Tuesday, July 9, 2013

MGA HALAMANG GAMOT

Ito ang listahan ng Department of Health o DOH ng sampung (10) halamang gamot na nirerekomenda nito para gamitin ng mga tao sa iba’t ibang uri ng sakit bilang home remedy.

1. LAGUNDI (Scientific name: Vitex negundo) – Gamot sa ubo, sipon, lagnat, at hika

2. YERBA BUENA (Scientific name: Clinopodium douglasii) - Gamot sa pananakit ng katawan, ubo, sipon, hilo, at pangangati

3. SAMBONG (Scientific name: Blumea balsamifera) – Gamot sa high blood (hypertension) bilang isang pampaihi o diuretic; nakakalusaw ng mga bato sa bato.

4. TSAANG GUBAT (Scientific name: Carmona retusa) – Gamot sa sakit ng tiyan o pagtatae (gastroenteritis) at pangmumog para maiwasan ang mga cavites o pamumulok ng ngipin.

5. NIYOG-NIYOGAN (Scientific name: Quiscalis indica) – Gamot sa bulate sa tiyan

6. AKAPULKO (Scientific name: Cassia alata) – Panlaban sa mga fungal infection sa balat gaya ng an-an, buni, alipunga.

7. ULASIMANG-BATO (Scientific name: Peperonia pellucida) – Ginhawa sa rayuma o arthritis at gout

8. BAWANG (Scientific name: Alium sativum) – Pampababa ng kolesterol (cholesterol-lowering agent)

9. AMPALAYA (Scientific name: Momordica charantia) – Pampababa ng asukal sa dugo sa mga may diabetes (Lowers blood sugar levels)


10. BAYABAS (Scientific name: Psidium guajava) – Gamot sa pagtatae (antidiarrheal) at panghugas ng katawan na nakakaalis ng mikrobyo (antiseptic).



Iba pang mga halamang gamot 

SAMBONG
Scientific name: Blumea balsamifera
Maraming sakit ang kayang pagalingin ng sambong tulad ng ubo (pantanggal ng plema), sa nahihirapang umihi, sakit sa lalamunan, may kabag, sumasakit ang tiyan at may rayuma. Inihahalo din ang dahon nito sa pampaligo at panghugas ng bagong panganak.

Paraan:
Magpakulo ng tuyo at sariwang dahon at inumin, puwede rin ang pinaglagaan nito sa bagong panganak.



SAGING NA SABA
Scientific name: Musa paradisiaca Linn
Ang saging (Musa paradisiaca Linn) ay isang uri ng prutas na masasabing pinakakilala sa Pilipinas at matatagpuan sa buong bansa. Isa ito sa mga paborito ng mga Pilipino. Ang Pilipinas din ang pang-lima sa pinakamalaking nagluluwas ng saging sa buong mundo. Ito ay tinatawag na tukol ng mga Ilokano, turdan ng mga bisaya, Latunda ng mga Bikolano at Pangasinense, at Saquin a Latondan ng mga Kapampangan.

Ang saging ay madalas na napagkakamalan bilang isang puno ngunit ang totoo, ito ay isang malaking halamang-damo (herb). Bagaman ito ay tumutubo na sa mga bansang tropikal, ito ay nagmula sa Timog-Silangang Asya.

Ito ay may taas na umaabot hanggang walong metro ngunit ang karaniwan ay mula tatlo hanggang limang metro. Ang mga dahon nito ay malambot, madulas, hugis pahaba at may kulay na berde. Ang bunga naman nito ay may kulay na mula berde hanggang dilaw o pula, at maaaring may haba na umaabot mula 2 ½ hanggang 12 na pulgada.

Ang murang bunga ng saging na saba ay gamot sa pigsa, sa pamamagitan nito lumalambot ang pigsa at nagkakaroon ng mata.


Paraan:
Kumuha ng murang saging na saba, kayurin ito ng pino. Ilagay sa telang ginupit ng pabilog at may maliit na butas sa gitna. Idikit sa pigsa, hayaang matuyo ang saging dahil ito ang magiging daan upang kusang pumutok ang pigsa.

Iba pang gamit
* Ang batang dahon ng saging ay ginagamit para sa pagbebenda ng sugat at ginagamit ding pampahid sa sakit ng ulo.

* Sa naninipis na buhok: Ang dagta ng puno ay ipinapahid sa anit.

* Ang nilutong bulaklak ng saging ay ginagamit naman bilang lunas sa diabetes.

* Ang dagta naman ng bulaklak ay ginagamit para sa pananakit ng tenga.



