Monday, July 1, 2013

Awit at Korido

Awit at Korido

Nang dumating ang mga Kastila sa ating bayan, panitikan ang nagsilbing paraan upang madaling mapalaganap at maipamulat ang Kristiyanismo sa mga katutubo. Upang matugunan naman ang kanilang hilig na mas maaliw. Pumasok ang mga anyong panitikan na tinatawag na awit at Korido. Naging kilala ang mga ito, at naging mainam natagapag-ugnay sa mga manunulat at mambabasa. Dahil dito, ipinalagay ng mga dayuhan na ang mga ito ay ligtas at nakakatuwang libangan.

Ang awit at korido ay mga akdang nasa anyong patula. Ang sa saknong ng mga ito ay may natatanging bilang o sukat at may magkakasintunog o magkakatugmang mga pantig. Ang Korido ay salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ng isang tauhang malabayani na punung-puno ng kababalaghan. Ang awit namaíy salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ngunit ang mga tauhan at walang sangkap na kababalaghan.

Sa kapanahunang ito seguro walang hihigit pa sa gawain ni Francisco "Balagtas" Baltazar. Siya marahil ang mga unang makata na nag-expose laban sa mga koloniyalistang kultura. Ang kaniyang subversive work ay sa anyong Florante at Laura. Ang Florante at Laura ay isang mahabang pasalaysay na tula na naglalaman ng mga mensahe laban sa mga Kastila. Nakatakas ito sa mgas censura dahil nagbalat-kayo na ang mga unang panauhin ay ang mga Kastila. Ngunit sa mga totoong mambabasa ito'y may maraming tema una laban sa Kristiyanismo at pangalawa ang laban sa im espanya.

Isa sa mga halimbawa ng korido ay ang Ibong Adarna. Binubuo ito ng 1,172 na saknong. Ito ay tumatalakay sa mga pangyayaring hindi kapani-paniwala ngunit napapalooban ng mga aral sa totoong buhay. Isinasaad din sa akdang ito kung sa papaanong paraan malalagpasan ang mga pagsubok na kalimita'y dumadaig sa tao. Bagamat kilala ang akda, hindi tiyak ang taong sumulat nito. Sinasabing ito ay nagpasalin-salin na lamang mula sa maraming taong nagsalaysay. Dahil dito, ang Ibong Adarna ay tinawag na sanaysaying-bayan.

Pagkakaiba Ng Awit Sa Korido

Ang kaibahan ng awit at korido ay maaaring nasa sukat at anyo:

1. Mabilis ang bigkas ng korido, may kabagalan naman ang awit

2. Ang korido ay may walong pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa “allegro”, samantala ang awit ay may labindalawang pantig at inaawit na mabagal sa saliw ng gitara o bandurya “allegro”

3. Ang ikinaganda ng awit ay sa mga aral na ipinahihiwatig samantala sa korido ang ikinawiwili ng mga mambabasa ay ang kuwento o kasaysayang napapaloob ditto

Kategorya ng Awit at Korido

Nakapaloob sa kategoryang ito ang iba't ibang uri ng awit at korido na nalathala sa Pilipinas. Karaniwang nakasaad ang lagom [summary] ng akda, ang halaga niyon sa panitikan, at ang mga kritikang lumabas hinggil sa naturan. Halina't makiisa sa pagbubuo ng nilalaman nito.

Katangian ng awit at korido

Ang korido ay isang tulang panrelihiyon. Ang awit ay isang tulang nagsasaad ng kabayanihan.

Mga Halimbawa ng Korido:

Ibong Adarna, Don Juan Tiñoso, Don Juan Teñoso, Mariang Kalabasa, Ang Haring Patay, Mariang Alimango, Bernardo Carpio ni Jose de la Cruz, Rodrigo de Villas ni Jose de la Cruz, Prinsipe Florennio ni Ananias Zorilla, Buhay na Pinagdaanan ni Donya Maria sa Ahas

Mga Halimbawa ng Awit:


Florante at Laura ni Francisco Balagtas, Buhay ni Segismundo ni Eulogio Juan de Tandiona, Doce Pares na Kaharian ng Francia ni Jose de la Cruz, Salita at Buhay ni Mariang Alimango, Prinsipe Igmidio at Prinsesa Clariana

No comments:

Post a Comment