 ang nakita niyang kandila na sinindihan.
Panaghoy at pahikbi naman ang narinig ni Ermana sipa kahit na malayo ang
kanyang bahay sa libinga. Sa pulpito, binigyang diin naman ng kura sa kanyang
sermon ang tungkol sa kaluluwa sa purgartoryo.
Ang usapan ay hindi nakaligtas sa matalas na paningin nina
Don Filipo at Pilosopong Tasyo na ilang araw na ilang araw ngt naghihina.
Nasabi ni Don na tinaggap ng alkade ang kanyang pagbibtiw sa tungkulin. Hindi
namn mapakali si Tandang Asyo sapagkat naniniwala siyang ang pagbibitiw ay
hindi nararpat at napapanahon. Sa panahon ng digmaan, anya, ang puno ay dapat
na manatili sa kanyang tao. Sa pagiisip ni Pilosopong Tasyo. Ayon sa kanya, nag
iba ang bayan na di na katulad noon na may 20 na taon na ang nakalipas. Ang
nakaraan ay nagbigay ng aralin. Namamalas na nag naging bunga ng pagdayo sa
Pilipinas ng mga Europeo at ang pagdayo naman ng mga kabataan sa Europa ay
nadadma na rin .
Ang mga kabataang nakapag aral sa Europa ay nagkaroon ng
malawak na kaalaman tungkol sa kaysayan, Matematika, Agham, wika at iba pang
uri ng kaalamn na itutring na enerhiya noong una. Kaya na ng tao na pangasiwaan
ang malawak na daigdig na kanyang ginagalwan at tinatahanan. Sa panitikan,
nagsimula na ring lumitaw ang mga makatang nagpapahayag ng malaya at mga
makaagham ng pagsubok. Hindi na rin kayang sawatain ng kumbento ang paglaganap
ng mga modernong kabihasnan.
Nagkaroon pa ng palitan ng katwiran ang dalawa tungkol sa
bayan, sa relihiyon, sa kahihinatnan ng bayan, ugali ng mga binata at dalaga
ang ng mga naglilingkod sa Simbahan hanggang sa tanungin ni Don Filipo si
Tandang Tasyo kung hindi nangangailangan ng mga gamot sapagkat napansin nitong
hinang-hina na sya. Pero tinugon sya ni Tandang Tasyo na ang mga mamamatay ay
hindi na nangangailangan ng gamot at sa halip ang mga maiiwan ang
mangangailangan. Ipinakiusap din niya sa Don na sabihin kay Ibarra na
makipagkita sa kanya sa loob ng ilang araw sapagkat malapit na siyang yumao. Sa
kabila ng karamdaman ni Tandang Tasyo ang kapakanan ng bayan ang kanyang
inaalagata. Matibay ang kanyang paniniwala ng ang Pilipinas ay tumatahak parin
sa karimlan. Hindi nagluwat, nagpaalam na si Don Filipo.
No comments:
Post a Comment