SABILA
Scientific name: Aloe barbadensis Mill
Pampalago ng buhok at pang-alis ng balakubak, balat na nasunog o napaso, nasunog sa araw at pekas sa mukha pati na rin taghiyawat.


Paraan:
a) Kumuha ng dahon at katasin, ilagay sa anit at masahiing mabuti. Hayaang matuyo bago banlawan ay siyampuhin.

b) Katasin ang dahon at ipahid sa nasunog na balat at sa taghiyawat.

c) Magdikdik ng dahon at itapal sa may pilay, lagyan ng benda.




ROMERO
Scientific name: Ros marinus officinalis L.
Gamot sa kabag at mga taghiyawat.

Paraan:
Ligisin ang mga murang dahon at ipahid ang katas sa tiyan para sa kabag, ipahid din ang katas sa mukha para sa may taghiyawat.




PINYA
Scientific name: Ananas comosus
Ang prutas na ito ay mayaman sa bitamina C, pampatigas ng mga buto at ngipin, gamot sa nerbiyos.
Ang katas ng hinog na pinya ay pampurga.


Paraan:
Kumain ng pinya o katasin ang kalahati nito at inumin. Gawin ito buong isang linggo pagkatapos kumain.




PATATAS
Scientific name: Solanum tuberosum Linnaeus
Ito ay gamot sa napaso, rayuma at sakit sa balat.

Paraan:
a) Hiwain ang patatas at itapal sa napaso.
b) Kudkurin at itapal sa rayuma at may sakit sa balat.



PAPAYA
Scientific name: Carica papaya
Ang hinog na bunga ng papaya ay nakatutulong upang matunaw ng mabuti ang pagkaing kinain. Para ito sa mga naimpatso, may mga taghiyawat at mga bulate sa tiyan. Gamot din sa sa sakit na galing sa babae.

Paraan:
a) Durugin ang hinog na papaya, lagyan ng katas ng kalamansi at itapal sa mukha na may taghiyawat.
b) Para sa impatso, kumain ng hinog na bunga.
c) Para sa may mga bulate, magdikdik ng mga buto, haluan ng konting gatas.

Mga bata edad 7-9 na taon : 1/4 kutsarita
Mga bata edad 10-12 na taon : 1/2 kutsarita

Gawin ito 2 oras pagkatapos kumain ng hapunan. Ulitin pagkatapos ng isang linggo kung kailangan.

d) maglaga ng mga buto at inumin ang pinaglagaan, mainam ito lalo na sa sakit na galing sa babae (dahil sa pambabae).

e) Ang dahon ng papaya ay ginagamit pang-alis ng mantsa sa damit at mainam na panlinis o panghugas sa bituka ng baboy.



PANDAN
Scientific name: Pandanus odoratissimus L.
Ang dahon ng pandan ay isinasama sa sinaing upang bumango ang kanin, isinasama din sa ginagawang palamig.

Ang dahon, ugat at puno nito ay tumutulong upang bumuti ang daloy ng dugo sa katawan. Nililinis din nito ang ating dugo.

Ang pinakalangis nito ay pinapahid sa rayuma at sakit sa ulo.


Paraan:
Maglaga ng ugat at puno, inumin at gawing tsaa 3 beses maghapon. Bawal para sa mga nagdadalang-tao.



PANDAKAKI
Scientific name: Tabernaemontana pandacaqui
Ang ugat at dahon nito ay gamot sa sakit ng tiyan, ulcer at hindi normal na pagdating ng buwanang dalaw (regla) at sa nahihirapang manganak.


Paraan:
Maglaga ng ugat at dahon nito at uminom ng 1-2 basong pinaglagaan.



OREGANO
Scientific name: Coleus aromaticus Benth.
Ang oregano ay mas kilala kaysa sa ibang mga halamang-gamot na ginagamit sa ubo't sipon.


Paraan:
a) Ibalot sa dahon ng saging ang 7 pirasong oregano at ihawin ng bahagya (huwag hayaang masunog).

b) Puwede ring ilagay ang mga oregano sa maliit na platito o tasa at isapaw sa sinaing.



NARRA
Scientific name: Pterocarpus indicus
Mainam na gamot sa sakit sa bato, ibabad ang balat sa alak upang hindi masira agad (para sa may hustong edad).


Paraan:
Kumuha ng 1/4 kilong balat ng puno, alisin ang maruming bahagi at hugasan. Tadtarin ng maliliit at pakuluan sa tatlong basong tubig. Inumin ang pinaglagaan 3 beses araw-araw.




 NIYOG-NIYUGAN
Scientific name: Quisqualis indica L.
Ang mga buto nito ay gamot sa mga bulate o tiwa.


