Ang Pantig at
Pagpapantig
Ang pantig ay galaw ng bibig, saltik ng dila na may kasabay
na tunog ng lalamunan o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita.
Kayarian ng Pantig
Gumagamit ng simbolong K para sa katinig at P para sa
patinig sa pagtukoy ng kayarian ng pantig.
Kayarian
Halimbawa
Kayarian
|
Halimbawa
|
P | a-so |
KP | ma-ta |
PK | ak-lat |
KPK | sak-lap |
KKP | blu-sa |
PKK | eks-pre-syon |
KKPK | plan-ta |
KPKK | nars |
KKPKK | trans-por-ta-syon |
Ang Pagpapantig
Ang pagpapantig ay paghahati ng salita sa pantig o mga
pantig.
1. Ang magkasunod na dalawa o higit pang patinig ng salita
ay hiwalay na mga pantig
Halimbawa:
uupo > u – u - po
paano > pa – a – no
noo > no - o
2. Ang magkasunod na katinig sa loob ng isang salita ay
pinaghihiwalay, ang una ay kasama sa patinig na sinusundan at ang ikalawa ay sa
patinig na kasunod.
Halimbawa:
tukso > tuk - so
pandak > pan - dak
luksa > luk – sa
3. Sa hiram na salita, ang magkasunod na katinig ay parehong
kasama sa kasunod na patinig.
Halimbawa:
sobre > so-bre
pobre > po-bre
4. Sa pag-uulit ng pantig:
a. Ang patinig lamang ang inuulit kung ito ay unang tunog ng
salitang ugat.
Halimbawa:
asa > a-a-sa
alsa > a-al-sa
ekstra > e-eks-tra
b. Kung ang unang pantig ng salitang ugat ay nagsisimula sa
katinig-patinig ang katinig at kasunod na patinig lamang ang inuulit
Halimbawa:
punta > pu-pun-ta
sulat > su-su-lat
prito > pi-prituhin
No comments:
Post a Comment