Noli Me Tangere
Buod ng
Kabanata 50 - Ang mga Kaanak ni Elias
Isinalaysay ni Elias ang kanyang kasaysayan kay Ibarra upang
malaman nito na siya ay kabilang din sa mga swimpalad.May 60 taon na ang
nakakalipas, ang kanyang nuno ay isang tenedor de libros sa isang bahay- kalakal
ng kastila.Kasama ng kanyang asawa at isang anak na lalaki, ito ay nanirahan sa
Maynila.Isang gabi nasunog ang isang tanggapang pinaglilingkuran niya.
Isinakdal ang kanyang nuno sa salang panununog. Palibhasay maralita at walang
kayang ibayad sa abogado, siya ay nahatulan. Ito ay ipinaseo sa lansangan na
nakagapos sa kabayo at pinapalo sa bawat panulukan ng daan. Buntis noon ang
asawa, nagtangka pa ring humanap ng pagkakakitaan kahit na sa masamang paraan
para sa anak at asawang may sakit. Nang gumaling ang sugat ng kanyang nuno,
silang mag-anak ay namundok na lamang. Nanganak ang babae, ngunit hindi
nagtagal namatay ito. Hindi nakayanan ng kanyang nuno ang sapin-saping
pagdurusang kanilang natanggap. Nagbigti ito. Hindi ito naipalibing ng babae.
Nangamoy ang bangkay at nalaman ng mga awtoridad ang pagkamatay ng
asawa.Nahatulan din siyang paluin.Pero, ito ay hindi itinuloy at ipinagpaliban
sapagkat dalawang buwan siyang buntis nuon. Gayunman, pagkasilang niya, ginawa
ang hatol.
Nagawang tumakas ng babae mula sa malupit na kamay ng batas,
lumipat sila sa kalapit na lalawigan. Sa paglaki ng anak na panganay, ito ay
naging tulisan. Gumawa siya ng panununog at pagpatay upang maipaghiganti nila
ang kaapihang natamo. Nakilalasiya sa tawag na balat. Ang lahat ay natakot sa
kanyang pangalan. Ang ina ay nakilala naman sa tawag na haliparot,delingkuwente
at napalo at ang bunso dahil sa mabait at tinawag na lamang anak ng ina.
Isang umaga, nakagisnan na lamang ng anak ang ina na patay
na. Ito ay nakabulagta ssa ilalim ng isang puno at ang isang ulo ay nakatingala
sa isang bakol na nakasabit sa puno. Ang kanyang katawan ay ibinaon samantalang
ang mga paa,kamay ay ikinalat. Ang ulo naman ay siyang dinala sa kanyang ina.
Walang nalalabing paraan sa nakakabata dahil sa kalunos-lunos na pangyayaring
ito kundi ang tumakas. Siya ay ipinadpad ng kapalaran sa Tayabas at namasukang
obrero sa isang mayamang angkan. Madali naman siyang nakagiliwan sapagkat
nagtataglay nga ito ng magandang ugali.
Siya ay masikap at ng nagkaroon ng puhunan, napaunlad niya
ang kanyang kabuhayan hanggang sa makakilala siya ng isang dalagang taga-bayan
na kanyang inibig ng tapat. Gayunman sinasagilahan siya ng matinding pangamba
na mamanhikan. Nangangambasiyang matuklasan ang tunay niyang pagkatao. Mahal palibhasa
ang babae, minsan ay nailugso nito ang puri at desidido siyang panindigan ang
nagawa. Ngunit, dahil sa mayaman ang ama ng babae at wala siyang kayang
ipagtanggol ang sarili. Siya ay nakulong sa halip na makasal siya sa babae.
Bagamat hindi nagsama ang magkasuyo, ang kanilang
pagtatampisaw sa dulot ng pag-ibig ay nagkaroon ng bunga. Ang babae ay nanganak
ng kambal, isang babae at isang lalaki. Ang lalaki ay si Elias. Bata pa sila ay
iminulat sa kanilang patay na ang kanilang ama. Naniniwala naman sila sapagkat
musmos pa lamang ay namatay ang kanilang ina. Nang magkaroon ng sapat na isip,
palibhasa’y may kaya ang nuno si Elias ay nag-aral sa mga Heswitas samantalang
ang kapatid na babae ay sa Concordia. Nagmamahalan silang magkapatid at ang
pag-igkas ng panahon ay hindi nila namamalayan. Namatay ang kanilang nuno
kaya’t umuwi silang magkapatid upang asikasuhin ang kanilang kabuhayan.
Maganda ang kanilang hinaharap, ang kanyang kapatid na babae
ay nakatakdang ikasal sa binatang nagmamahyal sa kanya, ngunit ang kanilang
kahapon ang nagwasak sa kanilang kinabukasan. Dahil sa kanyang salapi at
ugaling mapag-mataas, isang malayong kamag-anak ang nagpamukha sa kanilang
kahapong nagdaan. At ito ay pinatunayan ng isang matandang utusan nila. Iyon
pala ang kanilang ama. Namatay na naghihinagpis ang kanilang ama dahil sa
pag-aakalang siya ang naging dahilan ng kasawian nilang magkapatid. Pero, bago
ito namatay naipagtapat niyang lahat ang kahapon ng magkakapatid.
Lalong binayo ng matinding kalungkutan ang kapatid ni Elias
nang mabalitaan niyang ikinasal sa iba ang kanyang kasintahan. Isang araw
nawala na lamang ito’t sukat.Lumipas ang anim na buwan nabalitaan na lamang ni
Elias na mayroong isang bangkay ng babaing natagpuan sa baybayuin ng Calamba na
may tarak sa dibdib. Ito ang kanyang kapatid. Dahil dito siya ay nagpagala-gala
sa iba’t-ibang lalawigan bunga ng iba’t-ibang pagbibintang tungkol sa kanya na
hindi naman niya ginagawa. Dito natapos ang salaysay ni Elias.
Nagpalitan pa ng iba’t-ibang pananaw ang dalawa hanggang sa
sabihin ni Ibarra kay Elias na sabihin niya sa mga sumugo sa kanya na siya
(Ibarra) ay taus-pusong nakikiisa sa kanilang mga damdaming. Lamang, wala
siyang magagawa kundi ang maghintay pa sapagkat ang sama ay di-nagagamot ng
kapwa sama rin. Dagdag pa rito, sa kasawian ng tao siya man ay matroong
kasalanan din. Nang makarating na sila sa baybayin, nagpaalam na si Ibarra at
sinabi kay Elias na siya ay limutin na at huwag babatiin sa anumang kalagayang
siya ay makita nito. Nagtuloy si Elias sa kuta ni Kapitan Pablo at sinabi sa
kapitan na siya kung di rin lamang mamamatay ay tutupad sa kanyang pangako na
aanib sa kanila sa sandaling ipasiya ng pinuno na dumating na ang oras ng
pakikibaka sa mga Kastila.
No comments:
Post a Comment