Paraan:
Sa edad na 4-7 taon - kumain ng apat na buto.
Sa edad na 8-9 taon - kumain ng anim na buto.
Sa edad na 10-12 taon - kumain ng pitong buto.
Sa matanda - kumain ng sampung buto.
Kainin ang nasabing buto, dalawang oras pagkatapos kumain ng hapunan. Ulitin pagkaraan ng isang linggo kung kailangan.




MAYANA
Scientific name: Coleus blumei benth.
Gamot sa galos o bukol dahil sa pagkakahulog o nadapa.


Paraan:
a) Dikdikin at katasin ang mga dahon, ipahid sa galos o sugat.
b) Ang dinikdik na dahon ay itapal sa bukol.



MANSANILYA
Scientific name: Chrysanthemum indicum L.
Mabuting panlunas sa ubo, sakit ng tiyan, kabag, sakit ng ulo.


Paraan:
a) Magpakulo ng 1 tasang dahon ng mansanilya sa 2 basong tubig, 3 beses maghapon.
b) Ligasin ang mga dahon, lagyan ng langis at ikuskos sa tiyan. Bigkisin ang tiyan buong magdamag.
c) Lagyan ng langis ang mga dahon at painitin sa apoy. Ilagay sa noo bago matulog sa gabi.



MANGGA
Scientific name: Mangifera indica Linn.
Gamot sa pasumpong-sumpong na rayuma at pananakit ng kasukasuan. Maaari ring ihalo sa pampaligo ng bagong panganak.


Paraan:
a) Pakuluan ang balat ng puno (1 tasa kapag tinadtad) sa kalahating tabong tubig. Gamiting mainit na pomento sa nananakit na kasukasuan o rayuma.
b) Ang mga dahon at balat ng puno ay pakuluan at ihalo sa pampaligo ng bagong panganak.




MALUNGGAY
Scientific name: Moringa oleifera Lam.
Ang dahon at bunga ng malunggay ay masarap igulay. Ang dahon ay nagpapadagdag ng gatas ng inang nagpapasuso. Mayaman ito sa bitamina A. Gamot din sa sugat at hindi natunawan.


Paraan:
a) Lamukusin ang dahon at ipahid o itapal sa sugat.
b) Magluto ng 2 tasang dahon ng malunggay, puwedeng ihalo sa lutuing gulay.



 MAKABUHAY
Scientific name: Tinospora rumphii Boerl
Ang halamang ito ay isang uri ng baging na panghugas sa sugat at sakit sa balat (galis-aso).
Bawal inumin ng nagdadalang-tao.

Paraan:
a) Kumuha ng mahabang baging, 1/4 kl. ang dami kapag pinagputol-putol. Pakuluan sa dalawang tabong tubig at ipanghugas o ipanglanggas sa sugat.

b) Maglaga ng maraming baging, lagyan ng tubig sapat para ipampaligo.




MAIS
Scientific name: Zea mays L.
Ang buhok nito ay gamot sa may problema sa pag-iihi, nagbabalisawsaw at may sakit sa buto. Masarap inumin dahil walang pait kang malalasahan.


Paraan:
Maglaga ng mga buhok ng mais, gawing tsaa hanggang sa gumaling at mawala ang karamdaman.


MABOLO
Scientific name: Diospyros discolor
Ang bunga nito ay napakasarap, mabango at masustansya. Mainam ito sa malimit na pagdumi at nag-iiti.



LUYANG DILAW
Scientific name: Curcuma longa L.
Gamot sa balakubak, sa may lagnat na nabinat, sa may rayuma o nananakit na kasu-kasuan.


Paraan:
a) Para sa may balakubak, magdikdik ng lamang-ugat o suwi (dahon), imasahe ang katas sa anit at buhok. Hayaan magdamag at magsiyampu kinabukasan.

b) Magdikdik ng suwi, ihalo sa langis ng niyog. Lagyan ng konting asin at ipahid sa masakit na parte.
c) Kumuha ng 1 kutsaritang luyang dilaw na pulbos, ihalo sa 1 tasang maligamgam na tubig. Ipainom sa may lagnat o nabinat.







2 comments:

  1. If you're trying to lose weight then you certainly need to get on this brand new custom keto meal plan diet.

    To create this keto diet service, licenced nutritionists, fitness couches, and cooks united to produce keto meal plans that are useful, painless, economically-efficient, and delightful.

    Since their first launch in January 2019, hundreds of clients have already transformed their body and well-being with the benefits a good keto meal plan diet can offer.

    Speaking of benefits; in this link, you'll discover eight scientifically-proven ones given by the keto meal plan diet.

    ReplyDelete